Chapter 26

27.3K 492 36
                                    

CHAPTER 26: NOT PRINCESS BUT A QUEEN

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sobrang diin na nga yata ng pagkakakagat ko. PINIPIGILAN KO TALAGA ANG PAGTILI KO! Nagha-hyperventilate na talaga ako sa loob. Anong araw ngayon? Lucky number ko na 'yun! May patalon-talon pa ako dito oh! Thank you, Mimi!!!

I like it. Don’t change it, my queen.

That endearment... Nakakapagtaka lang. Diba ang kapartner ng prince ay princess? Bakit queen? Weird. Okay lang, mas gusto ko namang queen kesa sa princess. Baka matulad pa ako kay Chantal. Prinsesa kasi tawag sa kanya ni Jeremy eh. Psh.

I like it. Don’t change it, my queen.

EEEH!!! Paulit-ulit lang, Shinie?! Pang-ilang beses mo na bang binabasa 'yan?! At bakit nasa loob ka pa din ng cubicle?! Baka may laboratory class ka pa!

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko naisipang lumabas na.

“Ay teh naman! Mas maganda pa tayo sa Shinie na 'yun noh!”

Napatigil ako sa paglabas nung narinig ko ang pangalan ko. Medyo kinabahan din ako.

“Eh ba’t ganun?! Close siya kay Marco?! Bakit sila friends?! Di ko tanggap!!!”

“Sus, baka nilandi! Tsaka for sure, friends lang din ang turing ni Papa Marco dun! Anu bey! Mas maganda pa nga si Bea sa kanya noh!”

Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Gusto kong burahin sa isip ko ang mga sinabi nila, pero hindi ko kaya.

“TAMA! Nilalandi lang talaga nun si Marco! Pucha!”

I opened the door with full force. Rinig ko pa nga ang pagbangga nun sa  pintuan ng kabilang cubicle. Napupuno na ako! Sinong malandi?! AKO?! SH*T!

“Ako ba ang pinag-uusapan niyo?!” mababa ang tono ko para hindi nila mahalata ang panginginig ko. Sinubukan ko lang na patatagin ang boses ko kahit sa totoo lang ay gusto ko ng mag-break down.

Halata ang gulat sa mukha nilang dalawa. Ni hindi ko nga sila kilala eh! Grabe sila kung makapagsalita!

“Hindi ba obvious?” sarkastikong sabi nung babaeng may kaliitan sa'kin at may curls pa sa buhok. “Rinig mo naman siguro ang mga sinabi namin diba?”

Napakuyom ako ng palad. Ang kakapal ng mukha nila! “Bawiin niyo ang mga sinabi niyo!”

“At bakit naman namin babawiin?!” Again, 'yung babaeng may curls. Tinaasan niya pa ako ng kilay! “Totoo naman yun diba?!” siniko niya ang kasamahan niya pang isa na medyo mahiyain.

“Oo! Malandi ka!”

'Yung dugo ko pumunta na ata lahat sa utak ko! Ang pinakaayoko sa lahat ay 'yung pagsasabihang malandi ako.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now