Chapter 3

53K 618 64
                                    

 

CHAPTER 3: SPECIAL

May mga bagay talaga sa mundo na hindi mo ine-expect. Tama nga ang sabi nila, kapag mas hindi mo ine-expect, mas masarap sa pakiramdam. Parang ngayon, HINDI KO INE-EXPECT NA KAKAUSAPIN NIYA AKO! Kahit simpleng pagpuna lang yun, parang ang saya pa din sa pakiramdam. 

Nakakahiya nga lang nung nagpasalamat ako ng malakas sa kanya. Kitang-kita kasi 'yung gulat sa mukha niya. Ang gwapo niya pa din kahit yung gulat niya na itsura.

Mabilis lang na lumipad ang oras.

Puro nga ako klase ngayon eh. Wala akong break. Ganito lang naman ako tuwing MWF. Ibig sabihin tuwing MWF ko lang makikita si Jeremy. Ay! Isama mo pa pala ang Sabado, which is yung BioLab namin. Tuwing mga ganitong araw ko din pala makikita si Marco Delos Santos.  

Papunta na ako ngayon sa tagpuan namin ni Mag.

Sabi ko hindi ako malelate eh pero as the typical me, na-late na naman ako. Mga five minutes lang naman. Yung bestfriend ko kasi na'to laging on-time kaya ayun, lagi na lang niya akong pinapaalalahan tungkol sa oras o kaya uulit-ulitin niya sakin kung anong oras 'yung tagpuan.

"Salamat naman at hindi mo ko pinaghintay ng dalawang oras."

Nakapamewang siya nung nakalapit na ako sa kanya. Hindi ko na napigilang mapatili sa harap niya.

"Nabaliw lang teh? Binaliw ka na ba nung Jeremy na 'yun?!" 

"Hindi Mag!"

Another round na naman ng tili ko. Hindi ko talaga mapigilan."NAKAUSAP AKO NI MAR-Marco Delos Santos!"

Hininaan ko yung boses ko. Mahirap na. Sikat siya at baka sabihing isa ako sa mga fans niya. 

"TALAGA?! SWEAR BA?! Pinaglololoko mo naman ako eh!"

'Edi yun, kinuwento ko kay Mag lahat-lahat. Simula nung malaman ko na kaklase ko pala siya sa Math tapos nung sinita niya 'yung nakabukas kong bag.

"Sinasadya mo ata na nakabukas bag mo!" mataray niyang sabi sa'kin pero may ngiting naka-paste sa bibig niya.

"Hindi noh! 'Yung nakabukas nga lang sa bag ko eh 'yung hindi naman dun sa malaking part. Doon lang sa harapan. Nilalagay ko pa naman dun 'yung wallet ko."

"Sabi ko kasi sayo, ilagay mo dun sa main part ng bag mo yung mga mahahalaga mong gamit tulad na lang niyang wallet mo. Kung hindi siguro napansin ni Marco 'yun nakoo!"

"He saved me!"

Ewan. Napapangiti na lang ako ng wala sa oras dito.

 "OA teh? Save agad? Diba pwedeng nagmamalasakit muna ang tao?"

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now