Chapter 27

29.5K 475 23
                                    

CHAPTER 27: EACH DAY WITH YOU

“Ano pang ginagawa mo dyan? Maligo ka na, anak!” sigaw ni Papa na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Hindi pa rin ako makapaniwala! Bakit sila nandito? At pa'no nila nalaman ang bahay ko?!

'Yung thirty minutes ko sana na pagligo naging twenty minutes na lang! Nakakahiya naman kung tatagalan ko diba? Pa-VIP na ako masyado kung ganun tsaka hindi ang mga katulad nila ang tipong pinaghihintay.

Nagsuot ako ng medyo pamporma ko. Naglagay ng kaunting make-up, nilagay sa paper bag ang outfit ko at dali-daling bumaba. Pagtingin ko sa hagdanan, bigla akong kinabahan. Hindi ko talaga sila ine-expect. Nagulat ako nung umalingawngaw ang tawa nina Bryan at Tony. Kausap nila sina Mama at Papa. At paniguradong kadaldalan din nila si Ian! Nako, buti na lang talaga at hindi ako nago-open-up sa mga kapatid ko kundi-

“Uy ate, bumaba ka na dun.”

“AY JUSME!” Nakakagulat naman 'tong si Chris oh! “Ano bang nangyayari dun?” bulong ko pa sa kanya.

“Ha? Ini-interview nila si Kuya Marco.” Plain na plain lang ang pagkakasabi niya. Napatampal ako sa noo. Ano na lang sasabihin ni Marco niyan?! As if naman nanliligaw siya diba?! NA.KA.KA.HI.YA!

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para humakbang at bumaba. Pero syempre dahan-dahan lang. Ayokong maging special attention.

“..magkaibigan po kami ni Shinie.”

I knew that voice. I don't know but... my heart suddenly sank. Sabi ko nga, magkaibigan lang kami. Ano bang aasahan ko diba?

“After 48 years, nakababa ka na din Shinie!” pabirong sabi ni Tony na kinagulat ko. Umakyat siya papunta sa'kin at hinila na ako pababa.

“Hihiramin na muna namin siya Tito at Tita!” sigaw niya pa. Grabe ang hyper ni Tony ngayon!

Nakita ko sina Bryan at Marco na patayo na galing dining table. Pinag-almusal siguro sila ni Mama. Magpapaalam na sana ako kay Mama nang bigla na lang niya akong kinindatan habang si Papa naman ay tinanguan lang ako pero ang lawak ng ngiti . Yes, sina Mama at Papa na mahigpit ang bilin sa'kin tungkol sa love love na 'yan, bigla na lang umaakto ng ganyan. Anong nangyari?!

Nung nakalabas kami… ANG DAMING TAO! Kaya naman pala, sino bang hindi maaakit lumapit sa mga magagarang kotse na nasa ordinaryong lugar lang? Shining shimmering splendid ang dalawang kotse na nasa harapan ng bahay namin. Jusko wag lang po sana kaming maholdap or what.

Mas lalo pang dumami ang mga tao nung nakita ang mga may-ari ng kotse. May mga naglabas pa ng camera. Akala siguro artista. Well, slight artista lang pero hindi eh... kahit saang anggulo artista type talaga sila. Habang ako, mukhang personal assistant lang nila.

Pumasok sa pulang sasakyan sina Bryan at Tony. Hindi ko alam 'yung pangalan nung kotse pero paniguradong mahal ito. 'Yung pintuan kasi hindi lang basta hinihila para bumukas, tinataas pa! Feeling ko din kinustomize pa yung labas kasi nakaengraved pa ang pangalan ni Bryan sa may gilid.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now