Chapter 5

45.7K 542 17
                                    

CHAPTER 5: CHOSEN

Lahat naman siguro ng babae ay nangangarap na magkaroon ng isang mala-prince charming sa buhay nila at magkaroon ng storyang mala-fairy tale na may happy ever after sa dulo.

Naniniwala pa naman ako dyan kahit papano pero lagi na lang sinasabi sa'kin ni Mimi na kailangan daw akong magpakatotoo. Tingnan ko daw ang reyalidad ng buhay. Um-oo  naman ako sa kanya pero sa loob-loob ko, hindi ko pa din inalis yun. Siguro epekto na din ito nang pagbabasa ko ng mga fairy tales nung bata pa ako. 

Bigla na naman tuloy akong napangiti ng parang ewan sa kawalan. Naiisip ko kasi na parang prinsipe si Marco. Hindi ko man siya ganung kilala, from his physique, popularity and handsome face, isa siya sa mga pwedeng ihanay na gumanap bilang leading man ng mga prinsesa. 

Siya na talaga yung napipicture-out ko na prince charming.

  

Pero sabi ni Mimi, magpakareyalidad daw. Hindi naman daw ang buhay eh parang fairytale. Na ang mahirap ay magugustuhan ng mayaman, yung gwapo magkakagusto sa panget, and etc. Nangyayari lang daw yun sa mga libro at mga teleserye.

Idagdag mo pa 'tong kinukwento ni Mag ngayon. Sabay na naman pala kami umuwi kaya ayun ang dami naming kwento pero nagbubulungan lang kami kasi nasa loob na kami ng fx. Nakakahiya naman sa mga tao.

"Ayan ka na naman eh! Mukha bang hindi kapani-paniwala yung sinasabi ko?"

Medyo napalakas yung sinabi niya kaya nag-sign ako sa kanya na i-lower down yung boses niya. May mga natutulog din kasi.

"Oo best! Hindi naman kasi siya ganun eh."

"Close na ba kayo? As in ganito?!" Pinagdikit niya pa yung dalawa niyang daliri para i-emphasize ang sinabi niya.

"Hindi. Pero kasi.. Basta! Alam kong hindi siya tulad ng sinasabi niyo." Ipagtatanggol ko talaga siya kahit anong mangyari. Hindi ko nga alam kung ba't ko ginagawa 'to sa kanya. Bahala na!

Sabi kasi ng napakagaling kong bestfriend na si Mag, nakita daw nila si Marco with friends. Tinuro niya din daw 'yun sa isa niyang kaibigan na babae, edi syempre tinitigan nila. Nung napansin ata ni Marco na nakatitig sila, tumingin din siya sa direksyon nila. Nagulat sina Mag at umiwas ng tingin pero hindi pa din daw inaalis ni Marco yung tingin niya pati tropa niya ata tumingin din sa kanila. Nung paalis daw sila, sinundan daw sila ni Marco pati yung tropa niya.

"May pakiramdam kasi kami na gustong-gusto niya ng may tumitingin sa kanya! Na may mga babaeng nabibighani sa gwapo niyang mukha! Kahit gwapo naman talaga! Pero hindi naman niya kailangang ipagmayabang noh!"

"Ha? Wala naman akong nakikitang nagmayabang siya dun sa kinuwento mo ah?"

Ni-recall ko ulit yung pagkakakwento niya sakin. Wala talaga akong nakikitang may masamang ginawa si Marco. Inosente siya!

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now