Imposibleng ang lalaking matagal nang wala sa buhay niya ay makikita niya pang muli sa pagkakataong ito. Sa ganitong sitwasyon.

Hindi pwedeng ang lalake sa harapan niya ay si Lavender Fontanilla, ang lalaking minahal niya at ama ng anak niya.

Mukhang maging ito ay nagulat ng makita siya pero agad din nawala iyon at napalitan ng blangkong emosyon ang mukha nito.

"Did you hear me? Sabi ko tulungan mo ako rito." Malamig pa sa yelo ang boses nito ng muling magsalita. Sumenyas ito na pumasok siya sa loob.

Napakurap siya at hindi alam ang ikikilos. Sa boses at tingin nito nakumpirmado niyang ito nga si Lavender... dahil ganitong tingin din ang binigay nito ng huli silang magkita. At ang mga tingin na ito rin ang humiwa sa kanyang puso at mukhang ganun pa rin ang epekto sa kanya ng mga tingin nito.

"Miss?" Tanong nito ng hindi pa rin siya kumikilos.

Miss? Kung ganun, hindi siya nito natatandaan? Siguro ganun na nga. O kung nagpapanggap lang ito na hindi siya natatandaan ay mas mainam. Hindi na rin siya dapat magpa-apekto rito at dapat niya na rin kalimutan ang nakaraan. Kahit masakit sa kanya at para sa anak niya.

"O-opo, Sir."

Sumunod siya sa kwarto nito at hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya. May babaeng natutulog sa kama.

"Help me with her." Utos ni Lavender na lumapit sa kama at maingat na iniayos sa pagkakahiga ang babae. "Ikuha mo ako ng maligamgam na tubig at bimpo." Kung umasta ito ay para talagang hindi nito siya kilala.

"Opo." Sagot niya at nagmamadaling nagtungo sa banyo kung saan nakalagay ang mga towel.

Gustong gusto niya nang maka-alis sa lugar na iyon dahil pakiramdam niya anumang oras ay bibigay na ang mga tuhod niya. Halos mabingi na rin siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

Kahit mabigat sa pakiramdam ay bumalik siya sa kwartong iyon bitbit ang mga inutos nito. Nilapag niya iyon sa may lamesa. Handa na sana siyang umalis ng magsalita ito.

"Bago ka umalis, linisin mo muna ang suka diyan sa sahig." Utos nito ng hindi siya nililingon.

Sa kagustuhang maka-alis na roon ay nagmadali na ang kilos niya. Nakita niya nga ang mga bakas ng suka sa sahig malapit sa kama. Kumuha siya ng basahan at inumpisahang linisin iyon. Hindi niya ring mapigilang mapasulyap sa gawi ni Lavender.

Maraming nagbago sa itsura nito, nag matured ito at lalong lumaki ang katawan. Ang dating kayumanggi nitong kulay ay naging tisoy na ngayon. Lalo lamang itong gumwapo sa tingin niya.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya na dapat ito pagtuunan ng pansin. Hindi na ito ang Lavender na minahal niya. Matagal nang wala si Lavender sa buhay niya.

Abala ito sa pagpunas ng katawan ng babae na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Ang malamig na mga mata ni Lavender kanina ay buong pagmamahal nang nakatingin sa babae. Malayong malayo sa mga tingin na binibigay nito sa kanya.

Sino kaya ito? Marahil kasintahan nito ang babae o di kaya asawa.

Sa isipang iyon ay may kung anong kurot siyang naramdaman sa puso.

Mayamaya pa ay umungol ang babae bago nagdilat ng mata.

"Hey..." Malambing na tawag ni Lavender dito. "How are you feeling?"

"My head hurts."

"Magpapadala na ako ng pagkaen dito para makapag almusal ka na."

"I'm not hungry."

"Hon, you should eat." Malambing na pakiusap ni Lavender dito.

"I said I'm not hungry." Madiin na sagot ng babae.

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon