EPILOGUE

16.7K 388 60

***

"Badong! Lagot ka talaga sa akin pagkatapos nito! Aray kooo!"

"Mahal, kaunting tiis na lang. Malapit nang lumabas. Steady ka lang diyan."

"Anong steady! Walang hiya ka talaga! Hirap na hirap na ako dito!"

"Eto na eto na! Nakikita ko na yung ulo. Malapit na, mahal, itulak mo pa."

"Bwisit ka! Pagkatapos nito, sisipain talaga kita! Masakit na!"

"Ayan na! Hawak ko na yung ulo... wait. Hihilain ko na."

"Ahhh!"

Kasabay ng paghila ni Lavender ng ulo ng baka ay ang lalong pagkaipit ng kamay ni Jamie sa tali na nakapulupot sa ulo ng ina ng baka na nanganganak. Kung hindi ba naman may saltik itong asawa niya at siya pa talaga ang pinahawak sa ulo at ito ang nagpa-anak. First time daw kasi nito makakita ng bakang manganganak.

"Wow ang galing."

Tignan mo, tuwang tuwa pa ito pagmasdan ang bagong silang na baka na hirap na hirap pa sa pagtayo at hindi man lang siya pinansin.

"Magdududa na talaga ako sa relasyon mo kay carla! ikaw ang ama niyan ano?" Sinimangutan niya ito.

Si Carla lang naman ang baka na nanganak. Mas mahal ata ito ni Badong kesa sa kanya.

Natawa ito at agad na nilapitan siya at hinalikan sa labi. "Mahal naman, wag ka nang mag selos kay Carla. Fling ko lang yan---aray ko po."

Siniko niya ito sa tagiliran. Mga kalokohan talaga nito.

Kinuha nito ang kamay niya at tinignan ang namumulang parte kung saan naipit ang kamay niya saka iyon hinalikan. "Kawawa naman pala ang kamay mo. Gumaganti yan si Carla dahil mas mahal kita."

"Kalokohan mo, Badong. Tara na nga at mainit na dito. Balik na tayo sa kubo at gusto ko uminom ng buko. Baka si Mira saan na naman nakarating iyon." Naglakad na sila pabalik sa kubo na pahingaan nila.

Malawak ang lupain na kinaroroonan nila. Farm ito at ang nagmamay-ari ay ang pamilya Fontanilla. Sa kabila ng maunlad na buhay sa syudad ay dito nila pinili manirahan ni Lavender. Marahil kagaya niya ay mas nagustuhan din nito ang simpleng pamumuhay. Madalang lang itong bumalik ng maynila para sa mga importanteng meeting sa iba pang business nila.

Hands-on sila madalas sa pag-aalaga ng farm kahit na pa marami silang tauhan. Iba kasi ang pakiramdam kapag nililibot ang malawak na taniman. Presko ang hangin at tahimik pa. Sila lang ang maingay kapag nagkukulitan sila.

"Nandyan naman si July at bantay sarado lagi si Mira." Sabi nito at inakbayan siya habang naglalakad sila pabalik sa kubo na pahingaan nila. Nagdala kasi sila ng mga picnic na kakainin nila sa kubo.

Narito ang mga anak ni Zeke dahil nagbakasyon ang dalawa para sa wedding anniversary ng mga ito. Ayaw isama ang mga anak kaya sa kanila pinabantay. Pati tuloy ang makulit na si Yuki ay napasama dahil nainggit sa mga kaibigan. Kaya nga nandito rin si Andy, ang mommy ni Yuki.

"Naku, mahal, yang si July napapansin ko ang pagiging overprotective sa anak natin ha."

Sinulyapan siya nito. "Pansin mo rin? Baka mamaya nililigawan na nun ang anak natin. Lagot talaga sa akin yun."

Siniko niya ulit ito kaya napangiwi ito. "Pati bata papatulan mo. Ang akin lang naman hindi naman sana siya maging ganun kay Mira. Baka masanay ang anak natin sa kanya hanggang paglaki."

"Sige, Pagsasabihan ko."

"Natanong ko na yan sa kanya kung bakit ganun siya kay Mira."

"Bakit daw?"

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!