chapter 31

9.2K 261 15

***

"Why are you making everything complicated? Hindi naman kailangan dumating sa point na dito pa titira ang nanay ng anak mo. For goodness sake! ano na lang ang iisipin ng mga tao na nasa iisang bahay ang asawa mo at ang ex mo?!"

"Monique, please. We talk about this already, right? Give me some time to sort things out."

"Time? Bakit pa papatagalin ang lahat? Why don't you just give her money so she can leave. Aalagaan naman natin ang bata."

Doon na napahinto si Jamie. Wala sana siyang balak makinig sa usapan ng mga ito kung hindi niya lang narinig ang sinabi ng asawa ni Lavender.

Anong ibig nitong sabihin? Babayaran siya para ibigay ang anak niya? Simula pa lang ba ay ito na ang plano ni Lavender kaya bumalik ito sa buhay nila? Balak nitong kunin ang anak niya?

"Monique, alam mong hindi ganun kadali ang lahat. Isipin mo na lang ang mararamdaman ng anak ko, pati ni Jamie."

"Now what? You're concern about her feelings? Ikaw nga nagsabi niloko ka niya diba? At ikaw din nagsabi sa akin na gagawin mo ang lahat makuha mo lang ang anak mo. Even if it means spending all your fortune. Ikaw ba naisip mo rin ang nararamdaman ko? I'm your wife Lavender. Kaya kong tanggapin ang bata. Pero wag naman sana dumating sa punto na patitirahin mo ako kasama ang unang babaeng minahal mo!"

Ilang sandaling katahimikan din ang namayani. Pakiramdam niya ay maririnig na sa buong bahay ang tibok ng puso niya sa lakas nito.

Iniisip niya pa lang na kukunin ni Lavender ang anak niya ay ayaw nang tanggapin ng isip niya. Hindi makukuha ni Lavender ang anak niya sa kanya. Magkamatayan man.

"Kakausapin ko si Jamie."

Sa pagkakarinig sa sinabi ni Lavender ay lalo siyang naalarma. Mukhang itutuloy nito ang binabalak. Pero kahit bilyon pa ang iaalok nito sa kanya kapalit ng anak ay hindi niya tatanggapin. Buhay niya ang anak niya.

Agad siyang bumalik sa kwartong tinutuluyan nila ng hindi dala ang hinihinging tubig ng anak. Agad na kinuha niya ang mga gamit nila na nakalagay sa kabinet.

"Mira, anak, tulungan mo ako ayusin ang mga gamit natin. Aalis na tayo."

"Nay, bakit po? May pupuntahan po ba tayo o uuwi na tayo?"

"Uuwi na tayo. Dalian mo anak."

"Pero nay, bakit po? Pinapauwi na ba tayo ni tatay?"

"Mira, wag nang maraming tanong."

Natahimik agad ito ng mabakas sa boses niya ang pagkainis.

Pinagpalit niya agad ito ng damit at maging siya. Kakaunti lang naman ang mga damit na meron sila. May mga damit na binigay sa kanila si Lavender pero wala siyang balak dalhin ang mga iyon.

"Nay, yung laruan ko po."

Tinignan niya ang laruan na bigay ni Lavender sa anak. Wala na siyang nagawa kundi dahliin iyon. Para na lang sa anak niya.

Tiniyak niyang wala nang tao sa labas ng lumabas sila. Pero mukhang hindi sila makakalusot sa gate dahil may gwardyang nagbabantay.

"Ma'am saan po kayo pupunta?" Tanong nito ng hinarangan sila.

"Ahh... uuwi na kasi kami."

"Ng ganito pong oras? Teka po ma'am delikado na. Tatawagan po lang po si Sir para makumpirma."

"Hindi na kailangan. Nasabi ko na, sabi niya lang ay sabihin ko sayo na palabasin kami." Palusot niya na sana ay sakyan nito.

"Tatawag po si Sir sa akin kung may lalabas o papasok siyang bisita." May pagdududang saad nito. "Mabuti na pong sigurado ma'am. Para na rin po sa kaligtasan niyo."

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!