"Milagring, ano ba iyong bibilhin? Mamaya utang na naman yan, bawal na utang sa akin dahil marami pa kayong hindi nababayaran."

Napasimangot ito saka inabot ang dalawang pisong hawak. "Dalawang bangus po. Wag niyo po akong sumbong kay nanay ha?"

"Tsitsirya na naman? Ayy naku, ikaw talagang bata ka." Napailing pa ang matanda bago ibinigay ang binili nito.

"Sige po, solmooot!" Nagkandahaba pa ang nguso nito bago nagmamadaling umalis. Napahinto lang ito nang mapansing sumusunod pa rin siya. "May kailangan po ba kayo?"

Napaisip siya saglit. Hindi niya naman agad pwedeng sabihin dito ang bagay na alam niya. She might get confuse. Mas maganda nang si Jamie muna ang makausap niya tungkol sa bagay na ito. Pero hindi niya pa alam sa ngayon kung papaano niya ito kakausapin.

"Uhm, gusto ko makausap sana ang nanay mo." Palusot niya.

"Wala po si nanay. May trabaho po."

"Kung ganun, sino kasama mo sa bahay?"

"Si Pinay po, tsaka si Carlo."

"Carlo?" He frowned. Kung ganun ay may mga kasama naman pala ito.

"Opo." Saglit na nag-isip ito at akala niya ay aalis na ito pero natuwa siya sa sunod nitong sinabi. "Kung gusto niyo po ay hintayin niyo na lang po si nanay sa bahay. Baka mainip po kayo kung dito kayo maghihintay sa labas."

"Talaga? Pwede?" His grinning from ear to ear. Daig niya pa ang batang nakatanggap ng regalo mula kay santa. Mas malaki pa ang regalo na natanggap niya dahil magkakaroon siya ng pagkakataong makasama si Mira.

"Opo! Tara po!"

Ganun na lamang ang tuwang naramdaman niya ng hawakan nito ang kamay niya at hilain siya. Pakiramdam niya pati puso niya ay hawak nito. Napakalmbot ng kamay nito at buong ingat niya itong hinawakan na parang isang babasaging bagay.

Ito mismo ang nagbukas ng kahoy na gate at tinahak nila ang malawak na taniman ng mga gulay bago pa natanaw ng kanyang paningin ang isang maliit na barong barong na tanging kumot at sako ang pader.

"Y-yan ang bahay niyo?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Opo." Binitawan nito ang kamay niya at parang kalahati ng buhay niya ang nawala sa kanya ng mawala sa hawak niya si Mira.

Nagmamadali itong nagtungo sa bahay at paglabas ay may bitbit itong maliit na bilugang bangko na gawa sa plastik. Pinagpagan nito ang malapad na kahoy sa gilid ng bahay saka siya tinawag.

"Dito po kayo umupo para hindi po kayo mapagod." Tawag nito sa kanya. Hinila siya nito ng hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. "Diyan lang po kayo. Kumaen na po ba kayo?" Para itong matanda kung magtanong sa kanya.

"Okay lang ako, hindi ako gutom."

Tumango pa ito bago lumapit sa kalderong nakapatong sa lutuan na gawa sa pinagdikit dikit na bato at may mga kahoy sa ilalim. Nasa labas din ng bahay iyon nakalagay kaya naman kita niya ang ginagawa nito. May kinuha ulit ito sa loob at paglabas ay may hawak na itong pinggan at kutsara. Ito mismo ang kumuha ng kanin sa kaldero saka umupo sa kahoy na kinauupuan niya. Nakapatong sa plastik na bangko ang pinggan nito na puro kanin lang ang laman.

"Kaen po." Alok pa nito bago binuksan ang plastik ng sitsirya na binili nito at hinalo sa kanin.

"Yan lang ang ulam mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Hindi niya mapigilang maawa sa sitwasyon na ito.

"May gulay po na niluto si nanay, kaso ayaw ko po ng ampalaya eh. Pero kapag talong po gusto ko po. Lalo na po yung prito."

"Dapat kumakaen ka lagi ng gulay. Para lumaki kang malusog."

Napanguso ito saka siya tinignan ng mariin sa mga mata. Kunot na kunot ang noo nito.

"Bakit?" Tanong niya ng hindi inaalis ni Mira ang tingin sa kanya.

"Parang kayo po si nanay, ayaw ko pong lumusog eh, baka matulad ako kay joseph na tumaba kakakaen. Baka mamaya pagkamalan pa ako ni Pinay na anak niya."

Naalala niya ang sinabi nito na may kasama ito na si Pinay at Carlo. "Nasaan ba si Carlo at Pinay?"

"Ayun po oh!" Tinuro nito ang manok na busy sa pagtuka ng lupa. "Siya po si Carlo, si Pinay po nasa kulungan. Tignan niyo po, lalapit sa akin si Carlo."

Tinawag nito ang manok sa pamamagitan ng pagpapakita dito ng kanin na nasa kamay. Tuwang tuwa naman ang manok na lumapit at tinuka ang mga butil sa kamay nito. Napahagikgik pa sa tuwa sa Mira. Talagang lahat ng bagay ay kinatutuwa nito, pati simpleng pagpapakaen sa manok.

Pagkatapos pakainin ang manok ay mabilis itong inubos ang pagkaen at tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Papakainin ko po si Pinay. Gusto mo po siyang makita? Kapapanganak niya lang po kaya masungit siya. Wag ka pong lalapit sa kanya kasi di ka niya kilala."

May kinuha itong timba at halos hirap itong buhatin iyon pero ng tulungan niya ay pinigilan siya nito.

"Ako na po, madudumihan ka."

Nahiya siya bigla rito. Halatang sanay na ito sa hirap samantalang siya puro pasarap lang ang buhay. Madungis ang damit nito ay mga punit pa samantalang ang sa kanya ay mamahalin at mahihiya ang dumi na kumapit. Napagtanto niya rin na ang bahay ng mga ito ay kulungan ng baboy pala base sa disenyo nito.

Hindi niya lubos maisip kung paano lumaki ang anak niya sa ganitong lugar. Kung paano nakayang buhayin ni Jamie si Mira na mag-isa. Kung alam niya lang na nagsasabi ito ng totoo noon ay hinding hindi hahantong sa ganitong sitwasyon ang anak.

Dahil sa takot na matulad sa ama kaya nagawa niyang pagtabuyan si Jamie. Pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat.

Napatakip siya ng ilong ng hawirin ni Mira ang nakatakip na harang sa isang pinto na katabi mismo ng tinutulugan ng mga ito. Kulungan na ito ng baboy. Balewala lang kay Mira ang amoy, sumalok ito gamit ang tabo sa pagkaen ng baboy bago binuhos sa kainan ng alaga.

"Tignan niyo po ang anak ni Pinay, ang lakas kumaen." Tuwang tuwa ito na pinagmamasdan ang mga alaga.

"Mira, kapag umaalis ang nanay mo, sino kasama mo naiiwan dito?"

"Ako lang po. Kaya ko naman po mag-isa. Lagi po sinasabi ni nanay sa akin na kailangan niya po ako iwan para magtrabaho, para sa akin naman daw po ang ginagawa niya. Wala na po kasi akong tatay kaya si nanay lang po ang nag-aalaga sa akin."

May kung anong bumara sa kanyang lalamunan at ang bigat ng pakiramdam niya na parang may milyong karayom na tumutusok sa kanyang dibdib.

Kung ganun, alam nito na wala na itong ama? Hindi niya masisisi si Jamie kung iyon ang pinamukha sa bata nang mag-kaisip na ito.

"Mira," Yumuko siya para magkaharap sila ng anak. "Alam mo ba ang pangalan ng tatay mo?"

"Opo."

He felt his heart pound hard. "Talaga? A-ano?"

"Badong po. Yun daw po sabi ni nanay na pangalan ng tatay ko."

***

  

A wall in-between [QS#2]Where stories live. Discover now