Chapter 10

7.7K 181 4

***

"So you're back huh?" Nakangising tanong sa kanya ni Zion habang tahimik lang siyang binabasa ang monthly report ng business ng kumpanyang pinamamahalaan ng lolo niya.

Dahil hindi pa ito pwedeng magtrabaho ay siya muna ang pansamantalang umaasikaso sa lahat... pero kung siya ang papapiliin ay mas gusto niya nang manatili na lamang sa bahay ang Lolo niya para hindi na lumala ang sakit nito. He's the only one he have.

"As for now, I don't have any plan going back to my previous setup."

"Eh, paano yung kundisyon ni Lolo mo?"

"May naipakilala na ako sa kanya. Alam mo namang hindi siya aalis dito kung wala pa akong naipapakilala sa kanya. Hahayaan ko muna siyang makuntento sa ngayon. Basta wag niya lang pipilitin ang sarili niyang magtrabaho. I'm fine with it."

Napapalatak ito. "Naku bro, lagot ka niyan pag nanghingi na ng Apo ang Lolo mo. Instant kasalan agad ang magaganap."

He sighed heavily. Yun din ang kinakatakot niya. sa nakikita pa niya naman, mukhang close na agad si Jamie at ang Lolo niya. Si Jamie kasi ang nag-aalaga ngayon sa Lolo niya.

And he's sure that sooner or later, his Lolo will be demanding for marriage.

"Let's not talk about that matter. Ang mahalaga sa akin ngayon ang kalusugan ni Lolo."

"Hmm, pero diba ok naman si Jamie? Niligawan mo pa nga eh. Why don't you just marry her?"

Hindi agad siya nakasagot at muling napabuntong hininga. "I don't know, Zi. To tell you honestly I'm starting to doubt her."

"What do you mean?"

"When I first met her, I thought she could be the one. pero habang tumatagal ko siyang nakakasama, umiiba na eh, lalo na ngayong alam niya nang mayaman ako..."

"I still don't get it."

"I don't want to put it in a word, but you see... her attitude is kinda bit of a gold digger."

Napaisip ito saglit. "How can you say that?"

"Through observation, simula nung nalaman niyang mayaman ako ay napapadalas ang pag-request niya ng mga bagay bagay. And now she even decided to live in my house, para daw maalagaan ang Lolo. At first I thought it was okay, but these past few days she's starting to act like my wife and the boss in the house. Pati nga si nanay pinagalitan niya dahil lang kulang ang nabiling ingredients sa lulutuin niya..."

"And you know what's the worst part? Gusto niya pang malaman ang mga business namin ni Lolo at kung magkano ang mga kinikita... hindi na ako magtataka kung isang araw ay sa amin na lahat nakatira ang pamilya niya at umaasa sa yaman namin."

Biglang natawa si Zion sa sintemyento niya.

"Damn, wala pa palang kasal, nasasakal ka na."

"Tsk."

"Anong plano mo ngayon?"

"I really don't know... ayoko naman hiwalayan agad siya at paalisin sa bahay."

"Man, you've got a really big problem. Pero sa totoo lang the only solution you have is find someone again. Baka kasi pag tumagal ang sitwasyon ikaw din ang mahirapan."

"Yeah... you are right."

***

Isang malawak na ngiti ang sinalubong ni Jamie nang dumating si Lavender sa bahay galing trabaho. Pakiramdam niya talaga ay tunay silang mag-asawa sa ganitong setup nila.

"Ang aga mo atang umuwi?" Tanong niya dito habang tinutulungan ito sa mga dalang gamit.

"Maagang natapos ang meeting eh." Paliwanag nito. "Nasaan si Gran?"

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!