chapter 23

8K 198 22

UNEDITED

***

"Apo!"

"Gran, stop it." Muling suway ni Lavender sa kanyang lolo na kanina pa tinatawag na apo ang batang si Mira.

Sa tanda na ng kanyang lolo ay medyo makakalimutin na ito at minsan kung ano-ano pa ang pinagsasabi. That's why they hired him a private nurse.

"Ang ganda ganda talaga ng apo ko, kamukhang kamukha ng nanay mo."

Napailing na lang siya at hinayaan ang matanda. Kanina pa ito simula makita ang bata at sinasabing apo nito si Mira. He felt weird though. Lalo na nung isang araw na makita niya ulit ito kasama si April.

He wanted to talk to her but she seemed shy towards him. Hindi niya rin alam ang kakaibang nararamdaman sa tuwing magtatama ang mga mata nila ng batang si Mira. Kaya naman hindi niya magawang tumingin sa mga mata nito dahil pakiramdam niya parang binabasa nito pati kaluluwa niya.

Pintayo na sila para kantahan si April, ang birthday celebrant.

Tuwang tuwa ang mga tao roon lalo na ang birthday celebrant pero isa lang ang naka-agaw ng atensyon ni Lavender, si Mira. Hindi niya maialis ang mata sa batang iyon lalo na nang makita kung paano ito matuwa habang pinagmamasdan ang cake na tila ngayon lang ito nakakita. Her eyes sparkled with enthusiasm. Deep down in him, in wanted to see that spark everyday in her eyes.

Nakita niyang itinukod nito ang mga braso sa lamesa para siguro makitang mabuti ang disenyo ng cake pero nagulat ang lahat ng mahulog iyon dahil tumagilid ang lamesa sa ginawang pagpatong ni Mira.

Natulala siya bigla ng makita ang takot sa mata nito. Pakiramdam niya ay piniga ang puso niya ng makita ang emosyon na iyon sa batang si Mira.

"She ruined my cake!" Sigaw ni April na agad namang pinakalma ng kaibigan niyang si Zeke.

"H-hindi ko po sinasadya." Natatakot na turan nito bago inilibot ang mga mata na tila may hinahanap.

Napahakbang na siya para sana lapitan ito para tulungan nang maunang lumapit dito ang lolo niya.

"Apo, ayos ka lang ba?" Tanong nito habang pinupunasan ng panyo ang bata.

"Mommy! She ruined my cake! I hate her. Mommy!" Sigaw pa ni April na umiiyak na rin. Knowing how spoiled and brat she is, hindi na siya magtataka sa inaasal nito.

"Hindi ko po sinasadya." Paliwanag pa ni Mira. "Wag po kayong magalit sa akin."

"Okay lang, hindi kami galit." Lumapit din si Zeke dito at tinulungan ang matanda na aluin ito.

"Hindi ko naman po talaga sinasadya...H-hindi ko naman po hinawakan, nahulog lang po."

Parang dinurog ang puso niya ng makita ang pagtulo ng luha nito.

"Nay, G-gusto ko na pong umuwi...Nay!" Umubo na ito at tila hirap na sa paghinga.

Fear started to creep in him. Hindi niya na hinintay na dumating pa ang tinatawag nito at humakbang na siya palapit rito para lamang mapatigil muli nang makita kung sino ang lumapit dito.

Si Jamie.

Of course he knows her. Even though he wanted to forget her, he just can't. Malaking parte ng nakaraan niya si Jamie na mahirap burahin sa buhay niya. Lalo na ang ginawa niya dito at ginawa nito sa kanya. At some point he regret it, pero masisisi ba niya ang sarili kung niloloko na siya ng taong minahal at pinagkatiwalaan niya?

Kaya naman sa hindi nila inaasahang pagkikita ay pilit niya pa rin hindi ito kinikilala. Wala na dapat Jamie sa buhay niya dahil may asawa na siya, may Monique na siya na dapat alagaan kahit pa hindi niya ito kayang bigyan ng anak.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!