chapter 27

13.2K 302 26
                                    

***

"Jamie."

Parang binuhusan si Jamie ng malamig na tubig ng marinig ang boses ni Lavender na tumawag sa kanya mula sa likuran.

Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito kung bakit ito narito sa kanila pero may kutob siya. At wag sanang tumama ang kutob niya.

"Jamie." Tawag nitong muli nang hindi siya lumilingon. "We need to talk."

Anong masamang hangin ang nagdala rito at ngayon ay kilala na siya nito bigla?

"Anong kailangan mo?" Tanong niya ng harapin ito. Pigil niya ang emosyon na gustong kumawala sa kanya ngayon. Samo't saring katanungan din ang gumugulo sa isip niya.

"G-gusto kong makita si Mira." May kaunting pag-aalangan ang boses nito at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Natawa siya ng pagak. Mukhang may alam na ito. Kung paano? Hindi niya rin alam. At wala na siyang balak pang alamin. Hindi na siya magtataka sa lakas ng impluwensya nito ay madali nitong malalaman ang mga bagay na gustuhin nito. Umpisa pa lang ay alam niya nang mangyayare ito at ngayon ay eto na nga ang bagay na kinakatakutan niya. Pero hindi dapat siya magpatalo rito. Siya ang ina, siya ang bumuhay sa anak niya, siya ang may karapatan at ito ang wala.

"Bakit? May problema po ba kayo sa anak ko, Sir?" Umasta siyang hindi ito naiintindihan. Hindi lang ito ang marunong magpanggap, siya rin.

"Jamie,"

"Kilala niyo po pala ako, Sir? Ano po bang kailangan niyo at napadaan pa kayo rito?"

Bumuka ang bibig nito para lamang muring isara. Naghahanap ng tamang sasabihin sa kanya. Ilang segundo silang nagkatinginan pero siya naman ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi niya na kaya pang tagalan ang presensya nito.

"Kung wala na po kayong sasabihin papasok na ako."

"Please," Pigil nito ng akmang tatalikod na siya. "Gusto kong makita si Mira... gusto kong makita ang anak ko."

Para siyang nabingi sa sinabi nito. Anak niya? Kung ganoon ay tama nga ang hinala niya na alam na nito ang lahat. Ang galing nito, para lamang walang nangyari sa kanila noon at kung makahingi ito ng permiso ay parang hindi nito nagawang ipagtabuyan sila ng anak niya noong pinagbubuntis niya pa lamang ito.

Napailing siya at natawa ng pagak. "Anak niyo po? Ano po bang pinagsasabi mo? Hindi mo anak ang anak ko. Nagkakamali ka, paano mo magiging anak ang anak ko kung ngayon lang kita nakita. Mali po ata kayo ng pinuntahang lugar."

"Jamie." Puno ng pagsusumamo ang mga mata nito na ngayon niya lamang nakita.

"Pasensya na. Hindi ko alam kung bakit niyo ako kilala pero hindi ko po kayo kilala. Nagkakamali po kayo."

"Stop lying, Jamie. Alam ko na ang totoo."

Sinungaling pa rin ang tingin nito sa kanya. Sinungaling, manggagamit at manloloko. Ganun pa rin at walang pinagbago, kaya bakit pa siya magmamalinis sa harapan nito?

Umiling siya. "Kung ano man ang alam mo ay nagkakamali ka. Mabuti pa ay umalis ka na dahil wala kang mapapala rito."

Tinalikuran niya ito pero mabilis ito at hinila siya. Naramdaman niya ang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang mga balat nila. Agad niya inalis ang kamay nito dahil hindi niya gusto ang epekto nito sa kanya.

"Alam kong ako ang ama ni Mira, bakit mo pa itatago kung alam ko na ang lahat?"

"Ikaw? Nagpapatawa ka ba? Hindi ikaw ang ama ng anak ko. Mahirap lang ako, mayaman ka. Paanong magagawang pumatol ng isang kagaya mo sa akin? Nagkakamali ka lang. Badong ang pangalan ng tatay ng anak ko, mahirap lang din siya kagaya ko. Pero kahit mahirap lang kami pareho ay alam kong minahal niya ako. Malabong ikaw ang tatay ng anak ko dahil hindi ikaw si Badong."

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon