chapter 33

9.8K 266 11

***

Mula nang nagising si Mira ay naramdaman ni Jamie ang pagbago ng pakikitungo ni Lavender sa kanya. Hindi siya manhid at hindi na siya tanga kaya naman hindi rin siya mapalagay sa pinapakita nito.

Ngayon ang araw ng labas ni Mira at maganda naman ang resulta ng operasyon. Pero kailangan pa rin nila mag-ingat sa kalagayan ni ng anak.

Kagaya ng sinabi ni Lavender ay sa bahay na nito sila titira. Hindi siya kumontra, ayaw niya nang bigyan ng sakit ang anak niya. Alam niyang masaya ito sa naging desisyon ni Lavender. Kaya naman ito at nag-eempake na sila para makauwi sa mansyon.

"Ayos lang ba kay Monique na tumira kami sa inyo?" Hindi niya mapigilang itanong. Naalala niya pa rin kasi ang mga narinig niya rito.

Natigilan ito saglit at bahagyang ngumiti. "Don't worry about her. Ayos lang naman."

Hindi na rin siya nagtanong pa. Ayaw niya naman pangunahan ang desisyon nito. Malaki din naman ang naitulong nito sa kanila ng anak. Isasang tabi niya muna ang nararamdaman para sa anak.

Mula sa hospital ay dumiretso na sila sa bahay nito. Binati naman agad sila ng lolo nito na tuwang tuwa nang makita si Mira.

"Aba't ang apo ko napakalaki na. Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan, saan ka ba galing? Ang tagal na kitang hinihintay."

Napakamot na lang ng ulo si Lavender. Dala marahil ng katandaan at sakit ay humihina na ang memorya nito.

Napatingin naman sa kanya ang matanda. "Mabuti at sinama mo na rin ang asawa mo."

Tumingin siya sa kanyang likuran, baka kasi nasa likod niya lang si Monique, pero wala naman ito. Itatama niya sana ito pero sinabihan na siya ni Lavender.

"Hayaan mo na si Gran. Makakalimutan din niya ang sinabi mamaya."

Napatango na lang siya. Hinatid sila nito sa kanilang kwarto at pinagpahinga na ang anak dahil baka mapagod ulit ito. Kailangan pa rin kasi nila i-monitor ang kalagayan nito. Mabuti na ang sigurado.

Normal naman ang araw na iyon, masaya naman ang kanyang anak pero hindi pa ito nakakapag laro dahil na rin kalalabas lang nito ng hospital. Samantalang sila ni Lavender ay madalang lang mag-pansinan. Hindi niya rin nakita buong araw ang asawa nito. Marahil ay may pinuntahan o baka iniiwasan silang makita. Hindi niya alam. Kung alin man sa dalawa ay hinayaan niya na lamang at hindi na nagtanong pa.

Tatlong beses siyang kumatok sa pintuan ng kwarto nila ni Mira. Nasa loob kasi si Lavender kasama ito. Gusto daw nito na ito ang magpatulog kay Mira. Pinagbigyan niya na lang. Marami nang naitulong ito sa kanila, sapat na iyon para hindi siya magmatigas dito.

"Come in."

Parehong nakahiga ang dalawa sa kama. Nakahiga sa braso ni Lavender si Mira habang mahimbing ng natutulog. Magkahawig talaga ang dalawa. Hindi mapag kakailang mag ama.

"Nakatulog na habang nagkikwento ako." Paliwanag nito at dahan dahan umupo sa kama habang inaalalayan ang ulo ng anak.

"Magpahinga ka na rin. Ako na ang bahala kay Mira." Nilapitan niya ang mga ito at inalalayan ang anak para makahiga ng maayos.

Hindi agad ito kumilos kaya tinignan niya ito, sakto naman nakatingin din ito sa kanya.

"Pwede bang dito muna ako ngayon matulog?"

Natigilan siya. Gusto nitong makatabi ang anak nila? Ni isang beses ay hindi pa naman nito nakatabi si Mira. Siguro ay hindi naman masamang pagbigyan ito.

"Sige, sa kabilang kwarto na lang ako matutulog." Paalam niya rito.

"Jamie," Pigil nito sa kamay niya. "Pwede ka naman dito matulog."

"Pero---"

"Please? Baka hanapin ka rin ni Mira pag nagising."

Tama ito. Minsan kasi ay nagigising si Mira at hinahanap siya madalas. Wala na siyang nagawa kaya pumayag na lang. Malaki naman ang kama at hindi naman sila magtatabi dahil nasa gitna nila ang anak. Hindi nga lang siya mapakali na nasa iisang kama lang sila ngayon at parang isang buong pamilya talaga.

Tahimik ito, maging siya. Akala niya nga ay tulog na ito. Pero nahigit niya ang hininga ng pag lingon niya ay nakita niyang nakatingin sa kanya ito. Sa lalim ng titig nito sa kanya ay siya na mismo ang nag-iwas ng tingin dito.

Katahimikan ulit bago ito nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit ganun ang kasunduan namin ni Lolo noon?"

Kasunduan? Ang kasunduan na dahilan kung bakit sila nagkakilala.

"Si daddy... pinakasalan lang siya ng nanay ko dahil sa pera. Hindi totoong namatay sa aksidente ang parents ko. The truth is, after akong ipinanganak ng nanay ko ay iniwan na lang ako sa daddy ko ng walang paliwanag. She just left without explanation. Ang masakit pa ay tinangay niya ang mga pera ni daddy." Bumuntong hininga ito bago muling mag-salita. "My dad was devastated. So sobrang galit niya sa nanay ko ay nilulong niya ang sarili sa alak... at droga."

Napasinghap siya sa nalaman. Tinignan niya ito at nakita niyang nakapikit ito at tila inaalis ang sakit na nararamdaman.

"He died because of drug overdose. Naulila ako ng maaga dahil sa nangyare. Si Granpa lang ang tanging pamilya ko na nagpalaki sa akin. Kahit siya ay galit sa nanay ko. That's why he made that deal to me. Ayaw niyang matulad ako sa daddy ko na naloko ng babae dahil sa pera...Nagalit ako sayo Jamie dahil akalo ko ay katulad ka ng nanay ko. Na kagaya niya ay nagustuhan mo lang ako dahil sa pera."

"Alam mong nagustuhan na kita hindi ko pa alam na mayaman ka." Sa wakas ay nasabi niya rito.

"I know. And I'm stupid for not believing you. Natakot lang ako, Jamie. I don't want to suffer like how my dad suffered. Ayaw kong maramdaman ang sakit na naramdaman niya... pero hindi ko man lang naisip ang sakit na mararamdaman mo. I was mad, Jamie. I was mad because I thought you were lying just to get me. Lalo na na may sakit ako at malabong mangyari ang sinasabi mo noon na nabuntis kita."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito at tuminin sa anak nila.

"But then Miracle came. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng malaman kong anak ko siya, na nag ka-anak pa ako. Kung hindi lang ako nilamon ng takot ko noon ay hindi kita hahayaang umalis ng araw na iyon... sana inalam ko muna ang totoo bago kita pinagtabuyan. I'm so stupid, Jamie. I'm so sorry."

Naramdaman niya na lang ang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata. Kung sana nga ay ginawa nito iyon noon, na sana ay inalam muna nito ang totoo. Pero nangyari na, hindi na nila mababago ang nakaraan. Marami rin siyang natutunan dahil sa nangyari sa kanilang dalawa.

"Hindi lang pera ang nagustuhan ko sa'yo, minahal ko si badong bago ko pa nakilala si Lavender. Sa kanya ko nakita kung paano pahalagahan ang mga bagay na kung anong meron lang ako... na dapat pahalagahan ko ang mga bagay na kung anong meron ako. Na kahit mahirap lang ako ay pwede pa rin akong sumaya sa simpleng paraan lang."

Pinunasan nito ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mga mata.

"Mahal mo pa ba si Badong?"

Napatingin siya rito at pilit binabasa ang isipan nito. Tama ba na tinatanong pa siya nito kung mahal pa niya ito?

Ngumiti ito ng puno ng sinseredad ang mukha.

"Kasi ikaw, Jamie... mahal ka pa daw ni Badong."

***

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!