Chapter 34

30.2K 546 40
                                    

CHAPTER 34: CARELESS WHISPER

“You can’t… H-hindi totoo yan. Hin.. hindi pwede-“

Gusto kong matuwa. Gusto kong tumalon sa sobrang saya. Gusto kong sabihing nararamdaman ko din yun sa tuwing magkasama sila ni Bea. Gusto kong sabihin.. lahat sa kanya. That I’m happy with him more than any man na nakakahalubilo ko sa aking buhay. That I like him.

Pero bakit ganun ang lumabas sa bibig ko? Bakit mas gusto ko pang marinig na isang malaking joke lang ang sinasabi niya? Na isa lang yung kasinungalingan?

B-bakit?

Dahan-dahan siyang lumalapit sakin. It seems like I’m staring at him pero sa totoo lang, tumatagos yung tingin ko patungo sa kawalan—trying to absorb what he said along with my throbbing heart.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang maiinit niyang kamay sa magkabila kong balikat. “I know.. I know.. But I can’t help it. I can’t resist it, Shinie.”

The way he talked to me.. napakalambot. Parang hinahaplos ng sobrang ingat ang puso ko. And the way he looked at me.. gusto kong isara ang maamo niyang mata. Ayokong tinitingnan niya ako ng ganyan. Yung tingin niya na parang hirap na hirap siya. Ramdam ko na may gusto siyang sabihin ngunit ang tindi ng pagpipigil niya.

Ayoko din palang nakikita siyang nasasaktan..

“I don’t know, Shin..” Marahan niyang iniling yung ulo niya. “Maybe.. m-maybe I’m..”

“You have no right..” NO, I HAVE NO RIGHT! I HAVE NO RIGHT TO CLAIM YOU AS MINE. AT MAS LALONG WALA AKONG KARAPATANG MAHALIN ANG ISANG TULAD MO.

Dahil pagmamay-ari ka na ng iba..

Napatigil siya sa sinabi ko. Umawang yung bibig niya at kitang-kita ko ang pinaghalong pagkalito at sakit sa mga mata niya. Oo, masakit yung sinabi ko. Alam ko pagsisihan ko yun by the end of the day. But that’s the truth.

We don’t own each other..

Pinigilan ko ang paglabas ng luha kong umaapaw na sa mga mata ko. Lalo na nung naramdaman ko ang nanghihinang pagbagsak ng mga kamay ni Marco mula sa balikat ko. A-ayokong saktan siya. Pero kasi.. sa pinapakita niya ngayon… nalilito na ako.

Ayoko ng umasa uli. I don’t wanna assume at mas lalong ayokong mag-expect ng malaki sa kanya!

“MARCO!”

Napabuntong-hininga ako nang makilala ko ang boses ni Bea. And for the first time, pinagpasalamat ko na dumating siya. M-magpapaalam pa ba ako kay Marco? Magiging rude ba ako kung tatalikuran ko na lang siya?

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon