chapter 34 (last chapter)

11.7K 232 18

***

"Nay! Halika na po baba ka na. Ang daming pagkaen sa baba."

"Mira, dahan dahan naman anak. Baka mapano ka sa kakalikot mo."

Naglililikot pa rin ito kahit sinuway niya na. Ngayon lang ito tuwang tuwa at tila di mapakali. Ngayon kasi ang kaarawan nito at celebration na rin ng successful operation nito. Maraming inihanda si Lavender para sa anak nila. Tutol sana siya sa magarbong handaan dahil nakakahiya rito pero ito na rin mismo ang nag-pumilit sa kanya. Naalala pa niya ang mga pag-uusap nila.

"Jamie, para sa anak natin to. Alam kong matutuwa si Mira sa gagawin natin."

"Hindi ba nakakahiya na sa'yo? Pati sa asawa mo."

"Anak ko si Mira. Lahat ng kaya kong ibigay ay ibibigay ko para sa kanya." Ngumiti ito at ginagap ang kamay niya. "At wala nang magagawa si Monique sa mga desisyon ko. Napagkasunduan na namin na mag-hiwalay."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang katotohanang naghiwalay na ito at ang asawa. Kung anong dahilan ng paghihiwalay ng mga ito ay hindi na nabanggit sa kanya ni Lavender. Hindi na rin siya nagtanong.

Kaya ba iba na ang pakikitungo nito sa kanya?

Napailing siya. Ayaw niya nang bigyan ng kahulugan ang mga pinapakita nito sa kanya.

Inaayos pa niya ang damit ng anak ng may kumatok sa pintuan. Ang anak pa niya mismo ang nagbukas at pumasok si Lavender.

Napaka pormal nito sa suot na suit at napaka gwapo ring tignan. Kung hindi pa siguro siya inayusan ng kinuha nitong stylist gawa na rin ng kagustuhan nito ay mahihiya talaga siyang dumikit sa mag-ama niya.

"Tay! Excited na po ako."

Agad itong kinalong ni Lavender at hinalikan sa pisngi. Napahagikgik naman ang anak nila.

"Talaga? Pinaghandaan talaga ito ni tatay para sayo."

"Tay, sana po marami pong ice cream. Gusto ko nun e."

"Hindi lang yun, anak. Teka lang bibigay muna ni tatay ang regalo niya." Binaba nito si Mira at may dinukot sa bulsa. Hindi agad nito pinakita ang hawak at inilahad sa anak ang dalawang kamay na nakasarado. "Hulaan mo anak kung nasaan dito ang regalo. Kapag nagkamali ka, kiss mo dapat si tatay."

Tuwang tuwa naman ang anak na namili. Tinuro nito ang kaliwang kamao ni Lavender at nang buksan nito ay walang iyon.

"Wala po." Ngumuso ang anak.

"Pano ba yan, kiss na dali." Hinalikan agad ni Mira si Lavender sa pisngi at agad na pinabuksan ang isang kamay.

"Wala rin po tay! andaya mo po." Reklamo nito ng wala rin laman ang isa.

"Ha? Bakit nawala?" Umarte itong may hinahanap. "Teka kaya naman pala nawala, nasayo e." May kinuha ito kunwari sa tenga ng bata at pag bukas ng palad nito ay bumungad sa kanila ang isang kwintas na may dolphin shape. "Ayan oh."

Nagulat pa ang anak at hinawakan ang tenga. Nagtataka kung paano napunta iyon doon.

"Paano po napunta sa tenga ko? Paano po yun nangyari?"

"Magic tawag dun anak. Magaling tatay mo e. Kiss pa nga ulit."

Natawa na lang siya sa paglalambingan ng dalawa. Agad din isinuot ni Lavender ang kwintas sa anak nila bago tumingin sa kanya.

"Let's go?"

Tumango lang siya at nahihiyang lumapit sa mag-ama niya. Ngumiti ito at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya at iniipit iyon sa kanyang tenga.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!