Chapter 42

26.4K 378 22
                                    

CHAPTER 42: HIS POV (PART 1)

Dali-dali kong pinara ang unang taxi na nakita ko. I just prayed that there’s no one inside and thank God He granted my wish.

“Kuya, sa NAIA po. P-pakibilisan po.” Pilit kong kinontrol ang boses ko kahit gusto ko nang sumigaw sa driver o kaya’y agawin sa kanya ang manibela para mapaharurot ang kotseng ‘to.

Sana hindi pa siya nakakaalis, Lord. Sana hintayin niya ako. H’wag niya sana akong iwan ng ganito.

 

Napatingin ako sa kulay asul na notebook ni Marco. Pinunasan ko ang butil ng tubig na nakapatong sa cover nun. Tubig? Agad kong hinawakan ang pisngi ko at naramdaman ko ang pagkabasa nito. Hindi pwede ‘to. Hindi ako pwedeng umiyak..

With my shivering hands, binuklat ko ito sa unang pahina. Bahagya akong natawa nang makita ko ang sulat niya. Ang panget! Mahahalata mong sulat talaga ng lalaki.

Sa pangalawang pahina, may nakita akong maliit na note sa may bandang itaas..

--Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang reaksyon ng babaeng yun nung sinita ko ang bag niyang nakabukas. Like she have seen a ghost!

 

Naalala ko tuloy noong una kaming nag-usap. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kalaki ang kasiyahan ko nung mga panahong yun kahit na sinita lang naman niya ako nun. Napaka-espesyal nun kasi dun kami nagsimula.

 

Wala akong nakitang extra notes sa pangatlo at sa pang-apat na pahina. But when the fifth page came.. biglang tumalon ang puso ko nang may makita ako sa gilid ng mga formulas. Kailangan ko pang ibaliktad ang notebook para mabasa iyon ng maayos.

And the notes goes on and on..

--Nakita ko siyang pumasok sa pinto. Nandun lagi ang ngiti sa kanyang mga labi sa tuwing napasok siya sa klase namin. Ba’t ang saya-saya niya? But whenever she pass across our seats, yumuyuko siya. Nahihiya siguro siya sakin-samin. This girl definitely caught my attention. But why?

 

--What’s so amazing about her?

 

--Why am I looking at her? Is it her smile?

 

--I want to know her more. Lalapitan ko na sana siya kaya lang lagi siyang may katext. I wonder if she has a boyfriend.

 

--Nagulat ako nang may kumalabit sakin ngunit mas kinabigla ko kung sino ang gumawa nun. Siya… Hindi ko mapigilang mapangiti. Inabot niya ang ballpen kong nahulog. I gladly took it at nung tumalikod na siya at akmang aalis. I thanked her along with her name. Hindi niya alam.. Isang beses, hinintay ko na magsalita siya ng “present” sa klase para lang malaman kung ano ang pangalan niya.

 

--Tama nga ako. May boyfriend na siya. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis nung makita ko kung pano siya nginitian ang lalakeng sinabayan pa siya hanggang sa labas. I see.. That’s why she’s glowing.. because of that guy.

Beyond Reaching You [COMPLETE]On viuen les histories. Descobreix ara