Chapter 22

25.8K 372 9
                                    

CHAPTER 22: WALA NA

Magpatawad.

Inaamin ko, hindi ako ganun kabait. Hindi ako santa para magpatawad na lang ng ganun. Na parang ang dali-daling kalimutan ng lahat. Na parang hindi ako nasaktan. And yes, mataas ang pride ko.

Pero parang nananadya ata si Lord at ang laki ng pagsisisi ko sa pagpasok ko ng maaga. 'Edi sana hindi ko siya makakasalubong ngayon.

“Magpatawad.. Yan ang sikretong ibabahagi ko sayo.”

Hindi ko maiwasang titigan siya habang papalapit siya sakin. Nakatingin lang siya sa harapan niya at may balak atang hindi ako pansinin. Naaalala ko pa dati kapag nagkakasalubong kami ni Chantal, nginingitian na agad namin ang isa’t-isa kahit ang layo-layo pa lang namin. Tapos lagi ko siyang binibigyan ng masayang “hi” at ganun din naman siya sa'kin.

At dahil lang sa nangyari, eto kami ngayon.. strangers.

Nung nilagpasan na niya ako, napahinto ako sa paglalakad. Bigla kasing bumigat ang loob ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o sa lungkot. At bago ko pa pag-isipan ang gagawin ko, lumingon ulit ako sa papalayo niyang anyo at tinawag siya..

“CHANTAL!”

Nagulat ata siya kasi ang bilis ng paglingon niya sa'kin. Yung expression niya.. hindi ko mabasa eh. Naka-poker face kasi.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“O'sige.” mahina ang pagkakasabi niya.

Nauna na akong maglakad. Dinala ako ng mga paa ko sa bench kung saan kami nag-usap dati. Umuulan pa nun tapos tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya. That was the day I lowered my pride to her. Nag-sorry ako kasi akala ko hindi tamang pagselosan ko siya. That was the day I remembered she told me I was her friend. Little did she know, I already considered her back then, as my sister.

That was the day, I trusted her..

Pagkaupong-pagkaupo namin, sinabi ko na agad ang mga salitang makapagpapagaan ng loob ko.

“I’m sorry..”

Binaba ko ulit ang pride ko para sa kanya. Oo, nag-sorry ako. Nag-sorry ako kahit ako na ang nasaktan, kahit ako na ang pinagtatawanan, kahit ako na ang kinakaawaan. But no, I’m not a saint. Ginawa ko ‘to para mapagaan ang loob ko. I want to feel better. At kahit ayaw ko man, kailangan kong gawin ito.

“I’m sorry, too.” anya. Medyo nainis ako kasi nagpapatunay lang 'yun na tama nga ang hinala ko. Tama nga na nagawa nila sa'kin 'yun.

“Okay lang.”

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ang mga taong dumadaan sa harap namin. Ang dami kong gustong sabihin pero ba’t ganun? Walang lumalabas sa bibig ko?

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now