Chapter 20

28.8K 414 21
                                    

CHAPTER 20: NUMBER AND WORDS

“Shinie, ikaw na sunod!”

“Kahit naman wala kang contact lens, maganda ka pa din. Actually, mas maganda ka kapag wala yan.”

 

“SHIN!” Nagulat ako! AKO NA PALA ANG SUNOD NA RARAMPA! Marco naman kasi!

Sinimulan ko nang maglakad. Tigil sa mga kailangang tigilan. Pose ng konti at balik na sa dating pwesto. Ang pina-practice kasi namin ngayon ay para sa formal wear kaya kailangan medyo mabagal ang paglalakad. Sabayan mo pa ng kantang “Wide Awake”.

“Masyadong mabilis ang pagrampa mo, Shinie ah.” komento ni Kuya MC sa'kin nang makabalik ako sa pila.

“Sorry po.” Medyo hindi pa rin kasi ako makaget-over sa nangyari kanina. Ayan tuloy! Naapektuhan 'yung pagrampa ko. Ba’t ba kasi ako apektado sa sinabi niya?!

“Next practice, bawiin mo 'yun.”

Tumango lang ako kay Kuya MC kasi useless din na magsalita ako dahil matatabunan lang ako ng mga tilian ng mga babae. Paniguradong si Marco na ang rumarampa.

Sabi ko na nga ba...

Tingnan mo, Shin. Ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya. Oo, nag-uusap kayo, nagkaroon kayo ng ilang minutong magkasama mag-isa, nagkatawanan na din kayo pero hindi iyon palatandaan na THERE’S SOMETHING MORE. Nagawa na ba niya ang mga ginawa ni Jeremy sa'yo? Nagkakatext ba kayo o nagkakachat? Binigyan ka ba niya ng chocolates? Wala diba? Ginawa nga 'yun ni Jeremy.. Pero anong nangyari? Sinaktan ka din niya.

'Wag na 'wag ka ng maging feelingera, Shin.

Yeah right, nababaliw na ako. Kinakausap ko na sarili ko.

 

“NEXT MEETING.. PARA SA MGA BABAE, MAGDALA NA KAYO NG HEELS NIYO. MERON PA TAYONG THREE WEEKS BEFORE THE PAGEANT SO SANA NAMAN SERYOSOHIN NA NATIN. BE ON TIME SA PRACTICES AND..” tumingin si Kuya MC sa direksyon nina Marco.

“PAKISABI NAMAN SA MGA FANS MO, MARCO NA MEDYO HINAAN NAMAN 'YUNG PAGCHICHEER NILA.”

Napahawak si Marco sa batok niya, na mannerism na ata niya kapag nahihiya. “Okay.”

“OKAY, LET’S CALL THIS A DAY.”

Wew. Buti na lang at makakauwi na. Ang dami ko pa namang homeworks ngayon. Lalapit na sana ako kina Dimple at Greg nang mahagip ng mata ko sina Mag kasama ang mga tropa niya.

“MAG!”

Narinig naman niya agad ang pagsigaw ko kaya tumakbo na ako papunta sa kanila.

“Ba’t nandito ka pa?” tanong ko pagkalapit ko kahit medyo hinihingal pa.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ