chapter 14

7.6K 170 14


***

"Lavender, may problema ba tayo?" Hindi mapigilang tanong ni Jamie nang mapansin na naman ang pananahimik ni Lavender ng salubungin niya ito. Katulad ng mga nakaraang araw ay malamig na naman ang pakikitungo nito sa kanya.

Akala pa naman niya oras na ibigay niya ang sarili rito ay mas lalo siya nitong mamahalin. Oo, may nangyari na sa kanila. Isang beses lang at hindi na muling naulit pa. Simula noon ay ganito na nga ang pakikitungo sa kanya ni Lavender. Madalas itong wala sa bahay at kung narito naman ay minsan lang siya pansinin.

Kaya nga narito siya sa kwarto nito para kausapin. Binabagabag na kasi siya dahil sa inaasal nito.

Sinulyapan lang siya ni Lavender saka muling ibinalik ang atensyon sa laptop nito. "I'm busy, Jamie. Saka na lang tayo mag usap."

"Busy? Eh kanina ka pa tulala diyan sa harap ng laptop mo eh." Nilapitan niya ito at humalukipkip. "Ano ba talagang problema mo? May problema ka ba sa akin?" Hindi niya mapigilang tanong. Nakakapang init lang kasi ng ulo ang inaasal nito.

Napahilamos ito ng mukha. "Not now, Jamie."

"Hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ko?" Tumaas na ang boses niya.

"Fvck." Mura nito. Halatang naiinis na rin ito pero wala siyang pakealam. Gusto niya nang matapos kung may problema man ito sa kanya. Gusto niya nang ayusin kung ano man ito.

"Sabihin mo nga sa akin kung ano ang problema mo, baka makatulong ako." Sinubukan niyang gawin malumanay ang boses niya. Kung babanggain niya kasi ang init ng ulo ni Lavender ay tiyak mag aaway lang sila lalo.

Huminga ito ng malalim at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Lavender," tawag niya dito nang mapansing wala itong balak mag salita. Hinawakan niya ang kamay nito pero iniwas lang nito iyon.

Nasaktan siya sa inasal nito pero pinilit niya parang pakalmahin ang nararamdaman.

"I don't know what to say, Jamie." Maya maya ay sabi nito. Nakayuko ito at hindi tumitingin ng deretso sa mga mata niya.

"Ano ba ang problema mo? Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin?

Saka lamang ito tumingin ng deretso sa mga mata niya. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan nito bago muling nagsalita. "Ayoko na."

"H-huh? Anong ayaw mo na?" Naguguluhang tanong niya rito.

"Ayaw ko na, Jamie, itigil na natin ito."

"Lavender, hindi kita maintindihan..."

"Maghiwalay na tayo." Mahina lang ang pagkakasabi nito pero parang bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Pakiramdam niya ay may maliliit na karayom na tumusok sa kanyang puso.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit? Wag ka naman magbiro ng ganyan, mahal naman. Hindi ka nakakatuwa."

Napailing ito saka tumayo. "Hindi ako nagbibiro, Jamie. Gusto ko nang makipag hiwalay sa'yo."

"B-bakit?" Parang may kung anong bara sa kanyang lalamunan na mahirap tanggalin. "May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? S-sabihin mo, please. Kung ano man ang nagawa ko, I'm sorry. Please wag mong gawin sa akin ito."

Lumapit siya rito at niyakap mula sa likuran. Unti unti nang nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha.

"Jamie," tinanggal nito ang kanyang mga kamay na nakapulupot dito. "Hindi ko na kaya ito, ayoko na. Let's stop this. Wala nang patutunguhan itong relasyon natin."

Hinarap niya ito at pilit hinuhuli ang mga mata. "B-bakit? Hindi mo na ba ako mahal?"

May kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata nito na agad ding nawala. Napalitan ng malamig na titig bago ito nagsalita. "Hindi na... o siguro, nagkamali lang ako ng nararamdaman ko noon, na akala ko mahal na kita, nagkamali ako Jamie."

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!