Chapter 1

96.3K 1K 66
                                    

 CHAPTER 1: CLASSMATE

  

"Tingnan mo nga kung magkaklase tayo sa Chem."

"Kilala mo na prof mo sa Math? Terror ba? Terror?"

"Ano ba yan! Wala man lang tayong break na magkasama!"

Halos ganyan ang maririnig sa bawat sulok ng school namin lalo na't pasukan na naman. Parang kelan lang kabado ako sa buhay college, syempre new surroundings and another batch of classmates na naman. Yung kinalakihan mong school nung high school ay kailangan mo nang iwan. Well, wala kang magagawa dahil parte ito ng buhay. 

I am presently in the second term of being a freshmen sa isa sa mga tinitingalang kolehiyo sa Pilipinas. 

Sabi nila mahirap daw maging regular student sa school na 'to kasi babagsak at babagsak ka daw talaga lalo na kapag sumakto pang terror yung prof mo sa major subjects tulad ng Math at Chemistry. Napapangiwi tuloy ako kapag naiisip ko na makakagraduate ako dito ng walang bagsak, lalo na't mahina talaga ako sa Math. Ayoko namang umulit ng subject kasi ang mahal-mahal pa naman ng tuition fee dito. Kawawa naman ang mga magulang ko.

"May kausap pa ba ako?!" 

Sheez! Hindi ko na namalayang nagmumuni-muni na pala ako dito. Nakalimutan ko tuloy na may kasama ako. 

"Sorry naman, Mag. Anung sinasabi mo ulit?" Patingin-tingin ako sa kanya habang papunta kami sa canteen. 

"Sabi ko," mahinahon naman ang sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at pasensyosa 'tong bestfriend ko. "Magkita na lang tayo mamayang uwian."

"AH! Oo naman! Good luck sa'tin!"

Binesuhan ko na siya bago kami naghiwalay ng daan pagkadating namin sa canteen.

"Sus, if I know, excited ka lang para makita siya!" pang-aasar niya pa sakin habang palayo siya.

"HINDI NOH!"  

"Sabi mo eh! Bye! Kitakits ah! Wag kang malelate sa usapan natin kundi nako.."

Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na sa sunod kong klase. Ang pinakapaborito kong subject sa lahat kasi... nandun siya.

Dumaan muna ako sa cr para mag-ayos ng mukha. Buti na lang at walang ibang tao kundi mahihiya akong magpaganda sa harap ng salamin. Sa school kasi namin, walang uniform so bale pwede naming isuot ang kahit anong gusto namin. Pwera na lang syempre kung masyadong revealing o kung magsiskirt ka man, dapat medyo kapantay ng tuhod yung haba.

Pulbo at konting lipgloss or lipstick lang naman ang nilalagay ko sa aking mukha. Tina-try ko din namang magmaskara o mageye-liner pero kasi maiirita lang ako sa huli dahil kakalat lang naman sa mata ko kaya mas mabuting 'wag na lang maglagay.

Kung titingnan mo naman kami ng bestfriend ko, kami yung taong ordinaryong madadaanan mo sa hallway pero hindi mo bibigyan ng second glance. Hindi naman kasi ganun kabongga ang ganda namin pero may ilalaban naman kami kapag inayusan.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now