chapter 15

8K 222 32

Please don't hate me after this. -__-

***

Kipkip ang bag na naglalaman ng mga damit niya ay sumakay siya ng bus patungong maynila. Naupo siya si sulok ng bus kung saan walang masyadong tao. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya at tinanaw ang lugar na lilisanin niya.

Alam niyang tama ang gagawin niyang ito.

Dapat lang na malaman ni Lavender ang totoo... na magkaka anak sila. Sa isang beses nilang ginawa iyon ay nag bunga agad ang nangyari sa kanila. Nakumpira niya na buntis talaga siya ng maging positive ang PT na binili niya. Nabuhayan siya ng pag-asa sa nalaman niya.

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pero determinado siya sa gagawin. Alam niyang wala siyang maibibigay na magandang buhay sa anak niya kaya si Lavender lang ang pag asa niya. Baka sakaling pag nalaman nitong mag kaka-anak na sila ay tanggapin muli siya nito. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na isangla kay aling bebang ang kwintas para magkaroon siya ng pamasahe papuntang manila. Kailangan niya nang makita si Lavender at ipaalam dito ang balita. Ayaw niyang lumaki ang anak niya na walang kilalang ama, hindi siya katulad ng mga napapanuod niya o nababasa na tinatago ng nanay ang anak sa tunay na ama. Masakit isipin na baka matulad sa kanya ang anak na lumaki ng walang ama kaya ipapaalam niya kay Lavender ito. kahit na ba, hindi siya nito tanggapin, matanggap lang ang anak nila.

Sa layo ng biyahe ay nakaidlip siya. Mahigpit niyang niyakap ang bagahe takot na maulit na naman ang nangyari sa kanya na nanakawan.

Madilim na nang makarating siya sa mansyon ng mga Fontanilla. Mabuti na lang at kilala siya ng gwardiya kaya nakapasok siya sa village nang hindi tinatanong. Nang nasa tapat na siya ng malaking bahay ay namayani ulit ang kabang nararamdan niya.

Kaya ko to! Kaya ko to! para sa anak namin.

Nag doorbell siya at maya maya pa ay bumukas ang gate. Ang mayordoma nila Lavender ang bumungad sa kanya. Nagulat ito ng makita siya na napalitan ng pagtataka.

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong nito.

Alam niyang hindi siya nito gusto at ngayon ngang wala na sila nila Lavender ay mukhang malakas na ang loob nitong sungitan siya.

"Gusto ko pong makausap si Bad---Lavender po"

Napatingin ito sa bag na dala niya at napaismid.

"Wala siya dito, ilang araw nang hindi umuuwi. kaya makaka alis ka na. "

"Alam niyo ba kung nasaan siya?"

"Hindi. At bakit mo pa hinahanap ang alaga ko? Wala na kayo diba? huhuthutan mo na naman ba siya ng pera gamit yang katawan mo kaya ka nandito?"

Hindi niya inaasahan ang sinabi nito at nasaktan siya. Huhuthutan? Ganoon ba ang tingin sa kanya nito? Hindi naman siya ganoon... hindi ba?

"Hihintayin ko na lang po siya. Pwede pong pakisabi na kailangan namin mag-usap? Importante lang po." Hindi niya na lang pinansin ang sinabi nito.

Umiling ito. "Ayaw nga niyang mag paistorbo. Busy siyang tao. Sinabi niya rin na ayaw ka na niyang makita. Ni pag usapan nga dito sa bahay ayaw niya."

Pinilit niyang itago ang sakit na nararamdaman. Ganoon na ba siya kaayaw ni Lavender para sabihin ang mga bagay na iyon? Wala naman siyang ginawang masama sa mga ito.

"Umalis ka na." Ulit nito at pinagsarhan na siya ng gate nang hindi pa nakakapag salita.

Gusto niyang kumatok ulit pero pakiramdam niya ay nanghina siya dahil sa mga narinig. Napayuko siya at napahawak sa kanyang puson. Nag babadya na ang mga luha sa kanyang mga mata pero pinigilan niya iyon. Hindi dapat siya maging mahina. Para sa anak niya ito.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!