5 - CHARM

129 5 2
                                    

June 29.

First day ko sa school. At birthday ko rin ngayon. Nandito na ako ngayon sa cateen.

Tapos na ang nakakabaliw na pagpapakilala sa akin ni Aly sa Quadrangel kanina.

*FLASHBACK*

"Hephep! Hi guys! Kilala niyo ako diba? Alyssa Cruz Villanueva. Yes. Tama kayo. Anak ako ng may ari ng school na ito."

Hindi pa ba siya nagpapakilala dati bilang anak ng may ari ng school? Hinintay pa talaga ako bago siya magpakilala ah.

Nagsimula na ang bulong bulungan ng mga tao. Yung iba nagulat. Yung iba walang pakialam.

"Anyway, ayokong sasaktan niyo si Charm. Dahil kaibigan ko siya, at GIRLFRIEND SIYA NI KYLE RODRIGUEZ."

NAGULAT AKO SA SINABI NI ALY.

A-ano daw? Girlfriend ni Kyle? Oo, alam ko yun.

Pero kontrata lng at nagpagusapan namin na sa harap lang ng magulang namin gagawin yung kontrata na yun!

Ano ba 'tong pinasok na gulo ni Aly. Shemay. Ayoko pa pong mamatay. T.T

Kakauwi ko lang galing ibang bansa e. Tapos gulo agad to?

Tiningnan ko ang mga reaction ng mga tao sa paligid.

Kung kanina, nagulat sila, ngayon naman, mas nagulat sila at lalong lumakas ang bulong bulungan at kung makatingin sa akin yung mga babae, para akong papatayin.

*END OF FLASH BACK*

"Hoy! Ano ba yan! Kanina ka pa nakatulala dyan!" Sabay kalabit sa akin nito.

Hay! Kainis! Sino di mapapatulala sa mga pinag gagagawa ng babaeng ito? -.- Alam ko na po ikamamatay ko readers!

'Headline: Babae, namatay dahil sa masasamang titig ng ibang babae sa kanya.'

Wow. Ang lame lang. Psh. Nakaka-stress naman.

"Hoy!!"

"Ay kabayong kalabaw!!"

"CHARM! KE-LAN PA NAG-KA-RO-ON NG KABAYONG KALABAW?!" Sarkastikong sabi nito.

"Pasalamat ka at mabait ako, Aly. Kung hindi, baka kanina ka pa nilamon ng buwaya." Inis na sabi ko sa kanya. Psh. Dito ata ako magiging masama. -.-

"Ano ba kasi prob--"

"Ikaw. Ikaw yung problema. Malinaw natin pinagusapan yan Aly. Ayokong mapahamak ng dahil dun." Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba Charm, hindi ko ginawa yun para ipahamak ka. Diba sabi mo tulungan kita? Yun lng yung naisip kong paraan para mapalayas yung mga umaagilid kay Kyle." Mahinahong sabi nito.

"Pero.. *sigh* bakit naman ganun Aly? Okay lang sana na magalit siya sa akin. Kasi yung mamatay ka sa titig nila? Wow lang."

"Charm naman e! Syempre hindi ko hahayaang masaktan ang pinsan ko. Bestfriend kita diba? Tsaka, kaya nga ako nagpakilala na bilang anak ng may ari ng school, para pag may nang-away sayo, lagot sila sa akin." Kalmadong sabi nito sabay yakap at himas sa likod ko.

Hay. Ewan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ginawa niya o mainis at magalit dahil sa gulong pinasok niya. *sigh*

"Tama na yan! Tara na! 2nd year na tayo oh! Business Ad pa coarse natin. Dakilang taga pamahala ng negosyo ng mga magulang natin." Tumayo na siya at hinihintay akong gumalaw.

"Sa tingin ko, ikaw lang yun. Alam mo na diba?" Tapos tumayo na ako at naglakad.

"Charm! Uso maghintay diba? Psh!" Inis na sabi ni Aly at tumakbo para masabayan ako sa paglalakad.

Ewan ko. Naiinis ako sa sarili ko. *sigh*

**

"Blah blah blah blah." Yung teacher namin yan. Hindi talaga ma-absorb ng utak ko ang mga nangyayari.

Pag dadaan ako, yung iba batiin ako ng Happy Birthday. Yung iba, lalayo at pagbubulungan ako.

Meron namang halos mapatay ako sa sama ng tingin. At ang pinaka onti, ay yung gusto akong maging kaibigan.

Wala. Naghe-hello lang ako. Ngumingiti na parang walang nangyari. Ang lungkot ng araw na ito. Birthday ko pa naman tapis ganito.

Hay Alyssa!

"You may go now." Sabi ng prof namin.

Hay salamat. Halos sumakit ang ulo ko sa mga sinasabi niya. Di ko naman maintindihan. :(

Nagayos na ako ng bag. Hinihintay si Aly. Sabay daw kaming uuwi.

"Ay tokneneng!" Pagkasabi ko nun, nagsilingunan yung iba naming classmate na nasa loob pa ng room.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong sa kumalabit sa akin.

Ano? Sesermonan niya na ba ako? Kung yun lang pala, please lang.

Wag sa school. At wag ngayon dahil birthday ko at napagod ako kakaisip sa ginawa ni Aly.

"Happy birthday.. BABE." Sabay ngiti nito sa akin.

ANO DAW?

HAPPY BIRTHDAY? BABE?

ANONG NANGYAYARI SA MUNDO?

OKAY LANG BA SIYA? Hindi ba siya nilalagnat?

O kaya naman, nalason? Tiningnan ko ang reaksyon ng mga kaklase namin.

Yung iba kinikilig. Pero halos lahat, inis na inis.

SHEMAY! Ayoko pa mamatay. Lalo na sa araw ng birthday ko. >3<

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

"Hey! Charm! Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Aly na nasa harapan ko na ngayon.

No. Sabihin niyo. Namamalik mata lang ako kanina diba?

"Happy birthday.. BABE."

Shemay. Nag e-echo yung sinabi niya. T.T No. Hindi. Si Aly lang yung nagsalita kanina diba?

--

Oppss! Sorry talaga sa spacing! Kapag nakapaglaptop ako, promise! Aayusin ko! :D

END UP IN A MILLION TEARS. [ON GOING]Where stories live. Discover now