chapter 16

8.1K 241 32

***

Kung gaano kapuno ng pag-asa ang nararamdaman ni Jamie ay siya namang kabaligtaran ng nararamdaman niya nang siya ay bumalik sa probinsyang kanyang pinanggalingan. Ang lugar na kung saan kailangan niya muling buuhin ang sarili na tinapon lang ni Lavender... bubuuhin niya muli ang sarili kasama ang anak niya.

Napahawak siya sa tiyan niyang wala pang umbok. Wala pa man ay naaawa na siya sa anak niya, pinagtabuyan ng sariling ama. Hindi niya alam kung matutuwa nga ba siya dahil sa kabila ng pagkakaroon pala ng deperensya ni Lavender ay nagawa pa siya nitong mabuntis, o malulungkot dahil alam niya sa sarili niya ay hindi niya maibibigay ang buhay na nararapat sa anak niya.

Paano nga ba niya bubuhayin ang anak niya? Walang wala siya. 6,500... iyon lang ang perang meron siya ngayon. Ang perang itinapon sa kanya ni Lavender. Ganun lang ang halaga niya at ang anak niya rito.

Hindi niya alam kung paano niyang uumpisahan muli ang buhay niya ngayong magkakaroon na siya ng anak. Gulong gulo ang isip niya.

Napahinto siya sa tapat ng compound kung saan siya nakatira. Eto na naman siya, balik sa pagiging dukha. Mabigat ang loob na nagtungo siya sa tapat ng bahay ni aling bebang.

Dalawang katok lang ang ginawa niya at bumukas agad iyon. Nangunot ang noo nito ng makita siya. Pero ang mga mata niya ay nakatuon sa leeg nito kung saan nakasabit ang kwintas niya... ang kwintas na galing kay Lavender---teka hindi pala. Sa pera lang nito galing pero siya ang bumili. Mapait siya napangiti sa sarili.

"Oh ba't nandito ka ulit?"

"Babalik po sana ako sa bahay." Matamlay niyang sagot dito.

Napapalatak ito. "Naku jamie, hindi na pwede... may kumuha na kanina lang ng kwartong inuupahan mo."

"Ganun po ba? May bakante pa po ba kayo? wala po kasi akong matutuluyan."

Umiling ito at umismid. "Wala na eh. Huli ka na. Mag hanap ka na lang sa iba."

Gusto pa man niya magpumilit ay hindi niya na ginawa. Masyado nang pagod ang isip at katawan niya. Nakakapagod ipilit ang mga bagay na hindi na pwede. Kagaya ng pagmamahal niya kay Lavender, kahit pilitin niya ay hindi na pwede.

Aalis na sana siya ng may makalimutan.

"Aling bebang, kukunin ko po sana yung kwintas na sinangla ko."

Napahawak ang matanda sa kwintas na suot at bahagyang sumimangot ang mukha. "Aba't bakit kukunin mo na? may pera ka na ba?"

Tumango siya.

"Kung may dalawang libo ka makukuha mo."

Alam niyang malaki ang tubo nito pero hindi na siya umangal. Ang importante ay makuha niya ang kwintas.

Wala sa sariling naglakad siya paalis sa lugar hawak ang kwintas na tinubos. Walang kasiguraduhan kung saan dadalhin ng sariling mga paa.

Hindi niya namalayan na napalayo na siya ng lakad at hindi na pamilyar ang daang tinatahak. Huminto lang siya sa tabing daan ng makaramdam ng pagod. Madilim na at walang makikitang ilaw sa bahaging iyon ng daan. Tanging daan na baku-baku, mga puno at palayan lang ang naaninag niya.

Nagpakawala siya ng malalim na hangin bago ipinikit ang mata. Naguumpisa na naman ang pagtulo ng kanyang mga luha. Kahit anong gawin niyang punas ay patuloy pa rin. Sa totoo lang ay gusto niya nang sumuko... pero hindi pwede, lalo na't may anak na siya. Hindi niya pwedeng sukuan ang anak niya at ang pamilya niya.

Ano ngayon kung siya lang mag-isa ang bubuhay sa anak niya? Kaya niya naman diba? Tama, kakayanin niya. Hindi na siya pwedeng umasa na balang araw babalik pa si Lavender sa buhay niya.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!