6 - CHARM

138 7 7
                                    

July 1, 20**.

Sabado na ngayon. Kasama ko si Aly. Walangya. Nagpasama sa akin para mamili ng damit para bukas.

Papagudin pa ako? Eh, birthday party ko daw bukas. -.-

Lahat ng 2nd year college BA lang ang invited. Di ko naman sila kilala. Wala akong magagawa.

Nung Friday naman, halos mamatay pa rin ako sa tingin nung mga babae. Pinaguysapan pa rin ako. Loko talaga yung si Aly e. Trouble maker! :(

"Girl! Tingnan mo 'to! *sabay tapat niya ng dress sa sarili niya* Bagay ba?"

May hawak siyang cocktail dress. Color light blue. Malamig sa mata. Maganda. Palibhasa fashionista din ang isang to!

Tiningnan ko maigi. Bagay naman sa kanya dahil maputi siya.

Hmm. May kinuha pa siyang isang cocktail dress. Faded red. Malamig din sa mata. Bagay din sa kanya.

"Etong red? Naman oh! Uy Charm!" Tawag nito sa akin.

"Ano bang theme ng party ko?"

"Blue. As what you want."

"That's it! Nasagot ko na ba tanong mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Aish. Nahahawa ka na sa kamalditahan ko ah! Oo na! Pareho ko nalang silang bibilhin!" Sabay irap nito sa akin.

Kahit kelan talaga tong babaeng to! Dukutin ko mata niya e! -.-

Tumingin tingin na rin ako ng damit. Nagsukat na din. Puro light colors ang mga nakikita ko. 

like light colors. Malamig sa mata. Lalo na pag blue. Ice tingnan. Psh.

"Charm!" Tawag ni Aly.

"What?"

"I think you should wear this." Sabay abot sa akin ng ice white and blue na floral gown. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ewan ko kung anong tawag dito. Di ko rin alam kung tama ang description ko. Bahala na kayong umintindi. XD

"Gusto mong mag-gown ako?" Takang pagtatanong ko. Hindi naman kasi ako magdedebut! Bakit ako mag-ga-gown diba?

"Hindi naman siya totally gown ah! Simple dress lng naman siya!" Sabay tingin ulit sa hawak niya.

"Sukat mo! Dali! Tapos meron pa akong nakita doon na kulay blue din! Teka nga Charm! Yung totoo! Tomboy ka ba? Bakit ang hilig mo sa blue?!"

"Aray!! Sadista kana pala!" Dagdag pa niya. Pano, binatukan ko. Ibang klase magisip to! Porket magilig sa blue, tomboy agad?

"WhateverALY!!" Sabay hablot ng pinapasukat niya sa akin na long dress? Ewan ko! >,<

Pumasok ako sa fitting room. Sinukat ko siya malamang. :p

Pagkatapos ko, tiningnan ko sa salamin. Bagay naman sa akin. Maputi din naman ako. Kaya mas lalong maganda tingnan.

Lumabas ako para ipakita kay Aly. At eto ang reaction niya.

->  O_______________O

Wow lang diba? Hindi naman ako boyish ah! Bat gulat na gulat siya?

"Wow! You look beautiful wearing that blue eklavu dress!"

Ano daw? Blue eklavu dress? Napangiti nalang ako dahil nababaliw nanaman si Aly!

Hay. Ewan ko ba dito sa pinsan ko. Ang lakas ng tama!

"Urgghhh. I envy you, Charm! Shoo! Alis na sa harap ko! Magpalit kana!" Sabay tulak niya sa akin papasok ng fitting room!

Ang daming alam! Kainis! Nung natapos na ako, lumabas na ako sa fitting room. Binigay ko na sa sales lady yung bibilhin ko. Ang sossy dito e. May sarili kang tiga bitbit ng bibilhin mo.

END UP IN A MILLION TEARS. [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon