Ayun, bumaba kami and hinatid niya ako sa Mom ko and there. Inayusan ako and I am finally gonna wear a wedding gown. Kaya pala bumili talaga sila ng damit na isusuot eh. Kaya rin pala nagpasalon pa. Ako lang ata ang hindi prepared eh.


"You know what Ate, ang swerte mo talaga kay Kuya Nathan. Alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng wedding dress nang hindi mo alam kung ano ang sukat ng bride mo? Alam mo ba na ilang damit ang kinuha ko sa closet mo para gawing basis dito sa sukat ng gown mo? Hahayy, sabi ko na nga ba na kayo talaga ni Kuya ang magkakatuluyan eh."

Ngumiti lang ako, trying to hide my tears. This day has finally come. I am going to be a woman now. I will have a family of my own.

Before I went down para maghanda na sa kasal. Mom went inside sa room kung saan ako inayusan.

"Look at my baby. Jura anak, I am sure your Mom and Dad are so happy now. Kasi, even us nang Daddy mo, ang saya saya namin para sayo. You would have your own family now. Sana masaya ka rin. Nathan is a good guy sweetheart. Alam namin na aalagaan ka niya. He loves you the way we love you."

"Mommy naman eh, you are making me cry. Pero talagang thank you na thank you for everything. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi kayo dumating nina Angel at nina Daddy sa buhay ko. Kayo ang mga super hero ko. I love all of you so so much."

"We are blessed naman to have a daughter like you. Maganda, matalino at mabait. You deserve all the happiness Jura. Kaya halika na, puntahan na natin ang happiness mo."

Tumawa lang kami ni Mama. When we went down. Kevin was waiting sa entrance ng simbahan.

"Look at my best friend. Finally."


"Tse! Tampo pa rin ako." Pang aasar ko sa kanya.

"Courts naman! Sorry na nga, di ba? Busy lang talaga ako. Pero hindi ko naman sinira yung promise ko to be there sa graduation mo ah! Bonus pa nga kasi pati sa kasalan mo nandito ako. At isa pa, ako pa tumulong para mag organize. Kahit medyo masakit at mahirap, tiniis ko para maging masaya ka lang. Tapos ngayon, galit ka pa?"

"HAHAHA! Oo na, oo na. Thank you Kevs. And I am sorry. Pero just look around, baka mahanap mo na ang girl of your dreams mo." sabay kindat ko sa kanya.

"Sana nga. Sige. Mauuna na ako. Ako pa naman ang bestman." I hugged him and yun na nga.

I am now standing sa entrance ng simbahan and looking straight at Nathan. Napapaiyak na naman tuloy ako.

As I walk down the isle, memories came flashing back. Simula nung eksena sa classroom. Sa pag gawa naming ng contract, sa scene sa Tagaytay, sa drama ng buhay namin. All of these things came flashing. At mas narealize ko pa na mahal na mahal ko pala talaga ang lalaking papakasalan ko ngayon. Madami na rin pala kaming pagsubok na pinagadaanan. Pero hanggang sa huli, kami pa rin.

Hanggang sa huli magkasama pa rin kami. Walang problemang nakaya kaming talunin. Siguro nga totoo ang kasabihang, Love Conquers All para sa aming love story.

Kaya kayo, maghintay lang nang kasabihang babagay sa sitwasyon ninyo. There is always a saying that would mirror the things that happened to you. Find it, find it together with your man.


Biglang sumulpot si Daddy at inalalayan ako papuntang altar.

"My sweet little girl. Ang bilis nga talaga ng panahon. 19 years old ka na, graduate na, ikakasal pa. Daddy is so proud of you. I love you."

"Daddy naman eh, I love you too."

And here it is. Nasa altar na kami ni Dad.

"Nathan ha, take good care of our princess."

"Yes Tito, I will po."

"Naku, ikakasal na rin naman kayo, Daddy nalang."

Tumawa lang kami and then Dad let go of me and handed me to Nathan. Naku nga naman eh, sobrang lamig lang ng kamay ni Nathan. Obvious na obvious naman ata ang mokong na kinakabahan.

"Bi, kinakabahan ka?" Pang aasar ko sa kanya.

"Ewan ko sayo bi!" Tumawa lang kami and then nagsimula na.

......

......

.....

At ang pinakahihintay nang lahat, or maybe ang pinakahihintay ni NATHAN NA MANGYARI!

"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!"

"YES!" May pa talon talon pa siyang nalalaman. Naku nga naman.

"HOY NATHAN! HUWAG MUNA. NAHIHIYA AKO EH." Sumimangot si Nathan and I just smiled.

"Okay fine!" Ayun, he kissed me sa cheeks and then ang lintek na si Angel naman.

"AYYYYYY BAKIT SA CHEEKS LANG?!"

At dun na nagsimula ang cheers ng mga tao na sa lips daw. Ito talagang si Angel.

"Papaano bayan Bi?"

"Tse! Tigilan mo nga ako jan! Ang saya mo lang eh. Oo na sige na."

He kissed me and I kissed him back.

And this moment is just so perfect.

It is just our beginning.

The road to our lifetime has just begun.

I guess, this is the start of our infinity, of our forever.

And now, isa lang ang masasabi ko,


......

......

......





I am glad that Mr. Bitter met Ms. Proper

Mr Bitter meets Ms ProperWhere stories live. Discover now