chapter 13

7.3K 165 11

Chapter dedicated to @thelchan and @lalaladyREd enjoy reading! muah!

***

Nasa may hardin si Jamie sa mansyon ng mga fontanilla habang nag papahinga. Naisipan niya rin tawagan ang kanyang ina na matagal niya nang hindi nakakausap. Miss niya na ang mga ito.

"Jamie, anak, buti naman at nakatawag ka rito sa amin, namimiss ka na namin ng mga kapatid mo." Sabi ng nanay niya na nasa kabilang linya. Bakas sa boses nito ang kalungkutan.

"Nay, na mimiss ko na rin po kayo nila buboy, kamusta na po ang kalagayan niyo diyan?"

"Kahit papaano ay nakakaraos naman anak, sana naman kahit papano ay maka uwi ka rito sa amin, o di kaya ay makadalaw kami diyan sa iyo. Mahirap ang buhay dito sa probinsya."

"Hay naku, Nay." Napabuntong hininga siya. Kung siya lang din ang masusunod ay matagal niya nang kinuha ang pamilya niya sa probinsya pero wala pa siyang sapat na pera para matulungan ang mga ito. "Yung sinasabi ko nga sayo lagi diba? Makakatagpo ako ng mayaman at mag-aahon sa atin sa hirap." Biro niya sa nanay niya. Madalas naman kasi niyang sabihin iyon para pagaanin ang loob ng inay niya.

"Ikaw talagang bata ka! Mamaya niyan malaman ko na lang na buntis ka, makukurot talaga kita sa singit," tumawa pa ito. "Wag mo nang pangarapin makapag asawa ng mayaman, basta kaya ka lang buhayin ay sapat na."

"ikaw talaga nay! Ayaw mo nun? Instant pera? Instant yaman?" Natawa siya.

"Aysus maryosep kang bata ka. Yung mga bilin ko saiyo Jamie ha? Wag mo muna minamadali ang mga bagay na iyan. Tsaka alam mo naman ang mga mayayaman, hindi pumapatol sa mga kagaya nating mahihirap. Sa palabas lang nangyayari ang mga bagay na iyon." Paalala pa nito.

"Ikaw talaga nay, hindi ka ba bilib sa ganda ng anak mo?" kunwari ay nagtatampo siya rito.

"Sinabi ko bang hindi ka maganda? mana ka yata sa akin. Sinasabi ko lang ay mahirap makatagpo ng lalaking sinasabi mo."

Kung alam lang ng nanay niya. "Meron na kaya akong nakita."

"Meron na?" Hindi makapaniwalang tanong ng ina.

"Oo nay, mayaman, gwapo!" Humagikgik pa siya habang nagkikwento. Naalala niya kasi bigla si badong.

"Talaga anak? Aba maswerte ka kung papakasalan ka niyan."

"Wag kayong mag alala. Pag ikinasal na kami, papapuntahin ko kayo rito, para naman nay magkakasama sama na tayo."

"Sana nga anak."

Alam niyang mali ang gumamit ng ibang tao para lang umasenso sa buhay. Oo mahal niya si Lavender, pero hindi naman siya ipokrita para sabihin na hindi siya interesado sa pera nito. Alam niyang si Lavender lang ang makakatulong sa kanya kung sakali para umahon sa buhay. Sana nga. Kapag nangyari ang inaasam niya ay tatanawin niya iyong malaking utang na loob, handa siyang pagsilbihan ito habang buhay.

Marami pa silang napag usapan na dalawa hanggang mag paalam na ang kanyang ina na kailangan na raw nitong ibalik ang cellphone na hiniram. Gusto pa sana niyang makausap ang ina ng matagal. Naisip niyang bilhan na lang sa susunod ng cellphone ang kanyang ina para hindi na ito mang hiram sa kapitbahay.

Pero syempre, pag iipunan niya muna. Wala pa naman siyang trabaho ngayon at umaasa lang sa libreng pagkaen at tirahan na binibigay sa kanya ni Lavender. Wala na rin kasi siyang babalikan na trabaho sa tiya niya dahil nagsara na ang karindirya nito dahil plano na nitong mangibang bansa.

Siguro ay kailangan niya nang mag hanap ng trabaho.

Bumalik na siya sa loob. Nakita niya ang mayordoma kaya nilapitan niya ito at tinanong.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!