chapter 26

9.4K 233 7

Ang ganda ko---este ang saya ko. Kasi nababasa ko mga comments niyo na gusto niyo itong kwento ni badong. Haha. Solomoot talaga :)

***

"Nay, pasensya na po kayo at hindi ako makakapag padala ngayon katapusan, nagkulang po kasi ang pera dahil sa gamot ni Mira. Inatake na naman po siya."

"Ano ka ba anak, naiintindihan ko naman. Alam ko namang nahihirapan ka na dahil sa amin." Sagot ng nanay ni Jamie na kausap niya sa cellphone. Ilang araw niya na rin hindi nakakausap ang nanay at mga kapatid dahil sa pagiging abala sa trabaho.

Doble doble na ang kayod niya ngayon lalo pa't maaring mangailangan sila ng malaking pera sakaling kailangan operahan si Mira. Wala pa namang siyang nakukuhang resulta sa doctor pero mas maganda na ang makasiguro habang maaga. Iilang government facilities na rin ang pinuntahan niya para manghingi ng donasyon.

"Nay, wag niyo po isipin na pabigat kayo sa akin. Basta't hanggang kaya ko ay tutulungan ko kayo. Magdasal po tayo na malalampasan din natin itong mga pinagdadaanan natin."

"Salamat anak," Narinig pa niya ang pagsinghot ng nanay niya sa kabilang linya. "Kamusta na pala ang apo ko? Aba'y baka mawala na lang ako ng hindi man lang nayayakap ang apo ko."

"Wag naman kayo mag salita ng ganyan... si Mira po ay ayos lang, mabuti nga at bumalik na naman sa pagiging masigla pagkatapos atakihin. Hayaan niyo kapag nakaluwag luwag na tayo ay kukunin ko na kayo diyan."

Marami pa silang napag-usapan ng inay niya ng magpaalam na siya dahil may trabaho pa siya. Alas-otso pa lang ng umaga pero kailangan niya ng manguha ng mga 'kanin baboy' para sa alaga nilang mga baboy at biik.

May pinahiram sa kanya si tatay Claudio na bisikleta kaya naman kahit papaano ay gumagaan ang trabaho niya.

"Nay, aalis na po kayo?" Tanong ni Mira na bagong gising lang at pupungas pungas pa ang mga mata. "Sama po ako."

"Nak, dito ka lang. Hindi ka pa nga kumakaen ng almusal mo."

"Pero nay." Ngumuso pa ito at nagpaawa ang mukha.

Alam niyang nababagot na ito dahil nitong mga nakaraang araw ay madalas niya na itong iwan sa bahay dahil baka mapagod lang ito. Mabilis na kasi itong mapagod di tulad ng dati, tanda na humihina ang puso nito habang lumalaki. Pinapakiusapan niya lang sila nanay Silvia o tatay Claudio na tignan ang anak niya kung may pagkakataon. Malapit lang naman ang bahay nito sa kanila.

"Saglit lang ako, anak. Kukuha lang ako ng mga pagkaen nila pinay. Maligo ka na at kumaen para pagbalik ko ay dederetso na tayo tabing dagat para makapagbenta."

Kita pa niya ang pagtutol sa mukha nito pero wala nang nagawa kundi ang tumango.

Binilinan niya pa ito ng mga gagawin bago umalis. Nangulekta muna siya ng mga 'pagkaen ng kanilang alagang baboy bago daan ang pinagkukuhaan niya ng supply ng souvenir bracelet na kanilang binebenta.

"Dumagdag ng limang piso ang kada piraso, Jamie." Pahayag ng kanyang supplier.

"Bakit naman ho?"

"Aba'y nagmahal ang benta ng mga materyales. Alam mo naman ang mga iyon, sinasabayan ang pagtaas ng gasolina." Napailing pa ito.

"Inisip man lang sana nila na mahina na nga ang bentahan ngayon at magtataas pa sila. Aba'y lalo tayong malulugi."

Napakamot na lang siya ng ulo nang marinig ang iba't ibang reklamo ng kapwa niya tindera. Mukhang kailangan niya pang humanap ng isa pang raket. Sa gamot pa lang ng nanay niya at ni Mira ay kulang na kulang ang sahod niya sa resort pati na rin ang kita niya sa pagtitinda.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!