Chapter 40

26K 445 14
                                    


Chapter 40: SO MUCH STRONGER

“Shinie..The problem is, I- I don’t like you..”

 

Agad akong nakaramdam ng paninikip sa aking kaibuturan. I can feel my heart contracting habang paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko ang mga sinabi niya. Panibagong sakit na naman ba ito? Another rejection? Mukhang hindi ko na yata makakayanan ang isa pa... Lalo na kung galing sa kanya.

 

Hindi! Hindi totoo yan! Alam ko.. Sa mga pinapakita niya sakin. Sa mga sinasabi niya.. Alam kong there’s something more. Binuka ko ang aking bibig upang magsalita ngunit naunahan ako ng isang pamilyar na tinig sa may bandang likuran ko.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya, Shinie?” Kahit hindi ako lumingon ay kilalang-kilala ko ang boses niya. Ramdam ko ang paglakas ng kanyang boses senyales na papalapit siya sa amin. “O gusto mong ulitin niya ulit para maliwanagan ka na?”

“Bea..” matigas na sambit ni Marco.

Wala akong nagawa kundi iyuko na lang ang ulo ko. Ang mga mata ko’y nanatili lang na nakadilat kahit gustong-gusto ko na itong isara. Para kahit papano, mawala na ang mga taong nasa harapan ko. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako.. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko.

“H-hindi totoo yan.” I manage to say. Inisip ko na lang na walang Bea dito at kaming dalawa lang ni Marco ang magkaharap ngayon.

“Tell her, Marco! Sabihin mo sa kanya yung totoo!”

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot samin. Sa bawat segundong hindi siya nagsasalita, ay ang pagbilis naman ng tibok ng puso ko. Ramdam ko na din ang pagmuo ng luha ko sa aking mga mata na pilit kong pinipigilan dahil tuluyan na itong babagsak dahil sa pagkakayuko ko.

“Totoo yun, Shinie. The feeling.. the feeling is not mutual.”

Kasabay ng pagsambit niya ng mga katagang iyon, ay ang pagbuhos na ng luha ko. Kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko, kinaya ko pa ding tumayo at magpakatatag sa harap nila.

Magpapatalo na lang ba ako?

Hahayaan ko na lang ba na matapakan ako ulit?

Itataas ko na sana ang ulo ko, ngunit naramdaman ko ang presensiya niya sa may gilid ko. And whispered “sorry” on my ear. After that, nilagpasan niya lang ako..

Oo, nasasaktan ako. Masakit yung sinabi niya pero bakit ganun?

Hindi ko magawang magalit sa kanya?

***

Pinilit kong ngumiti kahit na sobrang nanginginig na ang pang-ibabang labi ko. Para akong lumulutang sa ere habang naglalakad sa runway gamit ang mataas na takong. Ramdam ko ang pagdiin ng mga mata nila sakin. Ang mga palakpakan ay bahagyang bumibingi sa aking tenga. Mga hiyawan.. naririnig ko din ang pangalan ko..

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now