Chapter 11

7K 151 25

***

"PARA saan ito?" Tanong ni Jamie nang makita ang simpleng purple dress na nilapag ni Lavender sa harapan niya.

"May handaan kasi sa bahay ng kaibigan ko dahil kapapanganak lang ng misis niya, invited tayo." Paliwanag nito.

Natuwa naman siya. mukhang makikilala na niya ang mga kaibigan ni Lavender sa mundong ginagalawan nito. Si Zion pa lang kasi ang pormal niyang nakilala talaga. Hindi rin naman pala kwento itong boyfriend niya.

Kinuha ang damit at idinikit sa katawan para sukatin. "Ang ganda naman nito, mahal. Pero mas maganda kung paparesan ko ito ng kuwintas." Turan niya dito. Nakakahiya naman kasi sa mga kaibigan nito at baka mag mukha lang siyang katulong pag tumabi kay lavender. dapat mag mukha rin siyang mayaman para hindi ma out of place. Madalas pa naman niyang nababasa sa mga pocketbooks na ang mga mayayaman ay bongga kung mag handa. Hindi pwedeng simple.

"A necklace? Hmm, wala ka bang maisusuot?"

Umiling siya. "Wala eh, pero pwede tayong bumili na babagay dito. Tsaka maganda rin siguro pati bracelet para match. oh diba?" Na eexcite tuloy siya na mag shopping kasama ito. Baka mamaya may makita pa silang singsing at maisipan nitong mag propose.

Saglit na napaisip ito bago tumango. "Ok, pero pwede bang ikaw na lang ang bumili? May lalakarin pa kasi ako. Bibigay ko na lang sayo yung isa kong credit card. Buy anything you want."

Bahagya siyang nadismaya na hindi ito makakasama pero hindi na lamang siya nagpahalata. Pasalamat na nga lang siya ay bibigyan siya nito ng pera.

"Susunduin na lang kita mamaya before six kaya dapat nakahanda kana." Sabi nito pagkatapos ay nagpaalam na.

***

Tinawagan ni Lavender ang kanyang sekretarya matapos makapamili ng mga gamit para sa kanyang inaanak sa kaibigan niyang si zeke.

Hindi man niya gustong gawin pero gusto niyang subukan ang kasintahan. kung tama ba ang desisyon niya. kung kakayanin ba niya kung sakali.

"Hello sir?"

"Claire, can you please make a billing statement on my BDO card? paki check kung ano ang mga purchase product ngayong araw lang. Send it to me ASAP."

"Yes, Sir. Yun lang po ba?"

"Yun lang. Thanks."

Ilang minuto pa siya naghintay bago tumunog ang email niya at chineck niya ang pinadala sa kanya ng kanyang sekretarya.

Nangunot ang noo niya sa kanita at ilang beses siyang napabuntong hininga. Not only two items but there is six items she just purchased. At hindi basta basta ang mga presyo ng mga pinamili nito. Meron ding itong isang malaking transaction sa isang sikat na salon.

Napaisip siya saglit bago idenial ang numero ni Jamie.

"Hello?" Bakas sa boses nito ang excitement na kabaligtaran naman ng nararamdaman niya.

"Ready ka na ba? susunduin na kita."

"Oo, kanina pa."

"Okay, I'll be there in 15 minutes."

***

Hindi mawala ang ngiti ni Jamie habang gumagala sa malaking mall dito sa kamaynilaan. Mabuti na lang talaga ay kasama niya ang isang katulong ni Lavender na si Isay kundi ay baka naligaw na siya sa laki na mall na ito.

Kinuha niya sa bulsa ang binigay sa kanyang credit card. hindi pa niya alam gamitin iyon. Mabuti na lang ay tinuruan siya ni Isay. ibibigay niya lang daw sa counter kapag nakabili na siya at ang cashier na raw ang bahala.

Pumunta agad siya sa bilihan ng mga alahas.

"Isay, alin ang maganda rito?" Tanong niya sa kasama.

"Naku, ate, lahat maganda. Pero ito mas maganda, malaki ang bato eh." Itinuro nito ang isang kwintas na may malaking pulang bato.

"Masyado namang malaki. Baka nasa malayo pa lang ako makita na agad ng mga holdaper yan at ma hold up ako." Nagtingin tingin pa siya ng iba.

Napansin niya rin na kanina pa siya binibigyan ng kakaibang tingin ng mga sales lady na wari'y sinusuri kung costumer ba siya o kawatan. Palibhasa ay naka t-shirt at maong pants lang siya! Aba't hindi ba nito alam na mayaman ang boyfriend niya?

"Ma'am, bibili po ba kayo?" Tanong ng sales lady pero halata sa tono nito ang pangmamaliit sa kanya.

Hindi niya tuloy mapigilang maasar. "Oo. Mag hintay ka, pumipili pa ako."

Hindi ito naka imik sa inasal niya. Costumer siya kaya dapat lang tratuhin siya nito ng maayos. Sa inis niya dito at gusto niya ring mapatunayan na hindi siya basta bastang costumer ay nagturo agad siya ng kwintas na natipuhan niya.

"Ito ang gusto ko."

Bahagya pang napataas ang kilay ng sales lady. "It's worth fifty thousands, ma'am." sinabi agad nito ang presyo ng hindi man lang pinapakita sa kanya ang alahas. Para tuloy sinasabi nito na hindi niya afford iyon.

Lalo siyang nainsulto. "Ang mura naman." Pagmamayabang na sabi niya.

Alam niya kasing maliit lang ang pera na iyon kumpara sa kinikita ng kumpanya nila Lavender. Minsan kasing nabanggit sa kanya ng Lolo nito kung magkano ang kinikita ng kumpanya araw araw.

"Isama mo na itong bracelet at hikaw. Kukunin ko." Inabot niya sa nakangangang sales lady ang credit card. "Paki bilis, mag shoshopping pa kasi ako." Sabi niya sabay irap dito.

Hindi mawala ang ngisi niya ng lumabas sila ni Isay sa jewelry store na iyon. Mabuti nga at naturuan niya ng leksyon ang babaeng iyon na wag magmaliit ng tao base sa pang labas na anyo.

Pero may malaking problema siya... hindi match ang mga alahas sa simpleng dress na binigay sa kanya ni Lavender.

"Isay, sa may bilihan tayo ng mga damit."

"Bibili ka po ng damit, ate?"

"Hind, magtatanong ako kung may tinitinda ba silang ulam." Pamimilosopo niya sa katulong. "Malamang, bibili ng damit. Ano pa bang ginagawa doon? Tara na nga."

Hinila niya agad ito. Ito na rin ang may bitbit ng mga pinamili niya. Aba't feel na feel niya talaga ngayon ang maging mayaman. hehe.

"Ate, mag salon ka na rin para complete package ba?" Suggestion ni Isay na kasama niya ring pumipili.

"Oo nga no? Ang galing mo talaga. Sige pagkatapos natin dito mag sasalon tayo." Saglit siyang napaisip. "Pero Isay, hindi ba mauubusan itong card?" Tukoy niya sa credit card ni Lavender.

"Naku, Ate, hindi. Alam ko unlimited yan at pwede gamitin sa lahat ng mall. Galing noh?"

Napatango tango siya. Ayun naman pala eh. Eh di pwede pa siyang makapamili ng mga gamit.

Nakapili siya ng isang black v-neck na fitted dress hanggang hita niya. Sabi nga ni Isay complete package na dapat kaya bumili na rin siya ng sapatos at bag na teterno sa outfit niya. Na eexcite na tuloy siya para sa party mamaya. Tiyak siyang hindi ma out of place. Magmumukha talaga siyang mayaman sa suot niya at hindi mapapahiya si Lavender sa kanya.

Dumiretso sila sa salon pagkatapos at dahil first time niya ay tinanggap niya lahat ng alok sa kanya ng mga bakla. Syempre nilibre niya na rin si Isay dahil tinulungan siya nito.

Fresh na fresh ang pakiramdam nilang dalawa matapos mag salon.

"Uwi na tayo, Isay para makapag handa na ako."

"Sige ate, tulungan kita mag make-up ha?"

Sabay pa silang napahagikgik na parang mga bata.

Ngayon pa lang tiyak na siyang magiging maganda ang kahihinatnan ng gabi niya.

***

A/N: hey guys! Basahin niyo rin po sana ang story ni 'Zion' entitled 'The playboy's assistant.' Tiyak na mag-eenjoy kayo sa kakulitan ni Zion. hehe.

Anyway, any opinion about Jamie's character?

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!