chapter 19

7.6K 177 25

***

"Mira, ikaw ha? Dito ka lang. Mamaya saan ka na naman makarating. Katulad kahapon, ang tagal mo'ng nawala. Saan ka ba talaga pumunta?" Usisa ni Jamie sa anak habang naghahanda para sa trabaho.

"Diyan nga lang po, Nay. Nakipag laro lang po ako."

"Nakipaglaro? Ikaw talaga. Wag kang makikipaglaro kung kani-kanino, mamaya niyan saan saan kayo makarating at mapahamak ka."

"Mabait nga po sila. Tsaka Nay, sila daw po ang may-ari nitong pinapasukan mo." Paliwanag pa ng anak.

Hindi niya na lang pinansin ang sinabi nito. Minsan kasi talaga ay kung ano-ano na ang pinagsasabi nito. Alam niya naman ang mga bata ay malawak ang imahinasyon at kung ano-ano na lang ang iniimbento makuha lang ang atensyon ng mga nakatatanda.

"Basta yung habilin ko sa'yo ha. Wag kang lalabas nitong resort at mag-iingat ka sa mga kinakausap mo. Marami nang masasama ang loob ngayon." Muling paalala niya sa anak bago iniwan ito.

Napaka busy ngayon ng mga tauhan ng resort dahil na rin sa magaganap daw na handaan para sa birthday ng anak ng may-ari. Kaya naman hindi magkanda-ugaga ang lahat para sa paglilinis ng lugar. Doble kayod na nga sila lalo't naguumpisa na rin dumating ang mga bisita.

"Jamie, pinapalinis ng guest yung kwarto nila sa room 306. Puntahan mo na."

"Osige, nga pala, Che, tutal mauuna kang mag break, pakitignan muna si Mira ha? Baka saan na naman magsususuot ang batang iyon mapagalitan na naman ako kay ma'am Ven." Pakiusap niya sa kaibigan.

"Sige ako na bahala. Punta ka na doon sa kwarto, Mukha pa naman nagmamadali yung guest."

"Salamat."

Tulak ang mga gamit panglinis ay nagtungo na siya sa silid na kanyang lilinisin. Paniguradong magiging abala na naman siya ngayong araw. Kailangan niyang magdoble kayod lalo na't kakatawag lang ng kapatid niya at sinabing inatake na naman ng sakit ang nanay niya. Tiyak manganganib na naman ang sasahurin niya nitong katapusan.

"Housekeeping po." Anunsyo niya ng matapat sa pintuan at kumatok ng ilang beses. Wala siyang narinig na sumagot kaya kumatok ulit siya.

"Come in!" Sigaw ng tao sa loob.

Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago pinihit ang seradura ng pinto. Bumungad agad sa paningin niya ang magarbong silid. Paniguradong mayaman ang umuukupa ng silid na ito dahil isa ito sa pinakamahal na kwarto sa resort.

"Just clean up all the mess." Sigaw ng  lalake na sa tingin niya ay nasa silid nito.

Gusto niya sana silipin ang nagmamay-ari ng boses dahil pakiramdam niya ay narinig niya na iyon sa kung saan. Napailing siya. Hindi dapat yun ang inaatupag niya kundi ang mga lilinisin niya. Nakasira sa ganda ng kwarto ang mga nagkalat na can ng beer at ilang bubog na sa tingin niya ay mga nabasag na vase.

Ano kayang nangyari at ganito kakalat ito dito?

Narinig niya ang paggalaw sa loob ng silid kaya naman minadali niya na ang paglilinis nang matapos na siya at maka-alis agad dito.

Nakarinig siya ng pagkalabog bago bumukas ang pintuan ng silid.

"Excuse me, pwedeng pakitulungan mo nga muna ako rito."

Agad niyang binitawan ang hawak na panglinis para sundin ang utos ng guest at nang mag-angat siya ng mukha ay napasinghap siya ng mag tama ang mga mata nila.

Tama ba itong nakikita niya?

Hindi. Hindi pwede ito. Hindi totoo itong nakikita niya sa kanyang harapan.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!