chapter 29

8.7K 224 6

***

Hindi lubos maisip ni Jamie na darating ang pagkakataon na makakasama nila ng anak si Lavender sa ganitong paraan. Kahit na nakilala niya ito dati bilang mahirap, alam niya naman kung gaano ito kayaman. At hindi niya maisip kung paano ito magtitinda.

"Tay, ito po, bente singko, tapos ito naman po, kwarenta." Paliwanag ni Mira sa ama habang pinapakita ang mga paninda nilang souvenir item.

Tutok na tutok naman si Lavender sa itinuturo ng anak. Napapangiti pa ito pag nagkakamali ang anak at magtatanong sa kanya kung tama ba ang tinuturo. Iyon lang ang pagkakataon na magkakatinginan sila ni Lavender pero siya rin ang unang umiiwas ng tingin.

"Nay, magtitinda na po kami ni tatay." Paalam ng anak habang hawak sa kamay si Lavender.

Napatayo siya sa kanilang pwesto at hinarap ang mga ito. "Hindi mo naman kailangan gawin ito." Sabi niya kaya Lavender.

"Pero gusto ko." Nginitian nito ang anak na nakatingin sa kanilang dalawa. "Hayaan mo nalang ako, Jamie."

Nag-iwas siya ng tingin ng makita ang malamlam nitong mga mata. "Bahala ka."

Agad siyang bumalik sa pwesto ng kanyang mga paninda at hinayaan ang mag-ama sa paglalako. Magkahawak kamay pang umalis ang mga ito.

Napabuntong hininga siya. Sana hindi dumating ang pagkakataon na bigla na lang iwan ni Lavender si Mira dahil ayaw na nito.

***

"Pogi, magkano yan?"

Napalingon si Lavender sa kanyang likuran ng may kumalbit sa kanya. Pagkakita niya ay dalawang babae na naka bikini lang ang nasa harap niya.

What was he expecting? After all they are in the beach.

"Magkano?" Tanong ulit nito at tinuro ang hawak niyang mga paninda.

"Ahh, bente lang."

"Tay, bente singko po."

Sumulpot ang anak niya sa kanyang likuran at naka pameywang pa habang nakatingin sa kanilang matatanda.

"Oo nga pala, bente singko."

"Anak mo?" Tanong ng isa. "Akala ko pa naman single ka pa. Sayang." She chuckled.

He mentally shook his head. Mga babae talaga. Makakita lang ng gwapo, akala mo mauubusan.

"Oo, anak ko."

"Nasaan ang nanay? Baka wala pang nanay? Pwede kaming mag-apply." The other one said.

"May nanay po ako! Mas maganda pa sa inyo. Tsaka mahal siya ng tatay ko. Diba tay?" Binalingan siya ng anak. Nakanguso pa ito habang nag-hihintay ng isasagot niya.

Hindi agad siya nakasagot. Natulala bigla. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin sa anak? Na mahal niya pa ang nanay nito kahit hindi na?

Hindi na diba? Tanong niya sa sarili.

"Tay?"

Tumawa ang isa sa mga babae. "Alam mo, ne. Minsan talaga kahit nagsasama ang mga magulang, hindi ibig sabihin na mahal pa nila ang isa't isa."

"What are you saying to her?" Hindi niya na mapigilang mapikon sa dalawang babaeng ito.

"Wow! Inglesero na tindero. Taray." Palatak ng isa.

Kung legal lang manapak ng mga babae ay baka kanina niya pa nagawa.

Yayayain niya na sana ang anak na umalis ng unahan siya nito sa paglalakad.

"Mira!" Tawag niya rito pero hindi man lang siya nilingon. Hindi niya na pinansin ang dalawang babae. "Anak!"

Tumakbo ito at biglang lumusot sa eskinita. Kinabahan siya. Hinabol niya ito pero biglang nawala sa paninin niya. Naloko na! He knew she's a smart kid. Kabisado nito ang lugar kahit mag-isa lang ay tiyak na hindi maliligaw. Pero ang kinakatakot niya ay baka kung may mangyaring ano dito.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!