Chapter 25

29.7K 547 118
                                    

CHAPTER 25: PRINCE CHARMING

Nararamdaman ko na naman. Nararamdaman ko na naman 'yung pakiramdam na ayokong pangalanan. 'Yung masaya kang gumigising sa umaga at sabik kang pumasok sa school, 'yung parang ang liwa-liwanag at makulay ang paligid, at kahit mukha ka ng tanga kakangiti, hindi mo matanggal kasi parang naka-paste na 'yun sa labi mo.

Ang saya. Sobrang saya to the point na natatakot na ako.

Natatakot na maulit muli ang nangyari. Mag-replay lahat lahat. Kikiligin ako, aasa, tapos sa huli, malalaman ko na kaibigan lang pala. Friendzoned lang ang dating. But seriously, natatakot ako na ang maging tingin ko sa aking harmless crush will grew into more than friends.

And that feeling must stop hangga’t maaga dahil alam kong... ako din ang matatalo, ang masasaktan. Pwede sana akong mag-assume kung 'yung pinakaweirdo sa klase namin ang magkagusto sa'kin pero 'yung katulad ni Marco? Jusmiyo!

For sure, marami na siyang nakasalamuhang magaganda at makikinis na babae. Artista nga siya diba? So, ang mga nakikilala niya din ay mga tulad niya. Habang ako ordinaryo lang at kung iko-compare ako sa mga babaeng nakakausap niya? Nako, magmumukha akong yaya. Kay Bea pa lang eh.

Masaya na ako sa nalaman kong masaya siya tuwing kasama ako.

“Kasi ako, sobra.. sobrang saya."

 

“EEEH!”

“HUY! Buang lang teh?! Kung tulungan mo kaya kami sa pagkatay dito sa palaka?” sigaw ni Mimi sa'kin. SHUCKS! Ano ba 'yan! Nawawala na ako sa ulirat dahil sa kanya! And did I just squeal?!

Nahihiya akong pumunta sa mga groupmates ko at tiningnan ang kaawa-awang palaka na nasa dissecting tray. Nakakaawa talaga siya lalo na at nakatusok ang mga kamay at paa niya dun.

“Oh, Shinie. Ikaw ang maghiwa. Ayoko talaga niyan.” nandidiring sabi sa'kin ni Mimi.

Parang gusto ko diba? Ayoko! Naaawa ako! Pero dahil nga, nakakahiya 'yung nangyari kanina, hindi kasi ako nagbigay ng atensyon sa ginagawa namin, kaya gagawin ko na lang ‘to.

Sorry froggy, huhu..

Nag-mental sign of the cross muna ako, bago ko tuluyang gupitin sa gitna ang kawawa niyang katawan. Ba’t pa kasi kailangang gupitin?! Pwede namang hiwain na lang! Torture naman ‘to para sa kanya.

Blood... Feeling ko nakapatay ako ng inosenteng tao.

“Yun oh! Thank you, Shinie!” narinig kong sabi ng isa kong groupmate.

Nginitian ako ni Mimi at kinuha na sa'kin ang scissors habang sa kabilang kamay naman niya ang forceps, ia-unfold na siguro nila ang katawan ng palaka para makita 'yung loob. “Kami na ang magpapatuloy. O guys, magtake-down na kayo ng notes.”

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now