Chapter 4

8.9K 219 16


***

"Anak, kamusta ang buhay diyan?"

"Ayos lang naman nay, eto nga po'ng si tiya eh balak kunin si buboy kapagka grumadweyt na sa highschool. Para naman may dagdag katulong daw siya sa pagtitinda , at balak pa atang kumuha ng pwesto sa palengke." Kwento ni Jamie sa nanay niya habang kausap ito sa telephono na nirerentahan niya sa kapitbahay.

"Aba! Maganda iyan, tutal eh gustong gusto na pumunta ng kapatid mo dyan." masayang wika ng inay niya.

"Eh kaso nay, mas maganda kung makapag-aral si buboy sa kolehiyo, pwede naman magtrabaho siya at mag-aral ng sabay kung ayos lang kay tiya, ako na din ang bahala sa mga gastusin niya sa eskwelahan kung sakali."

Isa talaga sa mga pangarap niya ay matulungan na makatapos ang mga kapatid sa pag-aaral.

Rinig niya ang pagbuntong hininga ng nanay niya sa kabilang linya. "Mabuti naman kung ganoon. pasensya ka na anak, kung kinaya ko lang talaga na mapag-aral ka noon sa kolehiyo, eh di sana mas maganda ang trabaho mo ngayon."

Hindi niya maiwasang hindi malungkot. kung ngang nakapagtapos lang siya ng kolehiyo, tiyak na mas maluwang ang buhay nila ngayon at hindi sana siya nagtatrabaho sa karindirya lang.

Hindi niya naman masisisi ang nanay niya dahil kapos talaga sila sa pera noon.

"Wag kayong mag-alala nay, kapag ako nakapag asawa ng mayaman, aalis ko kayo sa putikan." Napahagikhik siya sa sinabi.

"Ikaw talagang bata ka, wag ka munang mag-aasawa ng maaga. Tandaan mong may mga kapatid ka pang umaasa sayo."

"Kaya nga mayaman na ang aasawahin ko para instant pera."

"Hoy jamie! Wag kang magtelebabad diyan," singit ng may ari ng telephono na si aling bebang. "Mamaya ay wala ka na namang pangbayad at umutang ka na naman."

Napanguso siya. "Opo aling bebang! saglit na lang--- Nay, mauna na po ako ha? Sinasaway na ako ni aling bebang. ingat kayo dyan nay, love you. tatawag ulit ako kapag may pera na. bye."

"Sige anak ingat ka diyan---"

Naputol na ang kabilang linya ng hindi man lang natapos ng ina ang sasabihin. napanguso lalo tuloy siya at lihim na inirapan ang matandang babae na nasa harap niya bago inaabot ang bayad dito.

"Hindi pa nga tapos, pinutol na agad." Bulong niya sa sarili habang naglalakad paalis.

"BULAGA!"

"Ayy matandang bakla!" Tili niya ng may mang gulat sa kanya mula sa likuran.

Napalingon siya sa lalaking salarin na tumatawa. Si badong!

"Ano ka ba!" Napalo niya ito sa braso dahilan para mahawakan niya ang matigas na bicep nito. Shet! Parang gusto niya ulit hawakan iyon. "Bakit ka ba nanggugulat?"

"Can't help it, mukha kasing ang lalim ng iniisip mo eh." Turan nito at sumabay sa paglalakad sa kanya.

Muntikan na siyang mamangha nang mag ingles ito. para kasing sanay sa salitang banyaga ang dila nito pero naisip niya din na ang feeling ng badong na ito. Nag E-english samantalang parang bibigay na ang tsinelas nitong tinalian pa ng goma. Napansin niya lang kasi iyon. Tsk.

"Saan ang punta?" tanong nito.

"Sa bayan. May bibilihin lang."

"Talaga? Wow. sakto pala sa bayan din ang punta ko. Sabay na tayo?" Kulang na lang ay kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Tsk. sayang talaga itong si Badong. Gwapo at mukhang masarap... sablay nga lang sa estado ng buhay. Sayang... medyo type niya pa naman, medyo lang.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!