Chapter 12

6.9K 157 18

***

HINDI agad nakapag salita si Lavender ng bumungad sa harapan niyang ang nakangiting si Jamie. Hindi niya inaasahan ang magiging itsura nito. She looks stunning. But the thing is, this is not what he wants.

"Bakit iba ang suot mo?" Tanong niya rito ng makitang hindi nito suot ang damit na binili niya. Napaka sexy ng suot nito at mahihiya ang ordinaryong tao na tumabi dito sa laki ng mga bato ng alahas na suot nito. kaya pala malaki ang nabawas sa credit card niya.

"Eh, di bagay sa mga alahas ko yun eh, ok naman suot ko diba?" umikot pa ito para ipakita ang kabuuan ng suot.

"Tara na. baka mahuli pa tayo." Pag-iiba niya ng usapan. Baka kasi pag sinabi niyang magpalit ito ay magalit pa sa kanya. mukha pa namang gustong gusto nito ang suot.

Tahimik lang silang dalawa buong biyahe. Malalim ang iniisip niya at mukhang ganoon din ito.

Nang makarating sila sa bahay ng mga Aldeguer ay nakita pa niyang napanganga si Jamie sa laki ng bahay.

"Wow, ang laki naman ng bahay ng kaibigan mo. May regalo ba tayo para sa anak ng kaibigan mo?"

"May binili na ako."

"Hmm." Kumapit ito sa may braso niya at dumiretso na sila sa loob.

Simpleng party lang naman ang magaganap kaya kahit siya ay naka long sleeves at jeans lang. Alam niya naman kasi si Nammie. Hindi ito mahilig sa party maski si zeke. Tiyak na kakaunti lang din ang mga bisita.

"Bro, buti naka punta ka." Salubong ni Zeke sa kanya. Napatingin ito kay Jamie. "Is she your date today?"

Hindi pa nga pala niya naipapakilala sa mga kaibigan bukod kay Zion si Jamie. Pero mabuti na nga lang sigurong ganun.

"Yeah," simpleng sagot niya. "Nasaan sila?"

"Nasa dining Area na. Come on. Matutuwa yung mga anak ko na makita ka, may utang ka pang regalo sa kanila noong birthday nila."

Nang makarating sa dining Area ay sinalubong agad sila ng mga ingay ng mga bata.

"Mom! Ayaw ibigay ni june yung toy ko! Akin yun eh, bigay ni tito pogi."

"June." Saway ng asawa ni Zeke na si Nammie sa mga anak nito. karga nito ang baby na tulog at hindi alintana ang ingay na gawa ng mga kapatid nito. "Ibigay mo na. mag aaway na naman kayo."

"Eh mom, sa akin binigay ito eh. Kinuha niya lang kasi gusto niya rin. He always wants what's mine." Reklamo ni june na inilayo talaga ang laruang kotse sa kapatid.

Napangiti tuloy siya. He just loves kids. unfortunately---

Napatingin siya sa baba ng may kumalabit sa kanya. Nakita niyang nakatingala ang isa sa triplets sa kanya. This is probably August.

"Bless po." Magalang na sabi nito at nagmano sa kanya pati na rin kay Jamie.

"Lavender, your here." Ngayon lang siya napansin ni Nam. Agad itong lumapit sa kanya at nakipag beso. "Sorry about the kids. nag-uumpisa na naman eh."

"Nothing to worry." He smiled at her.

"Bro!" Tawag ni Zion nang makita siya. binati niya na rin ito pati si yeoji na abala sa cellphone. Workaholic as ever.

Masayang nakipag kwentuhan siya sa mga kaibigan niya. Sa sobrang abala nilang apat sa mga trabaho at personal na buhay ay minsan lang silala nabibigayan ng pagkakataon na ma magsama sama ulit ng ganito.

He's too engrossed talking to his friends that he forget about her.

***

ISA lang ang nararamdaman ni Jamie ngayon. Iyon ay ang ma-OP. Ang akala pa naman niya kapag nagbago siya ay hindi siya mahihirapang pakisamahan ang mga kaibigan ni Lavender.

Hindi parin mawala sa isipan niya ang nakitang pagkadismaya sa mukha ni Lavender kanina ng sunduin siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nadismaya ito. Ayos naman siya sa paningin niya. Para nga kay Lavender itong pag aayos niya pero mukhang hindi naman ito na appreciate ang effort niya.

Ikinakasama pa ng loob niya ay hindi man lang siyang ipinakilalang girlfriend. Alam ng mga kaibigan nito ay date lang siya.

Gusto niya sanang itanong kung may problema ba si lavender sa kanya? Kanina pa kaya ito tahimik pagdating sa kanya. Hindi rin naman siya makasingit sa usapan ng mga ito dahil puro business ang pinag-uusapan nila. eh ang alam niya lang naman sa business ay ang pagtitinda sa karindirya. Pakiramdam niya tuloy ay isa lang siyang palamuti sa tabi ni Lavender.

Tapos nakakailang pa dahil siya lang ang overdress. Semi formal lang kasi ang mga suot ng mga ito samantalang siya ay pang grand party ata. Kung pwede nga lang mag palit agad ng damit baka kanina pa niya ginawa. Ni hindi man lang siya na inform ng maayos ni Lavender. Ang akala niya kasi pag party ng mayaman ay party talaga hindi ganitong kainan lang.

Natapos ang kainan at kasayahan ng hindi man lang siya nag enjoy. Akala pa naman niya ay magiging maganda ang gabing ito para sa kanya. Akala niya tuluyan na siyang makakapasok sa mundong ginagalawan ni Lavender, hindi pala. Ibang iba pa rin talaga siya sa mga ito.

Tahimik ulit ang buong biyahe pauwi kagaya ng kanina. Pakiramdam niya talaga may mali.

"Lavender, may problema ba?" hindi niya na maitiis na maitanong. Mas maganda kasi kung maayos na agad ang problema kung meron man habang maliit pa, hindi yung malaki na saka pa lang aayusin.

Sumulyap ito sa kanya pero hindi sinagot ang tanong niya.

Napabuntong hininga na lang siya. Pakiramdam niya ay may tumutusok sa puso niya sa paraan ng pagtrato nito sa kanya.

Gusto niyang malaman kung ano ang gumugulo sa isipan nito. Kung may nagawa ba siyang mali para manlamig ang pakikitungo nito sa kanya? Saan ba siya nag kulang? haay naku! Ang drama niya.

***

"Nay, si Jamie po?" Tanong ni Lavender sa mayordoma nila pagkarating niya sa bahay niya galing trabaho.

Sa totoo lang ay ramdam niya ang pagkakaroon ng harang sa pagitan nilang dalawa. He may be the one causing it but he just can't help himself. Unti unti kasing nawawala ang damdamin niya para kay Jamie. He knows that it's also her fault. Kung hindi lang sana nagiging katulad nito ang mga babaeng kinaaayawan nila ng lolo niya baka hindi niya na pakawalan pa si Jamie.

"Nasa may garden hijo. Naku! pagsabihan mo nga yang kasintahan mo ha. Sumusobra na ang pagiging pala utos at paki alamera sa bahay. Hindi pa naman kayo kasal."

Napatungo na lang siya. Matagal nang naninilbihan ito sa kanila kaya naman parang pamilya na ang turing niya dito. Isa pa, pinalaki siyang hindi tumatanaw sa estado ng buhay ng mga tao. kaya naman ang mga katulong nila ay pinapakisamahan niya. Pero ito ngayon si Jamie. kung umasta ay Amo talaga ang dating.

Gusto niya na talagang kausapin ito at pag sabihan. Hindi na kasi siya natutuwa sa mga pinag gagagawa nito.

Nakita niyang naka higa ito sa may duyan sa garden nila. Ito na rin siguro ang pagkakataon na hinihintay niya para makausap ito at makapag desisyon na.

Tatawagin niya na sana ito ng magsalita ito.

"Hay naku, Nay."

Mukhang may kausap ito sa cellphone.

"Yung sinasabi ko nga sayo lagi diba? Makakatagpo ako ako ng mayaman at mag-aahon sa atin sa hirap.... ikaw talaga nay! Ayaw mo nun? Instant pera? Instant yaman?" tumawa ito.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon base sa narinig niya mula sa kasintahan.

Instant pera, instant yaman?

"Ikaw talaga nay, hindi ka ba bilib sa ganda ng anak mo?... meron na kaya akong nakita.... oo nay, mayaman, gwapo!" Humagikgik pa ito. "Wag kayong mag alala. Pag ikinasal na kami, papapuntahin ko kayo rito..."

Hindi niya na pinakinggan pa ang mga sinasabi nito, malinaw na sa kanya ang lahat. Wala na siyang dapat pang pag isipan. Ginagamit lamang siya ni Jamie para agad na yumaman. ika nga nito, instant pera instant yaman.

Nakakatawang isipin. Siya itong mayaman at may pinag aralan pero naloloko pa. Mapanlinlang talaga ang daigdig.

Hindi niya maitago ang pait sa mukha. Kahit papano ay may nararamdaman siya para kay Jamie... at kahit ayaw niyang maramdaman... nasasaktan siya sa nalaman.

***

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!