chapter 3

9.4K 220 10

***

Hindi alam ni Jamie kung anong pumasok sa isip niya at inimbitahan pa ang gwapong dukha niyang kapitbahay na sabayan siyang kumaen. Basta nasabi niya na lang bigla. Panget naman siguro kung babawiin niya diba? isa pa, tinanggap naman nito ang alok niya.

Kaya ito sila ngayon, nagsisiksikan sa maliit niyang bahay.

Gusto niya sanang humingi ng paumanhin dito dahil maliit lang ang bahay niya, pero naalala niyang parehas lang naman silang dalawa na maliit ang tinitirhan.

"Ok ka lang ba diyan?" tanong niya dito.

"Oo naman. Salamat nga pala sa pag-imbita ha? hindi pa kasi ako kumakaen dahil kakagaling ko lang sa trabaho." Turan nito.

Nginitian niya ito. "Naku, okay lang iyon. saan ka nga pala nagtatrabaho?"

"Diyan sa tinatayong resort. Construction worker. ikaw ba?"

Ang gwapo namang construction worker na ito. sa isip niya. Hindi nga siya mag tataka kung model ang sinabi nitong trabaho.

"Malapait lang din doon. sa karindirya ng tiya ko." inilapag niya na sa maliit na mesa ang mga pagkaing dala. Inabutan niya ito ng pinggan.

"Ganun ba. Masarap ka sigurong magluto?"

"Naku, hindi naman. si tiya talaga ang masarap magluto." Pero masarap ako magmahal. Dugtong niya sana.

Ano ba yan. kung ano-ano tuloy ang naiisip niya.

"Wala ka bang kutsara?" Tanong nito ng nagumpisa na siyang kumaen ng naka kamay.

"Kutsara? Mag kamay ka na lang."

Alinlangan na tumingin ito sa pagkaen bago nagsimulang kamayin iyon. parang gusto niya tuloy matawa sa itsura nito habang sinusubukang isubo ang pagkaen. Daig pa nito ang mayayaman na hindi marunong mag kamay.

"Ano ka ba. hindi ka ba marunong mag kamay?"

Umiling ito.

Tsk. Ibang klaseng dukha naman pala ito. ni hindi marunong mag kamay?

"Napakadali lang naman mag kamay. ganito oh." Kumuha siya ng pagkaen sa plato nito at pinakita kung pano gawin iyon. itinapat niya sa mukha nito ang kamay niyang may pagkaen. "Oh."

Hindi niya alam kung na amaze ba ito sa ginawa niya dahil nakita niyang kumislap ang mga mata nito bago binuka ang bibig para tanggapin ang alok niya.

Dumikit ang kamay niya sa malambot na labi nito at pakiramdam niya ay may kakaibang kuryente na hatid iyon sa kanya. Agad na binawi niya ang kamay at tinuloy na ulit ang kinakaen.

"Kaya mo na yan." sabi niya dito at nag-iwas ng tingin dahil nakatingin lang ito sa kanya.

Ngumiti pa ito bago nag-umpisa nang kumaen. Hirap man ito ay nakakaen na din. May mga kutsara naman siya, tamad nga lang siyang kunin at hayaan lang ito na kumaen na naka kamay.

"Salamat jamie, ha. Nag-enjoy ako sa kwentuhan natin." sabi ni badong na nasa harap na ng pinto niya.

Pagkatapos kasi nila kumaen ay nag kwentuhan pa sila. Napag alaman niyang ulila na pala ito at tanging ang lolo lang nito ang natirang kamag anak na nasa ibang lugar. naawa tuloy siya para dito. kaya siguro nag hirap ito ay dahil walang pamilyang sumusuporta dito.

"Naku, ok lang. At least nga may kakwentuhan ako kahit papano."

"Sige, matutulog na ako." Paalam nito. "Sa susunod ulit. katukin mo na lang ako pag may kailangan ka."

"Sige bye."

Isang ngiti ulit ang binigay nito bago pumasok sa katabing bahay niya. Pagkasara niya ng pinto ay di niya mapigilang mapangiti rin.

Grabe! tunay nga na gwapo talaga ang kanyang kapit bahay! Hindi na siya magtataka kung madaming pumapatol dito kahit mahirap lang.

Pero pano kaya kung yayain din siya nito? este, magpakita ng motibo ito sa kanya?

Papatulan niya kaya?

***

"Good morning."

Muntikan na siyang mapalundag sa gulat ng marinig ang baritonong boses na iyon sa likuran. Papaalis na sana siya ng bahay.

Nilingon niya ang nagsalita at nakita si badong na nakatayo sa harap niya na may malawak na ngiti.

"Oh, good morning din. paalis ka na?"

Tumango ito. "Oo, sabay na tayo?"

Sila sabay? Maganda atang ideya iyon. pero... napatingin siya sa tabi nito na kung nasaan ang bike na kinakalawang na.

Wag nitong sabihin na isasakay siya nito? wag naman sana.

"Tara?" Tanon nito at nag umpisa nang maglakad habang inaalalayan ang kinakalawang na bike. hindi na siya magtataka kung mag baklasan ang mga parte nito sa sobrang kalawang.

"Ahh, sige." Agad na sumunod siya dito.

Wala naman masama kung sasabay siya dito diba? sasabay lang naman. Tsaka isa pa, gwapo naman ito, minus the cheap porma lang at kalawangin na bike.

Kung mayaman lang ito hindi siya magdadalawang isip na sumama dito kahit saan pa nito gusto.

"Doon na lang siguro ako kakaen sa karindirya ng tiya mo mamayang tanghalian. Nagustuhan ko kasi yung luto niya."

"Talaga? Matutuwa yun si tiya kapag may dumagdag na naman na poging costumer sa karindirya niya." Walang prenong sabi niya dito.

Narinig niyang tumawa ito. "Talaga? So, pogi ako?"

Nginusuan niya ito. "Aba't gustong gusto mo namang sinasabihan kang gwapo?" Sakay niya dito.

"Totoo naman. andami kayang nagsasabi sa akin na gwapo ako."

Alam niya naman iyon. Madalas nga niyang naririnig sa mga nakaka sama nitong babae.

"oo na. Lakas ng confidence level eh. oh siya, dito na lang ako." paalam niya ng makarating na sila sa karindirya. Nakita niya na din naghahanda ang tiyahin niya.

"Sige, jamie. Dadaan ako dito mamaya para makita ka ulit."

"Huh?" hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil sa pagtawag ng tiya niya sa kanya. "Sige, mamaya na lang ha."

Nagmamadaling iniwan niya na ito at pumunta sa tiyahin niya. Baka kumatak na naman kasi ang tiyahin niya kapag natagalan siya.

"Sino ba iyong kasama mo, Jamie?" Tanong ng tiyahin niya. "Aba't ke aga aga, kumekerengkeng ka."

"Tiya naman, si badong po iyon kapitbahay ko. nakisabay lang sa paglalakad. sa pinapatayong resort lang kasi siya nagtatrabaho."

"Tandaan mo, wag kang magpapabuntis sa kung sino sino ha." Patuloy pa din ng tiya niya. "Yung nanay mo doon sa prubinsya ay naghihirap. Gamitin mo yang ganda mo para makabingwit ng mayaman."

Napa-iling na lang siya sa sarili. kahit hindi naman kasi nito ipaalala ang bagay na iyon ay ganun naman talaga ang gagawin niya.

hindi naman importante sa kanya si badong. Hindi naman diba?

***

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!