Chapter 44 -END-

38.2K 740 70
                                    

Chapter 44: BEYOND REACHING YOU

Marami sa atin ngayon ang patuloy na umaasa sa pag-ibig. Umaasang balang-araw ay may lalaking magsasabi ng mga matatamis na salita na magpapakilig satin, magtatanggol sa 'tin, magtiya-tiyaga at patuloy na magpapasensya sa twuing lumalabas kahit pa ang pinakapanget nating ugali, at ibibigay ang lahat para lang mapasaya tayo.

We're dreaming of a prince that will give our happy ever after.

Kaya hindi tayo nagsasawang patuloy na umibig kahit na ilang beses tayong nasaktan dahil nagbabaka sakali tayong baka eto na.. baka siya na..

Oo, may takot. Natatakot ka ng masaktan. Natatakot ka ng maging maliit ulit. Natatakot ka ng maiwanan ulit. Natatakot ka ng umuwing luhaan. Ilang beses na ba akong nasaktan? Madaming beses na din pero hindi pa din ako napagod na hanapin SIYA.

Naging matapang ako. I've learned that love is equivalent to courage. Sa tuwing umiibig ka, nawawala yung takot mo. Yes, nagiging maingat ka pero hanggang saan? Hanggang saan ang paglalagay mo ng pader sa puso mo?

Hindi rin magtatagal at magigiba din yang pader sa puso mo lalo na at kapag nakita mo na talaga ang taong para sayo. At hindi mo yun mamamalayan. Para kang nakikipaglaban sa isang silent killer. Magigising ka na lang isang umaga na wala na yung pader na yun at tuluyan ka ng nahulog.

Paano mo nga ba malalaman kung siya na ba talaga? Hindi ko rin alam. Tanging ang Diyos lang ang makakasagot niyan dahil Siya ang dakilang manunulat ng buhay. Kaya dapat hindi ka magsawa. Hindi ka dapat pangunahan ng takot sa tuwing nagmamahal ka.

Kung may dumating na lalaki sa buhay mo, maging masaya ka. Cherish the moments that you have with him at kung hindi siya ang para sayo at bigla na lang siyang umalis, mas maging masaya ka. Dahil lahat ng tao na dumadating sa buhay natin, ay may kanya-kanyang purpose. Pinadaan siya ni Lord sa buhay natin to make us a better person. To be able for us to grew up.

Nung nawala si Marco, nadepressed ako. But God loves me very much that He didn't let me by myself. My family and friends both made my days happy. Parang pinawala siya ni Lord sa buhay ko, para mapansin ko din naman Siya. At simula nun, sa Kanya na ako tumatakbo. He's been my sole inspiration and my strength.

Hindi ko naman nilagyan ng pader ang puso ko sa ibang lalaki. Nagpaligaw ako pero kapag hindi ko talaga maramdaman yung spark, kusa na akong bibitiw. Iba pa din talaga yung lalim ng pagmamahal ko kay Marco. The feeling is so deep that even after four years, siya lang ang naging laman nito.

Baliw na talaga ako. Baliw sa kanya.

At ngayon, nasa harapan ko na siya, wearing his usual boyish smile that I've missed the most. Yung mga mata niyang nagiging n-shaped, yung ngipin niyang tila nagniningning at ang paglagay ng kamay niya sa kanyang batok na parang nahihiya.

Nung una'y hindi ako makapaniwalang nandyan siya. Natatakot ako na baka pagpikit ko, bigla na lang siyang mawala. I'm afraid that he's just a fragment of my imagination, the product of my sadness and longing. Na baka pagmulat ko muli, mawala na lang siya dyan ng parang bula..

Ngunit nang humakbang na siya palapit sakin, agad na kumabog ang puso ko. Kinabahan ako dahil alam kong totoo siya. TOTOO SIYA!

Pinagmasdan ko kung paano bumilis ang lakad niya para matawid ang distansya namin. And when he's now inches from me, I was shocked when he held my face with both hands and claimed my lips. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakadilat lang ako habang nakapatong ang labi niya sakin.

He's soft lips.. on mine.

This overflowing happiness, contentment and love..

"I've been craving for this for I don't know how long.." he whispered while putting small kisses on my lips.

H-hindi ko alam ang gagawin ko!

I was still in dazed nang makarinig ako ng mahinang pagtawa. Tumatawa siya habang ginugulo yung buhok niya tapos kung makatingin pa siya.. nakakapanlambot. Namiss ko yung paraan ng pagtingin niya sakin. Like I'm the most beautiful girl in the world.

Bigla siyang sumeryoso at kinulong ako sa kanyang bisig, enveloping me in his sturdy arms.. Hugging me very tightly na para bang natatakot na baka mawala ako.

"I miss you."

The moment he said those words, naramdaman ko na lang ang paglabas ng bigat sa loob ko. Nilabas ko yun sa pamamagitan ng pag-iyak. For four long years, may tinatago pala akong ganitong bigat na siya lang ang makakapagpalabas.

Umiiyak ako kasi sobrang namimiss ko siya. Umiiyak ako kasi akala ko kinalimutan na niya ako. Natakot na baka may nahanap na siyang iba. Na baka ako na lang itong natitirang umaasa. Umiiyak ako dahil.. sa sobrang pagmamahal sa kanya.

"Ssshh.. It's okay. Nandito na naman ako eh."

Bahagya kong nilayo ang katawan niya mula sakin at pinalo siya sa dibdib. "S-sinong maysabing u-umiiyak ako dahil sayo?!"

"Tears of joy yan diba?"

Ayan na naman yung inosente niyang mukha! Kahit kailang talaga nabibihag niya pa din ako sa tuwing dinadaan na niya ako sa pa-cute!

"HINDI! Aalis na ako! May flight pa ako oh! Akala mo.. g-ganun lang kadaling maghintay? Ang hirap hirap hirap kaya.."

"I'm sorry, okay. I'm sorry. Hindi kita kinontact 'cause by hearing your voice, baka hindi ko mapigilang bumalik dito. I promised that I'll be a better person. I promised that I will make myself worthy of your love. Paano ko magagawa yun kung hindi ko didisiplinahin ang sarili ko? Paano ko tutuparin yun kung babalik agad ako rito because of my selfishness."

"Ang hirap ng wala ka..." I muttered. Kahit nabubulol na ako dahil sa pag-iyak. Naramdaman ko ang daliri niyang dumadampi sa pisngi ko, trying to wipe away my tears.

"God knows how difficult for me whenever a day passed by without seeing you. Nakuntento na lang ako sa palaging pagstalk sa fb mo. And I'm glad.. I'm glad that you've grown into a very wise and responsible lady. Buti na lang at hindi mo ko pinalitan kundi mapapasugod talaga ako dito!"

"Sana pala.. may sinagot ako."

Kinagat ko ang labi ko upang pigilin ang ngiting sisilay dito nang makita ko kung pano kumunot ang noo niya nung sinabi ko yun. Tama naman ako eh! Sana nagkaboyfriend na lang pala ako, para mas napaaga ang pagdating niya.

"But you didn't, because you love me.."

Niyakap ko na lang siya ulit. God really has his right timing. Kung nagboyfriend ako, at napaaga ang pagkikita namin.. siguro mas kokumplikado ang bagay-bagay.

God has a perfect timing; never early, never late. It takes a little patience, but it's worth the wait.


Napabalik ako sa realidad nang tumunog muli ang speakers, calling for the remaining passengers na hindi pa nakakasakay ng eroplano. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.. humiwalay ako sa kanya, manifesting the fear in my eyes.

Magkakahiwalay na naman ba kami?

As if reading my thoughts, he answered my question. "Sinong may sabing magkakahiwalay uli tayo? I'll follow you wherever you'll go. I'll support you whenever you need. From now on, I'll never leave your side. Simula ngayon.. I'll be your prince at the same time, your slave for the rest of you life."

With protruding tears in my eyes, sinabi ko ang tatlong salitang kahit na alam kong dapat dati ko pa sinabi, they will never be too late. "I love you, Marco. I reached you.."

"I love you more, my queen. But beyond reaching you is worth everything.."

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon