chapter 18

7.5K 232 24

I do appreciate your votes and comments...keep them coming. :) happy 1k reads!

***

TUWANG tuwa si Mira habang pinagkukumpol ang mga batong naipon nito mula sa mga nakatambak sa tabi ng fountain sa pinagtatrabahuan ng nanaya niya.

Hapon na at dahil kakatapos lang nito kumaen ng tinapay na bigay ng nanay niya ay naisipan niya munang mag-ikot ikot sa paligid. Sa murang isip ay malawak na ang pang-unawa ni Mira sa mga bagay bagay. Kaya naman alam niya na kapag nahuli siya ng boss ng nanay niya ni si Ma'am Ven ay malalagot ang nanay niya. Kaya naman mapagmasid siya sa paligid at sinisigurong hindi makakasalubong ang masungit na matanda. Minsan niya nang nakita ito at takot siya dito dahil sa taas ng ginuhit na kilay nito kapag nagagalit.

Nasa likurang bahagi si Mira ng resort kung saan puro mga halaman ang nasa paligid. Alam niyang madalang lang ang mga pumupunta roon at mas malabong magawi ang kinatatakutang si Ma'am Ven.

Kinuha nito ang putol na krayola mula sa maliit na bag na laging nakasukbit sa katawan. Dinampot rin niya ang isang bato at ginuhitan ng mukha bago ipinatong iyon sa mga nakakumpol na mga bato. Ganun din ang ginawa niya sa tatlo pang mga bato. Ayan na at kumpleto na ang mga laruan niyang tao-tauhan na nakalagay sa bahay na bato na gawa niya. Kahit kailan ay hindi pa siya nakahawak ng isang manika kaya naman bukod sa bagong tsinelas ay nag-iipon din siya para sa isang manika.

"Anong ginagawa mo?"

Dumako ang bilugang mga mata nito sa pinagmulan ng boses at nakita ang isang bata na nakatingin sa kanya. Base sa tangkad nito, paniguradong mas matanda ito sa kanya.

Pinunasan nito muna ang pawis gamit ang gusutang damit bago binalik ang atensyon sa mga laruang ginawa. "Naglalaro." Simpleng sagot nito at sinubukan pang takpan ang ginagawa mula sa paningin ng batang lalake.

"Ng bato? Weird."

Hindi na nito pinansin ang batang lalake at nagtuloy lang sa ginagawa. Kung ano anong imahinasyon ang ginagawa nito sa isip para mapaganda ang imahe ng mga laruan at hindi lamang mukhang simpleng bato.

Nawala lang ito sa pokus ng ginagawa ng masira ang bahay na bato na ginawa ng may bumato doon at ang tanging may kagagawan ay ang batang lalake na may malaki nang ngisi sa mukha.

"Bakit mo ginawa yon?!" Bulyaw nito sa lalake sabay tayo.

"Eh ang panget naman kasi ng nilalaro mo. Kaya sinira ko." Mapangasar na sagot ng lalake na parang walang pakealam na naiiyak na ang batang babae sa harap niya.

"Hindi naman ikaw ang gumawa ah! Pinaghirapan ko yun tapos sinira mo!" Naluluhang turan ni Mira. "Isusumbong kita sa nanay ko!"

"Magsumbong ka. Sumbong din kita sa mommy ko eh. Kami kaya may-ari ng lugar na ito." Pagmamayabang ng batang lalake.

Hindi naniwala si Mira sa sinabi nito.

"Lagot ka sa nanay ko! Kapag nalaman niyang inaway mo ako papakulong ka niya. Pati kay lolo ko susumbong kita! puputulin niya kamay mo kasi masama ka." Nag-isip pa ito ng sasabihin sa mayabang na lalake ng may sumulpot pa na isang bata na kamukha din nito.

"June, mom is looking for you." Napatingin ang bagong dating kay Mira bago muling ibinalik ang tingin sa mapang-asar na kapatid. "What did you do?"

Nagkibit balikat lang ang batang lalake bago ginulo ang buhok ni Mira. "Naglalaro lang kami, diba bata?"

Tinapik nito agad ang kamay ng lalake na nasa ulo niya. Nakakainis ito at talagang isusumbong niya ito sa nanay niya. "Lagot ka talaga sa nanay ko!"

"I'm going to tell mom." Sabi ng isa na mapagtanto na may inaway na naman ang kapatid.

"Tsk, sumbungero ka talaga. Tara na nga." Naunang naglakad ang mayabang na lalake. Naiwan naman ang isa na kamukha nito at nakatingin kay Mira.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!