Chapter 6

7.8K 192 2

***

"Hoy badong! Andyan na naman yung magandang chicks sa labas at hinahanap ka."

Napalingon si lavender sa kasamahan ng tawagin siya nito. Kahit papaano nasasanay na siya sa binigay sa kanyang 'nickname' ng mga kasamahan sa dating trabaho.

Iba ang ngisi ng mga kasama niya. For sure na tutuksuin na naman siya ng mga ito sa muling pagdalaw ng kanyang girlfriend sa trabaho--si jamie.

Hindi niya mapigilang mapangiti tuwing maaalala ang kasintahan. Unang pagkakataon na nagkaroon siya ng karelasyon. Because he considered all of his past are just flings. Bukod kasi sa wala pa naman siyang siniseryoso ay hindi uso sa kanya ang ligaw. kung hindi pa nga siya binigyan ng deal ng lolo niya ay hindi pa siya makakarating sa ganitong sitwasyon.

But jamie is different. Unang kilala pa lang niya dito ay ramdam niya nang iba ito sa mga babaeng nakilala niya. Masipag, maalaga, maganda at mabait pa. Kaya nga kung sakaling may ipapakilala na siya sa lolo niya ay si jamie na marahil iyon.

Pero syempre, he need to make sure of everything. Dalawang linggo pa lang naman silamg magkasintahan. Kailangan niya munang makasiguro talaga.

"Kanina ka pa?" Tanong niya kay jamie nang puntahan niya ito.

Ngumuso ito bago sumagot. "Opo kanina pa. Iba na nga ang tingin sa akin ng mga tao dito. Pinagdala kita ng pagkaen."

"Wow, yung paborito ko ba yan?"

"Wala nang kare-kare kaya adobo na lang." Inabot nito sa kanya ang supot na dala. "Kumaen kang mabuti ha? Aalis na ako dahil baka hanapin ako ni tiya."

"Baka hindi ka pa kumakaen, sabay na tayo." Nagpa cute pa siya dito para effective. Gustong gusto niya kasi itong kasabay kumaen dahil inaasikaso siya nito madalas. pakiramdam niya nga ay mag-asawa na sila.

"Kumaen na ako. Hinatiran lang talaga kita ng pagkaen dito. Sige dong una na ako."

Akmang tatalikuran na siya nito ng pigilan niya ito sa braso. "Wala bang goodbye kiss?"

Nakita niyang namula ito at pabirong siniko siya. "Ikaw talaga puro kalokohan."

"Goodbye kiss lang para naman ganahan ako sa trabaho." Lumapit pa siya dito at ngumuso.

Nahihiyang tumingin ito sa paligid at lumabi bago lumapit sa kanya at simpleng ginawaran siya ng halik. It was supposed to be just a simple kiss pero hindi niya mapigilan ang sarili na laliman pa ang halik na binibigay sa kasintahan.

Mukhang maging ito ay nadala sa ginawa niya kaya nagpatianod ito. Mabilis lamang silang naghiwalay nang may tumikhim sa kanilang likuran.

"Hoy badong! oras ng trabaho at iba ang inaatupag mo." Bulyaw ng kasamahan niya na kung umasta ay daig pa ang amo niya. This is the time where he wish he's in the right position, not just a mere worker in this construction site. "Balik sa trabaho!" Nanlilisik pa ang mga mata nito pero naging malanding tupa ng tumingin sa babaeng katabi niya na namumula ang mukha dahil sa hiya.

Tumango lang siya at muling nagpaalam sa kasintahan. Ngunit bago bumalik sa trabaho ay may hindi inaasahang tawag siyang natanggap.

"Hello?"

"Iho, umuwi ka muna sa bahay."

"Yes, Gran."

***

"Dong, napapansin ko lang na napapadalas ang pagluwas mo pa maynila." Sambit ni jamie nang puntahan niya ito sa katabing bahay para hatiran ng pagkaen. Kakauwi lang kasi nito galing maynila.

Nag aalangan tumingin ito sa kanya. "Kaylangan sa trabaho kasi... alam mo na, malapit nang matapos ang resort at nangangailangan din ng mga trahabador sa isa pang proyekto sa maynila."

Napatango siya. "Sigurado kang yun lang ang dahilan?"

Nangunoot ang noo nito marahil ay naisip nitong nagdududa siyang iba ang dahilan. "Bakit jamie? iniisip mo bang may pinupuntahan akong iba sa manila?"

Napapalatak siya. "Ano ka ba? hindi ako nag iisip ng ganoon no? Alam ko namang kahit gwapo ka ay hindi basta basta pumapatol ang mga taga maynila sa isang probinsyano. Naisip ko lang kasi na tutal ay nagpupunta ka lang din naman sa maynila ay may ipapabili sana ako sa iyo."

"Ipapabili?"

"Oo, paubos na kasi yung gluta na iniinom ko. Balita ko mas mura sa maynila kesa dito na patong patong na ang presyo."

Saglit na natigilan si badong at napaisip. "Bakit iinom ka pa noon eh maayos naman ang balat mo?"

Haay. Palibhasa ay walang kaalam alam itong si badong sa mga produktong pampaganda. "Eh kasi po kailangan ma maintain ang kutis. Sino na lang papatol sa akin kung pangit ang kutis ko?" Wala sa sariling sagot niya dito.

Lalong nangunot ang noo nito. "Jamie baka nakakalimutan mo na boyfriend mo ako. naghahanap ka pa ba ng ibang papatol sa iyo?" Seryosong turan nito.

Ngayon lang luminaw sa kanya ang nabitawang salita. Ang tanga nga naman! Nakatatak na kasi sa isipan niya na ginagawa niya ang pagpapaganda para makabingwit ng mayamang lalake. Nawala sa isip niya na pumatol na nga pala siya si isang dukha.

"Uyy, ito naman joke lang yun." Sinubukan niyang ayusin ang pagkakamali. "Wala naman akong sinabing naghahanap pa ako ng ibang papatol sa akin."

"Pinatulan kita Jamie dahil gusto kita, dahil mabait ka at masipag hindi dahil sa itsura mo o estado ng buhay mo."

***

"Hoy Jamie, ikaw na bata ka ha! mag ingat ka at baka madisgrasya ka ng maaga." Sermon ng tiya niya ng makita nitong naghihintay na naman si badong sa tapat ng karindirya para sunduin siya. "Naku, hinabilin ka pa naman ng nanay mo sa akin. Sinasabi ko sayo wag kang magpapabuntis lalo na sa isang mahirap. Intindihin mo ang pamilya mo sa probinsya na umaasa pa sayo."

"Tiya naman, alam ko na ho iyon. Isa pa mabait naman si badong at responsable." Pagtatanggol niya kay badong, kahit naman mahirap si bagdong ay gusto niya naman ito at unti unti pang lumalalim iyon sa ipanapakita sa kanya ng lalake. Ang estado lang talaga nito sa buhay ang problema niya.

Wala naman talaga siyang balak magpa buntis lalo na nasa ganitong estado pa siya ng buhay. ayaw niyang maranasan ng magiging anak ang hirap na dinaranas niya.

"Pasensya ka na at natagalan ang pagsasara ni tiya." Paumanhin niya kay badong ng matapos sa trabaho. "Sabi ko naman sayo kahit wag mo na akong sunduin dito eh..."

Napatingin siya sa bisikleta nitong nangangalawang na na dala nito.

"...dapat iniwan mo na lang yang bike sa trabaho mo, nahihirapan ka pa tuloy sa pagsundo sa akin dahil bitbit mo yan."

"Nagagamit ko naman sa trabaho kapag may pinag-uutos ang boss namin."

"Palitan mo na sana kasi nangangalawang na oh. Baka mamaya maaksidente ka pa."

"Uyy concern ang girlfriend ko." Tumawa pa ito saka inakbayan siya habang sabay silang naglalakad. "Nga pala, napag isipan mo na ba yung alok ko?"

Naalala niya ang sinabi nitong pagtira nila sa iisang bahay para pareho silang makatipid.

Sa totoo lang ay napag isipan niya na din ang bagay na iyon. malaki nga ang matitipid niya kung sakaling maninirahan sila sa iisang bubong. Makakaipon na rin siya para sa kapatid niya at mapapapunta ito dito. Kaya kung sakaling maghiwalay sila ni badong at naisipan siyang palayasin nito ay andyan naman ang kapatid niya na makakatulong sa kanya.

Bilib na talaga siya sa sarili niya sa galing ng pag-iisip tungkol sa mga bagay bagay.

"Hmm, kailan mo bang balak lumipat?"

"Sa linggo na sana. hindi na kasi ako nagbayad ng huling renta at pinang downpayment ko na sa lilipatan ko ang pera."

"Sigurado ka na ba na gusto mo akong makasama sa iisang bubong?"

"Basta ika jamie, kahit saan pa yan."

***

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!