chapter 30

9.4K 195 8

Not edited.

***

"Anak, bakit mo naman kasi tinakasan ang tatay mo? Ayan tuloy ang nangyari. Buti na lang ay dumating kami." Kausap ni Jamie ang anak. Kanina pa ito tahimik maging si Lavender na nasa labas ng kanilang bahay.

Sinulyapan muna nito ang pinto ng bahay nila bago tumingin sa kanya.

"Nay, hindi na po ba kayo mahal ni tatay? Kaya po ba matagal siyang nawala sa atin kasi hindi niya tayo mahal? Yung parang sa mga napapanuod ko po sa TV, iniiwan ng tatay ang pamilya niya kasi hindi niya na sila mahal."

Ito na nga ba ang sinasabi niya. Magtatanong at magtatanong talaga ito tungkol sa bagay na iyon.

"Wag kang masyadong nagpapaniwala sa mga napapanood mo anak. Mahal ka ng tatay mo."

"Eh ikaw?"

Natigilan siya at hindi makasagot. Ayaw niyang magsinungaling sa anak. Baka masaktan ito at umasa lang sa bandang huli na mabubuo pa sila samantalang may pamilya na si Lavender.

"Anak..."

"May iba na po bang mahal si tatay?"

"Mira, hindi sa ganun."

"Bakit po bumalik pa siya kung hindi ka naman po niya mahal?"

"Jamie."

Sabay pa silang napatingin ni Mira sa pinto ng pumasok si Lavender. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"I know this is a bad time, pero kailangan kong bumalik sa Manila. Inatake na naman si Gran."

Marahan siyang napatango at tinignan ang anak. Alam niyang malulungkot ito kapag umalis si Lavender, pero wala naman silang magagawa dahil may pamilya rin ito na dapat unahin.

"Jamie..." Tawag ulit nito sa kanya. Bakas sa mukha ang pag-aalangan. "Gusto kong sumama kayo sa akin."

***

"Nay, tignan mo po yun, ang ganda."

Bulong kaw Jamie ng anak na sinamahan pa ng kalbit sa kanya habang tinuturo ang mga naglalakihang building na kanilang dinadaanan papuntang Manila.

Kagaya ng pakiusap ni Lavender na sumama sila rito pabalik ng Manila ay napapayag siya. Kung hindi lang nito binanggit ang lolo nito na may sakit at nakikiusap na makita ang apo sa tuhod. Matagal na daw nitong gusto makita si Mira. Sa katandaan nito ay nag-uulyanin na rin.

Hindi naman ganun kabato ang puso niya para hindi pagbigyan ang matanda.

Napasulyap sa kanila si Lavender na nasa tabi nila. May sarili itong driver na hindi niya na ipinagtataka.

"Wag kang mag-alala anak, ipapasyal kita rito sa Manila." Nakangiti nitong turan.

Para namang napipi ang anak niya at isiniksik ang sarili sa kanya. Kanina pa niya napapansin na hindi nito kinakausap ang ama. Marahil sa isyu pa rin na nangyari. Nagtatampo talaga ito. Wala rin naman siyang magagawa kasi hindi naman talaga siya mahal ni Lavender. Wala nang magbabago roon.

Mukhang napansin ni Lavender ang biglang pananahimik ng anak kaya nawala ang ngiti nito saka napabuntong hininga.

Sa haba ng byahe ay nakatulog na ang anak niya.

"Ako nang bahalang magpaliwanag kay Mira." Basag niya sa katahimikan. Napalingon naman ito sa kanya at mapait na napangiti.

"I'm sorry. I didn't mean to hurt her feelings."

"Naiintindihan ko. Mas maganda na iyon kesa magsinungaling ka sa kanya. Lalo lang siyang aasa na mabubuo pa ang pamilya niya, na imposible nang mangyari ngayon."

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!