chapter 22

8K 209 18

UNEDITED

***

"Nay, saan po kayo galing?"

Salubong na tanong ng anak ni Jamie pagkapasok niya sa maliit na bahay nila. Hindi niya mapigilang mapangiti habang itinatago ang supot na bitbit sa kanyang likuran.

"Anak, pikit ka." Nakangiti niyang sabi rito bago umupo sa kama para magkaharap sila.

"Bakit po nay?" Bakas sa mukha nito ang pagtataka pero pumikit din.

Agad niyang inilabas ang hawak bago inutusan ang anak na imulat ang mata.

"Wow, nay! Akin po yan?" Hindi makapaniwalang tanong ng anak habang nakatingin sa damit na hawak niya.

Isa iyong simpleng pink na summer dress na nabili niya sa ukay-ukay sa bayan. Kahit alam niyang wala silang pera pang gastos para sa mga ganitong bagay ay gusto niyang mapaya ang anak.

"Regalo ni nanay sayo ito. Pikit ka pa ulit."

Agad na pumikit naman ang anak at halata ang excited sa mukha nito. Sa pagkakataong ito ay ang bagong pares naman ng sandals ang nilabas niya bago sinabihan ang anak na imulat nito ang mga mata.

Magkahalong pagkabigla at tuwa ang mukha ng anak niya ng makita ang hawak niya.

"Wow! Pati po iyan sa akin? Salamat po nay!" Tumalon pa ito at niyakap siya saka pinaulanan ng halik sa mukha. Napakaswerte niya talaga sa pagmamahal ng anak.

"Anak, diba gusto mong pumunta doon sa birthday ng kaibigan mo?"

Natigil ang anak sa pag-inspeksyon sa sandals bago nagtatakang napatingin sa kanya. "Opo nay, mamaya na po iyon pero okay lang po kung ayaw ninyo akong pumunta. Tutulong na lang po ako sa trabaho niyo."

Mababakas sa boses nito ang kalungkutan.

"Anak, p-pumapayag na si nanay."

Nanlalaki bigla ang mga mata nito at hindi maikakailala ang kasiyahan sa mga mata nito. "Talaga po? Papayag na po kayong pumunta ako sa birthday ni April?"

"Oo, kaya binilhan kita nito. Pero anak, maipapangako mo ba sa akin na mag-iingat ka mamaya? Ayaw kong may mangyari sa'yo doon nang wala ako."

"Bakit po inay, hindi mo po ako sasamahan?"

"Hindi eh, may trabaho kami mamaya, pero day-off naman ni tita mo che, at nakiusap ako sa kanya na samahan ka. Nandoon naman ako mamaya kaso lang magtatrabaho ako. Sisilip silipin lang kita roon."

Isa pang dahilan niya ay ayaw niyang makita siya ni Lavender na kasama ang anak. Ayaw man isipin pero kinakabahan siya sa maaring mangyari kapag nagkataon mag krus ang landas nilang apat. Mabuti na ang kaibigan niya ang kasama ni Mira. At least may magbabantay pa rin sa anak kahit papaano. At kung gugustuhin man niya ay hindi rin siya papayagan ng boss na si Ma'am Ven. Malalagot pa siya pag nalaman nitong sinasama niya ang anak sa trabaho.

"Sukatin na natin yung damit mo, nak."

Nagmamadali naman itong naghubad at tinulungan niya itong suutin ang damit pati na rin ang sandals nito. Napangiwi pa siya at ang anak ay napanguso ng makitang maluwang dito ang damit.

"Nay, ang laki po."

Napakamot siya ng ulo. Ito lang naman kasi ang mura na nakita niya sa bilihan.

"Maligo ka muna anak, ako na bahala sa damit mo."

***

"Nay, marami po niyang balloons sigurado doon, tsaka po keyk. Pang kukuha ko po kayo pagkatapos."

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!