Chapter 19

27.6K 434 32
                                    

CHAPTER 19: SOBRANG LAPIT

"Hello, I'm Bea."

Nabanat na yata ang noo ko dahil sa pagkakalaki ng aking mata. Napatitig ako sa napaka-sophistiscated niyang mukha pababa sa nakalahad niyang kamay. 

"Hindi mo man lang ba tatanggapin ang kamay ko?" sabi niya na nagpamulagat sa'kin kaya dali-dali kong kinuha at tinanggap ang malambot niyang kamay na hindi pa ata nababahidan ng kahit anong sugat o kwelyo.

"Ah.. um.. Sh-"

"Shinie. I know." Nginitian niya ako habang binabawi ang kamay niya mula sa'kin. 

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon lang ako na-intimidate ng ganito sa isang babae. Sinilip ko ang kabilang table sa harapan namin kung saan nandun ang mga kaibigan niya. Nasa canteen kasi kami ngayon. Kakatapos lang ng Philosophy class ko at kasabay ko ngayon si Mimi sa pagkain nang bigla nalang pumwesto sa tapat namin sina Marco.

At ngayon, kinakausap ako ni Bea. Ba't siya nandito? Bakit siya lumalapit sa'kin at nagpapakilala?

Umupo pa siya sa tabi ko! Err.. Ang tagal naman kasi bumili ni Mimi! Ang awkward tuloy.

"Siguro naiisip mo na ang swerte-swerte mo at nakatabi mo si Marco kanina..."

Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi niya. Nakatingin lang siya sa harapan kaya hindi ko masyadong maaninag ang expression ng mukha niya. Medyo nainis ako sa paraan ng pagkakasabi niya sa'kin ng bagay na iyon. Malumanay nga pero parang may laman.

"Hindi naman." Magsinungaling ka, Shinie. Kahit kanina lang, parang lumilipad ka na sa ere dahil sa sobrang kilig.

Tumawa siya. Sarcastically.

"Are you kidding me? Sinong babae ang hindi magkakagusto kay Mac? By the way dear.. nasabi ba niya sa'yo kung bakit siya umupo sa tabi mo?"

Hindi ko nga alam kung bakit tumabi sa'kin si Marco. Ang sinabi niya lang kasi sa'kin, magpapaturo siya. Pero kahit na ganun.. alam ko naman eh. Alam ko naman na wala ng ibang rason kung bakit niya ginawa 'yun. MAS LALONG HINDI MANGYAYARI NA TUMABI SIYA DAHIL MAY INTERES SIYA SA'KIN. 

 

Alam ko kasi napakaimposible.

"H-hindi eh."

A smile curved on her mouth. Humarap siya sakin. Nakita ko tuloy ang mga mata niyang deep green dahil sa gamit niyang contact lens. "Well, he didn't directly say to me but I can clearly see that our Math prof irritates him. Kaya siguro siya pumunta sa dulo at tumabi sayo kasi nga gusto niya munang makalayo-layo sa pangha-harrass sa kanya nung gay prof natin."

I know.

Sabi ko na nga ba at may ibang rason kung bakit siya tumabi sa'kin. Buti na lang hindi ako nag-assume agad. Tanggap ko na naman. Syempre nalungkot din ako kahit papaano, pero ganun talaga kapag nasa CRUSH LIFE. 

Beyond Reaching You [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin