chapter 9

7.1K 174 2

***

"Mahal, nagtataka na talaga ako sa inyo? Inglisero ba talaga lahat kayo? Jusko kamuntikan nang dumugo ang ilong ko sa lolo mo."

Papunta sila Lavender at jamie sa bahay niya dahil wala pa siyang balak bumalik sa sa tinutuluyan niya sa probinsya. Hindi na nga siya sigurado kung itutuloy pa niya ang ganoong set-up.

"... tsaka ang swerte ng lolo mo ha? Mukhang malaki yung insurance sa PAG-IBIG at ang garbo ng tinutuluyang hospital, mas malaki ba ang insurance kung dito sa maynila nagtatrabaho?" Patuloy sa pagsasalita ang kasintahan niya.

Isa pa itong pinoproblema niya. Hindi pa ba nito naiintindihan ang sitwasyon? Hindi niya din alam kung ano ang magiging reaksyon nito sakaling malaman ang katotohanan. Magugulat? Malilito? Matutuwa? Marahil matutuwa... sa ugali ba naman nito.

Nag-jeep lang sila papunta sa bahay nila ng lolo niya, umalis na kasi si zion dahil may lalakarin daw. Pagkababa sa village ay nakilala agad siya ng guwardya.

"Paki-contact naman ang sa bahay at padalhan ako ng service." Utos niya dito. wala kasi siyang cellphone.

Manghang mangha pa si jamie nang makita ang sasakyang susundo sa kanila. alam niyang marami itong gustong itanong sa kanya base sa mga ibinibigay nitong tingin. But he's just too tired to entertain her questions right now.

"Badong, kanino bahay ito?" Tanong nito ng pumasok ang sasakyan sa isang malaking blue gate, pagkapasok ay matatanaw agad ang lawak ng bakuran na natatamnan ng iba't ibang uri ng rosas na paborito ng nanay niya noong nabubuhay pa ito.

Sa kalagitnaan ng lugar ay nakatayo ang three storey house na gawa sa marble ang exterior built nito. Kapansin pansin din ang malaking double door na gawa sa narra tree na bungad ng mansyon.

"I'll answer your questions later, magpahinga muna tayo." Sabi niya agad dito ng pumasok na sila. Nakanganga pa ito habang inililibot ang paningin sa malaking sala na may malaking hagdan sa gitna patungo sa ikalawang palapag.

"... nay," tawag niya sa mayordoma nila na sumalubong sa kanila. "Paki-asikaso po muna siya at magpapahinga muna ako sa kwarto."

"Sige, iho."

***

Manghang mangha si Jamie nang pumasok siya sa isang magarbong kwarto na mas malaki pa ata sa bahay na tinutuluyan nila badong ngayon.

Grabe ibang klase talaga!

"Magpahinga ka muna hija." Sabi ng babaeng naghatid sa kanya. Ito yung tinawag ni badong na 'nay.' Alam niyang wala nang mga magulang ang kasintahan niya. Kaya nalito pa siya nung una kung sino ito sa buhay ng kasintahan niya.

Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat... gusto niyang magtanong sa kasintahan pero hahayaan niya na lang na ito ang unang kusang magsabi.

Pero sigurado siya na itong matandang babaeng ito ang tinuturing na magulang ni badong at marahil ay dito na sila pinatira sa malaking bahay na ito. Ang swerte pala ni badong at may nagmamalasakit sa kanyang mga tao.

Marahil kaya ito nagsisipag sa trabaho ay para masuklian ang mga taong nag-alaga sa kanya. Lalo tuloy siyang humanga sa kanyang kasintahan.

***

"Hija, gumising ka na diyan at kakaen na."

Naalimpungatan si Jamie nang tawagin siya ng nanay ni badong. hindi niya namalayan sa sobrang pagod ay nakatulog siya sa maganda at magarbong kwarto na ito.

"Nay, gising andyan na po ba si badong?" tanong niya dito. Hindi naman siguro masama kung makikipag-close siya dito tutal ay nanay naman ito ng kasintahan niya.

"Oo, hinihintay ka na niya."

Halos mapanganga siya ng tumambad sa kanya ang mahabang lamesa na may mga nakahain na masasarap na putahe pagkapasok nila sa kusina. Nakaupo si badong sa gitna ng hapag habang abala ito sa cellphone...

Sa cellphone na mukhang mamahalin!

Aba't! May cellphone siyang ganyan?

"Badong!" tawag niya agad dito nang mukhang hindi nito napansin ang presensya niya.

"Jamie, kumaen muna tayo." Itinuro nito ang katabing upuan.

"T-teka, tayo lang? Si nanay mo hindi sasabay sa atin?" tanong niya ng mapansing silang dalawa lang at umalis pa ang nanay nito. "Hindi ba nakakahiya rin sa may ari ng bahay?"

Nangunot ang noo nito at saglit na natahimik bago muling nagsalita. "Hindi sila sasabay. Kumaen ka muna bago ko sasabihin lahat sayo."

Kahit gusto niyang sabihin agad nito ang gumugulo sa isip niya ay hinayaan niya na lang muna, tutal ay naramdaman din niya ang pagkalam ng sikmura nang makita ang mga pagkaing nakahain.

Tahimik lang si badong habang kumakaen sila samantalang siya ay panakanaka ang pagsulyap dito. napansin niyang parang malalim ang iniisip nito at panay ang sulyap sa cellphone... sa mamahalin nitong cellphone.

Kating kati na talaga siyang tanungin ito kung bakit may mamahaling cellphone ito. Hehe.

Pagkatapos nilang kumaen ay sinabihan siya nito na sumunod para makapag usap sila. dinala siya nito sa isang silid na maraming libro na nakahanay sa mga malalaking shelves. Naupo siya sa sofa at umupo naman ito sa tapat niya.

Ilang minuto pa ang namayaning katahimikan bago ito nagsalita.

"I'm sorry,"

Nangunot ang noo niya at hindi mapigilang makaramdam ng kaba. "Para saan? Hindi ko kasi maintindihan badong, ang dami kong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa."

"Jamie, nagsinungaling ako... I'm not what you think I am."

"H-huh?"

"Hindi ko nanay yung kanina. Mayordoma siya dito."

"Nakuha ko ang punto mo, badong. Siya yung umampon sayo na itinuring mong nanay kaya ka nandito?"

"No, hindi yun. Naalala mo ba yung sinabi kong gusto akong mag-asawa agad ni lolo? Ang totoo niyan, gusto niya na simple lang ang mapangasawa ko kaya naman inilagay niya ako sa mahirap na buhay para makahanap ng kagaya mo. Hindi totoong mahirap ako jamie, yung babae kanina, mayordoma namin siya dito sa bahay at hindi nanay ko. My grandpa own this. Ito talaga ang bahay ko."

Saglit na natahimik siya at pilit inintindi ang mga bagay na sinabi nito. Mahirap...mayaman, hindi ito mahirap kundi mayaman.

Sa unti-unting paglinaw ng mga bagay sa kanya ay nanlalaki ang mata niyang napatingin dito.

"I-ikaw mayaman?...itong bahay sayo? T-totoo? Hindi ka nagbibiro?"

Umiling ito at ngumiti ng bahagya. "Sana hindi ka magalit sa akin dahil naglihim a---"

"SIRA KA BA?" Putol niya dito. "Bakit ako magagalit? Grabeh! Oo aaminin ko, hindi ito kapani-paniwala pero grabe! Mayaman ka nga talaga?"

Tango ulit ang sagot nito.

Natahimik ulit siya at pinakatitigan ang kasintahan... kaya pala, kaya pala iba ang dating nito sa mga dukhang nakakasalamuha niya dahil hindi talaga ito mahirap.

Pero iba rin ang trip neto at ng lolo nito. Magpapanggap na mahirap para lang makahanap ng babaeng magkakagusto... at siya nga ang maswerteng iyon.

Pakiramdam niya tuloy ay para lamang siyang bida sa isang pelikula kung saan makakatagpo ng kanyang prince charming. Napakaswerte niya.

Tumayo siya at lumapit sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Sinagot kita kasi gusto kita, at ngayon mahal na nga kita ay hindi mahalaga sa akin kahit ano pa man ang estado mo." Mula sa puso na turan niya.

Totoong noong una ay mahalaga ang estado ng buhay sa kanya. pero nung makilala niya si badong ay nawala sa isipan niya iyon. gusto niyang umunlad sa buhay kasama ito. pero ngayon ngang nalaman niyang mayaman pala talaga ito ay lalo siyang namangha dito, dahil hindi estado ng buhay ang hanap nito kundi tunay na pagmamahal na kaya niyang ibigay.

***

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!