Sunod sunod na iling ang ginawa niya. "Hindi totoo yan. Yung mga pinakita mo sa akin, alam ko minahal mo ako. Wag kang magsinungaling, Lavender."

"Let's stop this nonsense talk. Tapusin na natin itong relasyon natin ngayon. Wag mo nang ipagpilitan pa, Jamie."

"B-bakit?" Tanong niya rito. Paulit ulij na pumapasok sa isip niya ang mga sinabi nito. Sa halos tatlong buwan pa lang nilang pagsasama alam niya at naramdaman niya kahit papano ay mahalaga siya rito. Pero bakit kailangan nitong hiwalayan siya? Hindi niya maintindihan.

"Kailangan ko pa bang ulitin? ayoko na! nagsawa na ako sa iyo! Hindi ikaw ang babaeng kaya kong iharap sa altar. Naiintindihan mo ba?" Niyugyog nito ang balikat niya baka sakaling matauhan siya sa kanyang iniisip.

'Nag sawa na ako sa iyo!'

Sawa? iyon ba ang dahilan nito? na nagsawa na ito sa kanya? bakit? Dahil ba naibigay niya na ang sarili niya kaya tapos na ito sa kanya?

Ang sakit lang. Parang dinudurog ang puso niya sa kaisipang iyon ang dahilan nito. Kaya ba pagkatapos ng may mangyari sa kanil ay nanlamig na ang pakikitungo nito sa kanya?

Parang katulad lang din siya ng mga babaeng dumaan sa buhay nito. Ang pinagkaiba lang, pagkatapos ng may mangyari sa kanila imbis na alukin din siya nito ng kasal kagaya ng mga babaeng nakasiping nito noon, siya naman ay pinagtatabuyan nito ngayon.

"Kagaya lang din ba ako ng mga babaeng dumaan sa buhay mo?" Hindi niya mapigilang itanong dito.

Napahilamos ito ng mukha at halatang naiinis na sa kakatanong niya. Ewan ba niya at nagpapaka martyr pa siya, alam niya na rin naman ang mga sagot sa tanong niya.

"Pare pareho lang kayo," Madiin na pagkakasabi ni Lavender.

Hindi na siya nakaimik. May kung anong bara sa kanyang lalamunan na nagpipigil sa kanya sa pagsasalita.

Pare pareho lang sila? Parepareho lang ba silang laruan para dito? Naalala niya ang kiniwento nito tungkol sa kasunduan nito at ng lolo nito, ang dahilan kung bakit sila nagkakilala.

Siguro isa lang din siya sa mga babaeng sinubukan nito kung papasa sa panlasa nito bilang asawa. Mukha yatang bagsak siya sa pagsubok nito. ngayon lang pumasok sa isip niya ang lahat.

Natawa siya ng mapakla. "Naiintindihan ko na... hindi ako pumasa sa panlasa mo para mapangasawa, ano? Kaya ba nakikipag hiwalay ka na? Maghahanap ka na naman ba ng bago?"

Wari'y iniintindi nito ang sinabi niya. Tumango ito at tumingin sa ibang direksyon. "You're right... hindi ka pumasa, kaya ngayon tinatapos ko na ang lahat sa atin."

***

"Tao po... tapo po." Kakatok pa sana ulit si Jamie nang bumukas na ang pinto sa bahay ni Aling bebang. Ang may ari ng compound na tinitirhan niya dati.

"Oh Jamie, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ng ginang at napatingin pa sa mga bagaheng bitbit niya.

Isang matipid na ngiti lang ang ibinigay niya rito. "Babalik po sana ako sa inuupahan ko rati."

Tila nagulat ito sa sinabi niya. Paano ba namang hindi kung pinagmayabang niya noon na hindi na muling babalik pa rito sa pag aakalang makaka ahon na siya sa kahirapan dahil kay Lavender.

Pumasok na naman ito sa isip niya. Ang lalaking humiwa sa puso niya. Hindi niya matanggap na dahil sa hindi pala siya ang tipo nitong mapangasawa ay basta basta na lang siya nitong hihiwalayan. Sino bang niloko niya? Sa itsura at estado ng buhay ni lavender tiyak balewala lang ang katulad niya para rito. Kung siya marahil ay nagluluksa, tiyak si Lavender ay naghahanap na naman ng prospect na mapapangasawa. Parang negosyo lang ang lahat para dito.

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon