Chapter 30

30.2K 503 21
                                    

CHAPTER 30: NOT AN ORDINARY THING

“D-don’t avoid me.”

Napapangiwi talaga ako everytime na naririnig ko mula sa konsensya ko yung boses niya saying those three words. Sa tono pa ng pagsasalita niya, nakakatagos sa puso. Yan tuloy, hindi ako masyadong nakapagconcentrate nung Philosophy class ko! Nakakainis! Hindi talaga matanggal sa isip ko yung paraan ng pagkakasabi niya!

Ang sarap kalimutan lahat. Ang sarap kalimutang may girlfriend na siya. Kung pwede lang eh.. Tapos magstop dun sa moment na kasayaw ko siya, nakahawak yung kamay niya sakin.. hindi lang hawak yun eh.. Nakaentertwine pa. Tapos yung paraan ng pagtitig niya sakin.. feeling ko napakaespesyal ko. Feeling ko ako ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.

But no..

Napahinto ako sa paglalakad at hindi ko naiwasang mapailing. ARGH! Tingnan mo nga naman! Kahit sa paglalakad, siya pa din yung pumapasok sa utak ko! Ano bang ginawa mo sakin, Marco?!

Kahit nung pagdating ko sa gym, iniwasan ko na agad ang pagdaan sa tropa nila. Mabilis akong dumeretso kay Greg na kasalukuyang kumakain ng hopia ata yun?

“Pahingi naman!” bungad ko agad sa kanya. Out of the blue ko lang yan na sinabi para lang mawala yung weird feeling na nararamdaman ko. Hindi ako mapakali! Nacoconscious ako. It’s like there’s someone staring at my back.

Tinawanan niya muna ako bago inabot sakin yung wrapper na hopia nga yung laman.

“Thank you!”

Kukuha na sana ako nang bigla niyang inagaw ulit yung wrapper sa kamay ko.

“UY-“

“Anong akala mo? Wala ng libre sa mundo!”

Tinawanan  na naman niya ako. Kaasar talaga! Hinampas ko nga sa braso! Pinapaasa ako eh. Eh? Paasa? Ayoko talaga sa word na yan. TSS!

“Biro lang. Oh eto na.” sabay lapag ng hopia sa lap ko. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako kumuha ng hopia mula dun. Baka kasi agawin na naman niya eh.

“Anong meron sa inyo ni Marco?”

Napatigil ako sa pagkain ko ng hopia. “A-ano?!”

KINAKABAHAN AKO! Lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa harap. Nanatili lang akong nakatingin sa gilid kaya tanging mukha niya lang yung nakikita ko.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon