chapter 28

9K 217 15

***

Pagkamulat na pagkamulat ng mata ni Jamie ay ang anak agad ang hinanap niya pero bigo ng mapansin wala ito sa kanyang tabi. Kumabog ang dibdib niya at agad na bungon para lang makita wala na rin si Lavender sa higaan nito.

Kung ano-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan na kinabahala niya. Nasaan ang mga ito? Hindi kaya ay tinakbo na ni Lavender ang kanyang anak?

Nagmamadaling lumabas siya para hanapin ang mga ito. Hindi maaaring kunin ni Lavender ang anak niya!

Wala ang mga ito pagkalabas niya kaya mas lalo siyang kinabahan. Nilibot niya ang taniman at wala ang mga ito. Palabas na sana siya sa kanilang bakuran nang bumukas iyon at pumasok ang dalawa na magkahawak kamay pa.

Nagtatawanan pa ang mga ito at hindi siya napansin kung hindi pa niya tinawag ang atensyon ng mga ito.

"Mira, saan kayo pumunta, ha?"

"Gising ka na pala. Nagpasama lang ako kay Mira para bumili ng almusal." Wika ni Lavender at itinaas ang supot ng pandesal.

"Ginising niyo man lang sana ako." Nakahinga siya ng maluwang na malamang mali lang pala ang hinala niya. Mabuti na lang. Kung nagkataon, hindi niya mapapatawad talaga si Lavender.

"Nay, andami pong binili ni tatay. Tara na po tay, mag-init na po tayo ng tubig." Hinila nito si Badong na mataman na nakatingin sa kanya na parang humihingi ng tawad.

Hindi pa rin niya kasi maintindihan ang intensyon ng pananatili nito sa bahay nila. Alam niyang busy itong tao. Hindi lang ang anak nito ang dapat nitong asikasuhin.

"Hindi ka ba mag-aalmusal muna?" Tanong ni Lavender ng makitang nag-aayos na siya para umalis.

Napabuntong hininga siya bago hinarap ito. "Kailangan ko nang mangulekta ng mga kakainin ng mga alaga namin. Marami pa akong gagawin."

"You should at least eat first."

Hindi niya ito pinansin bagkus ay hinarap ang anak na abala sa paglalaro ng baga ng uling kaya sinaway niya ito.

"Nak, alis na ako. Yung mga habilin ko sa'yo ha? Pagkatapos mong kumaen, dumiretso ka na kay lola Silvia mo. Doon na kita pupuntahan."

"Eh nay, andito naman po si tatay, okay lang po kahit hindi na ako pumunta sa kanila lola, may mag-aalaga na sa akin dito."

Iyon na nga ang kinakabahala niya. Hindi niya kayang iwan si Mira na si Lavender ang kasama dahil baka wala na siyang anak na balikan. Mukhang napansin ni Lavender ang pag-aalangan sa kanyang mukha.

"Wag kang mag-alala. Babantayan ko namang mabuti si Mira."

"Paano ako makakasiguro na sa pag-balik ko ay nandito pa ang anak ko?"

Mukhang hindi nito inaasahan ang sinabi niya dahil bahagya pang nagulat ito.

"Hindi ko gagawin ang iniisip mo, Jamie."

"Sana nga."

***

Buong araw na inabala ni Jamie ang sarili sa pagtatrabaho para lamang mawala ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Hindi pa rin siya mapalagay na kasama nila ng anak si Lavender sa iisang bubong.

Kailan ba nito balak umalis? Alam niyang hindi habang buhay ay mananatili ito sa kanila. May sarili din itong buhay at pamilya.

Kung siya ang papapiliin ay mas gugustuhin niya nang umalis ito kesa umasa ang anak niya. Alam niyang iniisip ng anak niya na makakasama na nila ng matagal ang tatay nito. Ayaw niyang umasa ang anak para lamang masaktan sa huli.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!