Chapter 11

32.6K 478 37
                                    

 CHAPTER 11: STRAWBERRY SUNDAE

“Ang pag-ibig dadating talaga yan.”

 

Nabasa ko sa bibliya na “Love is patient”. Kapag humiling ka daw kay Lord, it’s either YES, NO OR JUST WAIT. Kaya kapag hindi mo pa daw nahahanap ang para sa'yo o ang “the one” mo, ibig sabihin may nakalaan si Lord na greater sa ineexpect mo at 'yun talaga ang taong magmamahal sa iyo ng totoo.

 

In my teenage years, ni hindi ko man lang naranasan 'yung full love na sinasabi nila. Lagi na lang 'yung mga paasa at lalaking gusto lang may maka-fling ang nagkakagusto o nagugustuhan ko. And I’m tired of it.

 

I’m tired of finding “the one”.

  

Hanggang ngayon ba, ang sagot ni Lord sa panalangin ko ay “JUST WAIT”?

Akala ko siya na, siya na yung “the one” for me. Akala ko magsisimula ang love story namin at magpapatuloy hanggang sa pagtanda namin. Ngunit isa lang pala yung ilusyon. 

Maybe, I aimed too high that’s why when I fell, it really hurts. Ang taas ba naman ng inabot ko, paniguradong masakit 'yun. Sobrang sakit.

 

Nagulat ako nang nakita ko na may hagdanan na sa tapat ko. Ano ba naman yan! Ang lalim kasi ng iniisip ko kaya nalagpasan ko na ang room ko sa Math. Patakbo akong bumalik at huminto muna sa harap ng pinto. Pinunas ko ang aking mga kamay sa mukha ko. Baka kasi may mga bakas pa na luha na natira dito. Kinuha ko din ang salamin mula sa pocket ng bag ko at chineck kung namumula pa ang mata ko. Medyo may pagkamula pero hindi naman halatang umiyak.

Binuksan ko na ang pinto at sinalubong naman ako ng normal na atmosphere doon. May mga nagbabasa, natutulog, kinakalikot ang phone, nakikipagdaldalan, nakatingin sa kawalan.

May mga dinadala din kaya silang mabigat tulad ko? Ilan kaya sa kanila ang nakakaranas ng katulad sakin?

 

Syempre hindi mawawala ang pag-iingay ng tropa nina Marco.

Naging ugali ko na ang tingnan ng panakaw si Marco kapag papasok ako ng classroom. Kasi para sakin, masulyapan ko lang siya, masaya na ako. Diba ganun naman talaga kapag crush mo ang isang tao? Makita mo lang sa malayuan, kontento ka na.

Pero kasi ngayon… wala akong gana. Naiinis nga ako sa sarili ko kasi pinagkakait ko pa sa sarili ko ang pagkakataong sumaya. Tulad ng lagi kong ginagawa, dumiretso ako sa aking upuan nang nakatungo. Natatakot din kasi ako na baka mahalata ng mga kaklase ko na umiyak ako.

“PANIS KA DUN, TONY!”

 

Narinig ko na naman ang pagsasalita nung pinakamaingay sa kanila. Hindi ko alam kung bakit siya lagi ang una kong naririnig sa tropa nila. Siguro dahil siya ang pinakamalakas ang boses?

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now