Chapter 18

30.7K 433 52
                                    

 

CHAPTER 18: HIDDEN DESIRE

"Anong tinitili-tili mo dyan?!"

Napaigtad ako sa pagkakaupo sa harap ng aking laptop nang marinig ko ang boses ni Mama sa may pinto. Bigla na lang gumana ang reflexes ko at kasabay ng pagkagulat ko ay ang pabalyang sara ko sa aking precious laptop. Napangiwi ako. Sheez! Sana hindi nasira.

"Ah.. ano kasi.."

Umupo si Mama sa kama ko. Kinakabahan ako, swear.

"Pwede ka namang magopen-up sakin, anak."

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon sakin, biglang nakaramdam ako ng paghaplos sa puso ko. May bahagi dun na parang nawala 'yung bigat. Sa konting salita lang ni Mama, may gumaan mula sa loob ko. Ang sarap umiyak. Ang sarap sabihin kay Mama lahat kasi alam kong kakampihan niya ako at maiintindihan niya ang nararamdaman ko.

"Wala po. Kinilig lang po ako sa crush ko."

Nung binanggit ni Mama ang salitang "open-up", naisip ko agad 'yung naranasan ko kay Jeremy. Maiintindihan naman ako ni Mama kapag sinabi ko sa kanya ang nangyari sa'kin, diba? 

But no.. I can't.

Hindi ko kayang malaman ni Mama ang pinagdadaanan ko.

"Halika nga dito." nakangiti niyang sabi sa'kin habang marahang pinapagpag ang parte ng kama na katabi ng inupuan niya. 

Pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi niya, agad niyang pinatong ang kamay niya sa kandungan ko at tinapik - tapik ito. Sa simpleng gesture ni Mama, nakahanap ako ng kaluwagan at kapayapaan. 'Yung comfort na hindi ko kahit kailan matatagpuan sa mga kaibigan ko. Sa kanya ko lang ito mararamdaman.

 

"Bata ka pa. Hindi masamang magka-crush o kaya'y magkagusto sa isang tao. Tandaan mo lang lagi na kapag magmamahal ka, magtitira ka dito." Tinuro niya ang dibdib ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay tumango sa kanya. Bakit sinasabi ni Mama sa'kin ang mga bagay na ito? May alam ba siya?

 

"Magmahal ka anak, ng lalaking.. mamahalin ang PAMILYA mo at number one ang DIYOS sa puso niya. Dahil kapag nakakita ka nun, paniguradong hinding-hindi ka niya iiwan."

Yung lalaking mamahalin sina Mama at Papa pati na din ang mga kapatid ko..

 

Yung lalaking may takot sa Diyos..

 

Maghihintay ako sa lalaking ganun. Tama! Maghihintay ako sa kanya. Pero..

 

"Meron pa ba nun, Ma?"

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now