chapter 20

8.1K 186 25

***

"Wait, Do I know you?"

Napasinghap siya ng banggitin ni Zion ang mga katagang iyon lalo na't binibigyan siya nito ng tingin na pilit kinikilala ang mukha niya. Napaiwas siya ng tingin sa mapanuring mga mata nito.

Hindi pwede ito.

"Ah!" Napapitik pa ito sa ere. "Kilala kita eh, teka... oo tama! I remembered. Ikaw yung EX ni Lavender diba?!"

Ngayon ang lahat ng atensyon ng mga ito ay nasa kanila nang dalawa, lalo na sa kanya. Puno ng pagtataka ang mga mata ng mga ito liban na lang kay Lavender na magkahalong inis at isa pang emosyon na mahirap tukuyin.

"Diba tama ako?" Malapad na ngiting tanong ni Zion sa kanya bago tumingin kay Lavender. "Right bro? Diba siya ang ex mo? Teka ano nga kasing pangalan mo?" Tila nag-isip pa ito. "Alam ko iyon eh, wag mong sabihin sa akin, maalala ko rin."

"Zi." Bakas sa boses ni Lavender ang babala. "You must be mistaken."

"Ano ka ba, I know it. Siya lang naman kasi ang pinakilala mong girlfriend mo sa amin kaya naaalala ko pa. Malabong magkamali ako. Hindi mo ba siya natatandaan?"

"Hindi." Madiin ang pagkakasabi nito at hindi man lang siya nito magawang sulyapan. "So stop it. Respect my wife's presence here."

"No offence, Monique. Natuwa lang naman kasi ako na makita ang ex ni Lavender dito."

"I told you she's not my ex."

"S-sir." Sabat niya na bago pa lumala ang sitwasyon. "Baka nagkakamali lang po kayo. Malabo pong ako ang tinutukoy niyo."

"Hindi rin naman kami naniniwala dahil malabong pumatol ang asawa ko sa kagaya mo." Sabi ng asawa ni Lavender na nagngangalang Monique. May disgusto sa mga mata nito na nakatingin sa kanya.

Hindi niya mapigilang manliit sa mga tingin natatanggap niya sa mga ito. Kahit naman siguro alam ni Lavender na siya si Jamie na ang dati nitong kasintahan ay malabo itong umamin dahil nakakahiyang aminin nga naman na pumatol ito sa mababang uri na kagaya niya.

Nagyuko na lang siya ng tingin at pilit iniiwas mapatingin sa kahit sino sa kanila.

"Sure ka bang hindi ikaw iyon?" May pagdududang tanong pa ni Zion. "Kamukha mo talaga siya."

"Hindi po talaga ako yun. Pasensya na po. Alis na po ako kung wala na kayong pag-uutos."

"Sige."

Nagmamadaling umalis siya palayo sa lugar na iyon. Ayaw niyang makita ng mga ito ang sakit na gumuguhit sa kanyang mga mata.

***

"Hon, I think I forgot my sunscreen." Sabi ni Monique sa asawa nang mapansin wala ang pinaka importakteng gamit niya ngayong mag sa-sun bathing siya. She looked at her husband who has been oddly quiet since morning. "Hon?!" Tawag niya rito.

His head snapped at her. "I-I'm sorry, what is it?"

"Wala ka na naman sa sarili mo." Napailing siya bago humiga sa folded bed na nakapwesto malapit sa dagat. Maganda ang sikat ng araw at marami rami rin ang tao sa beach ngayong araw. "I said I forgot my sunscreen. Can you buy me one? Please, hon."

"Sure." Agad na sagot nito.

He's always the 'yes' man to her. Mabait si Lavender sa lahat ng mga lalaking nakilala niya. That's why even though their marriage is purely arrange, she can't help to fall in love with him in the process. At alam niyang mahal din siya nito. Everything is perfect in their married life except for one thing... they can't have a child.

A wall in-between [QS#2]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!