chapter 32

9.8K 251 7

***

Ito na ang araw na kinakatakutan ni Jamie na dumating, pero kailangan nilang harapin. Kailangan dumaan ni Mira sa operasyon dahil sa butas sa puso nito na lalong lumala sa paglipas ng araw.

Nang malaman nila ang resulta ng obserbasyon mula sa doctor ay agad na nagdesisyon si Lavender na sumailalim si Mira sa operasyon. Hindi siya tumutol. Alam niyang ito ang kailangan ng anak niya.

Kaya ngayon ay ito siya sa labas ng emergency room at hinihintay ang kahihinatnan ng operasyon ni Mira. Wala si Lavender. Alam niyang pagod din ito sa ilang araw na pag-aasikaso para dito at sa paghahanap ng heart donor ng anak.

Ngayon lang siya nagpapasalamat na mayaman ito. Dahil kung hindi, tiyak baka wala nang pag-asang gumaling ang anak nila.

Napapikt siya at taimtim na nagdasal para sa magandang resulta. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring hindi maganda sa kanyang anak.

Iminulat niya lang ang mga mata ng maramdamang may tumabi sa kanya. Nagulat pa siya ng makita si Lavender pero agad ding nakabawi. Katulad niya ay halatang nag-aalala rin ito at hindi mapalagay. Mukhang kulang din ito sa tulog pero hindi nakabawas sa gandang lalake nito.

Napatingin siya sa kamay niya ng hawakan nito iyon at pinagsalop ang mga palad nila. Napaka-init sa pakiramdam ng palad nito. Hindi siya pumalag, hindi siya nagreklamo. Hinayaan niya lang na hawakan siya nito.

Dahil alam niya, kailangan din nito ng makakapitan ngayon. Kailangan nila ang isa't-isa para sandalan.

Napabuntong hininga siya. Pinisil naman nito ang kamay niya.

"Magiging maayos ang lahat. Malakas ang anak natin. She will get through this." Basag nito sa katahimikan.

Pinipilit niyang pakatatagan ang sarili. Tumango siya, pilit tinatanggal ang bara sa kanyang lalamunan at pigil ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"I'm sorry... wala akong balak kunin sayo si Mira. God! I never wanted to hurt you again. I'm sorry for hurting you too much, Jamie." Lintaya nito at tumingin sa kanya. Puno ng pagsusumamo ang mga mata nito.

"Alam mo bang 'papa' ang unang salita na narinig ko kay Mira?" Wika niya nang hindi pinansin ang sinabi nito.

Alam niyang sinsero ito sa pag-hingi ng tawad. Ilang beses na itong humingi ng kapatawaran sa kanya.

Sinalubong niya ang titig na iyon, hanggang sa bumigay siya, hanggang sa bumigay ang emosyon na pinipigilan niya. Kumawala ang luha sa mga mata niya.

"Muntikan na siyang mawala sa akin ng ipanganak ko siya, pero hindi. Hindi niya ako iniwan. Kung bakit 'Miracle' ang pinangalan ko sa kanya, kasi milagro siyang dumating sa buhay ko. Kaya hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya."

Niyakap siya nito at kahit papaano naramdaman niya ang ilang tinik na nabunot sa dibdib niya. Patuloy lang sa paglandas ang mga luha niya habang ito ay nakayap sa kanya at hinihimas ang likod niya.

"Shhh. Magiging maayos ang lahat. Hindi mawawala sa atin ang anak natin. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Gagawin ko ang lahat para sa inyo Jamie."

Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang noo. At sa oras na iyon pakiramdam niya lahat ng sasabihin nito ay totoo at paniniwalaan niya.

Dahil sa pagkakataong iyon ay muli na namang tumibok ang puso niya para dito.

***

"Jamie, bumili na ako ng pagkaen. Kumain ka muna, baka ikaw naman ang magkasakit niyan."

Pitong oras na halos ang operasyon pero wala pa rin silang balita sa loob. May mga nurse na lumalabas at pumapasok pero hindi naman sila binibigyan ng impormasyon sa mga nangyayari sa loob. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapalagay. Hindi siya umaalis sa lugar kung hindi kinakailangan. Maging si Lavender. Umalis lang ito para bumili ng makakaen nila dahil kanina pa walang laman ang mga tiyan nila.

Muling tumabi si Lavender sa kanya at nilapag nito ang take out na pagkaen sa tabi nito. Kanina pa silang magkasamang dalawa at naghihintay sa resulta.

"Wala pa akong gana."

"You need to eat, Jamie, and rest as well. Matagal pa matapos ang operasyon, pwede ka pang umidlip. Baka mamaya pag nakita ka ng anak natin ay bumalik ang sakit niya sa puso dahil sa itsura mo." Ngumiti ito.

Nagawa pa nitong mag-biro sa sitwasyon. Pero hindi siya nakaramdam ng inis, bagkus ay gumaan pa ang pakiramdam niya.Naalala niya tuloy ang dating Lavender... si Badong.

Tumango lang siya. Gutom na rin siya at gusto ng magpahinga. Pero gusto niya pagkatapos ng operasyon ay makita agad ang anak niya. Gusto niya pag nagising ito ay sila ang unang makita.

Sabay silang kumaen at ng matapos ay hinayaan siya nitong umidlip. Pero hindi niya inaasahan ng hilain siya nito at ipasandal ang ulo niya sa balikat nito.

"Sleep, Jamie." Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha niya.

Hindi agad siya nakasagot at pinakiramdaman lang ito. Ramdam na ramdam niya ang lalim ng paghinga nito. Kahit papano ay na-relax din siya dahil sa ginawa nito.

Nakatulog siya ng hindi namamalayan.

Naalimpungatan siya ng makaramdam ang pangangalay. Hindi agad siya nakakilos ng maramdaman ang bigat ni Lavender na nakasandal na rin sa kanya ang ulo. Mukhang ito ay nakatulog din.

Bumukas ang pinto at lumabas ang doctor ng anak nila. Agad siyang napatayo at hindi na naisip si Lavender na nakasandal pa sa kanya.

"Doc! kamusta po ang anak ko?"

Mukhang nagising na rin si Lavender gawa ng muntikan na itong mauntog sa pagtayo niya. Lumapit na rin ito at nasa tabi niya na rin ito. Parehong nag-aabang sa sasabihin ng doctor.

"The operation is a success. Maganda ang respond ng katawan ng anak niyo sa bagong oragan nito. We'll just wait for her to wake up and conduct more observation in her, para malaman natin maganda ang function ng puso niya at walang negative reaction ang katawan niya. Ililipat na namin siya sa private room."

"Thank you doc." Si Lavender ang unang nagsalita. Siya naman ay hindi mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman at bahagya pang natulala dahil sa magandang balita.

"S-salamat po." Binalingan niya si Lavender. "Maayos na siya. Salamat, salamat."

Pinunasan nito ang mga luhang hindi niya namalayang tumulo na. Niyakap siya nito at gumanti rin siya ng yakap rito.

Sa wakas ay magaling na ang anak nila.

***

Mahimbing ang tulog ni Jamie. Napakagaan ng pakiramdam niya. Parang walang problema. Tuluyan lang nagising ang diwa niya ng marinig ang mahinang tawa ng isang bata...si Mira!

Iminulat niya ang mga mata. At mula sa hinihigaan niyang couch ay nakita niya ang anak niya sa kama ng hospital na gising na nga, kasama si Lavender na katabi nito. May kung anong pinaguusapan ang mga ito kaya tumatawa ang anak niya. Naka-akbay pa si Lavender sa anak at hinihimas ang buhok nito.

Lumukso ang puso niya sa nakikitang eksena. Parang dati lang ay hinihiling niya na mangyari ang ganito. Ngayon nga ay nasa harap niya na at totoong nangyayari ang dati'y pangarap lang.
Agad siyang bumangon at nilapitan ang dalawa.

"Anak..." Hinihintay niya itong magising at nakatulugan niya na ang paghihintay. Pero ito nga at gising na ang anak. Naririnig niya nang muli ang tawa nito at nakikita niya na ang ngiti sa mga labi nito. Hindi na siya nag atubili at niyakap ito.

"Nay." Niyakap din siya nito.

Tumulo na ang luha niya at hinarap ang anak. "Ayos ka na ba anak? ha? Wala na bang masakit sayo?"

"Nay, opo. Magaling po si doc e. Tsaka pinag pray niyo daw po ako ni tatay kaya magaling na po talaga ako. Magaling din po si God kasi tinupad niya wish ko. Wag ka na pong umiyak nay." Pinunasan ng maliliit na kamay nito ang mukha niya.

"Masayang masaya lang si nanay, anak. Masayang masaya."

"Ako din po. Sabi po kasi ni tatay, hindi na tayo aalis sa kanila. Doon na daw po tayo titira."

Napatingin siya kay Lavender na mataman nakatingin sa kanilang dalawa. Ngumiti ito at iniangat ang isang kamay at pinunasan din ang luhang tumutulo sa mukha niya.

"Lavender."

"Wag na kayong aalis sa bahay, Jamie. Wag na kayong aalis sa buhay ko."

***

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!