Chapter 7

31.9K 430 21
                                    

 

CHAPTER 7: DOTA

Magkaibigan. Siguro nga magkaibigan kami ni Chantal. A friend who's way too different from me. Maputi siya, morena lang ako. Mahinhin siya magsalita, ako may pagkamadaldal. Yung tipong kapag ngingiti siya para ang sarap tingnan at siya yung masasabi mong makabasag pinggan.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Sabi nga nila diba? You’re beautiful in your own way. Pero bakit ganito? Hindi ko mapigilang ibaba ang sarili ko sa kanya. Hindi ko mapigilang ma-insecure sa kanya.

“Ang lalim na naman ng iniisip mo. Nandito naman ako.”

As usual, kasama ko na namang umuwi si Mag. Tiningnan ko siya at nakita ko kung gaano siya ka-concern sakin. Ganun ba kalalim ang iniisip ko to the point na napansin niya? Nakonsensya tuloy ako.

“Wala. Napagod lang siguro ako.” 

Yung itsura ni Mag parang may gustong sabihin sakin pero siguro napansin niya na wala ako sa mood kaya tumahimik naman siya.

“Uy, may sasabihin ka eh. Ano yun?” Inalog-alog ko pa yung braso niya. Ayaw pa kasing sabihin eh!

“Eeehh.. NAKAKAINIS KASI KANINA EH!”

Nagulat ako kasi bigla ba namang lumakas ang boses niya. Ibig sabihin lang niyan talagang nauurat siya sa nangyari. Hindi ko na nga siya nabalaan na ihina ang boses niya kasi nasa loob na kami ng fx, dahil sa gulat eh.

“Anu ba kasing nangyari?”

“Wala na. Nahihiya na ako sa kanya!”

“Kay Greg?” Siya lang naman kasi yung binanggit niya saking crush niya.

“Oo. Nakakainis kasi yung kaibigan niyang si Ron! Pinrint screen ba naman yung usapan namin tungkol sa pagkacrush ko kay Greg! Ayan..” Tinakpan pa niya yung mukha niya na parang hiyang-hiya sakin. “Aksidente niyang nabasa sa laptop ni Ron. Nalaman na niya tuloy.”

“Ano namang reaksyon niya?”

  

“Akala niya joke lang yun.” Pabulong niya lang sinabi pero rinig na rinig ko naman.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa bestfriend ko eh. Matatawa kasi napakamanhid naman nung crush niya at maaawa kasi ganun yung naging reaksyon ni Greg.

“Ano ng plano mo?”

Inalis na niya 'yung mga kamay sa mukha niya at tumingin sa'kin ng diretso. Uh-oh. Eto yung tingin ni Mag na kung ano pa man yung kanyang sasabihin ay gagawin niya.

“Sasabihin ko na totoo yun pero dapat magkaibigan pa din kami. Walang ilangan!”

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now