S.U. 1 The Queen

12.3K 232 28
                                    

Please read Book 1 first :)

CHAPTER 1
THIRD PERSON'S POV

Excited ang lahat ng mga estudyanteng papasok ngayon sa Skrivena University, pagkatapos nilang malaman na iba na ang management na may hawak nito. Madami kasing rules ang nawala at pinalitan ng mas mainam na batas para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Binuwag na ang rule number 1, ngayon ay malaya nang makipagkaibigan ang mga estudyante sa Aphotic Dread at Orphic Braw na hindi na kailangang mamili pa at magkampihan. Wala na rin ang hidwaan sa pagitan nila. Pagkatapos ng sunod-sunod na pangyayari ay naging magkaibigan na ang dalawang grupo. Maliban na lang sa kanilang mga leader na hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap.

Kahit bago na ang may hawak ng Unibersidad, nanatili pa ring lihim sa lahat kung sino na ang bagong nagmamay-ari nito, bilang paggalang sa dati ng batas ng paaralan. Sina Mrs. Sandberg, Mrs. Chen at Mrs. Gertler na ang nagpapatakbo nito na inilihim at iniwan ng kanilang yumaong asawa.

Dahil first day of school, karamihan ay maagang pumasok dahil excited na makitang muli at makipagkwentuhan sa mga kaibigan. Kaya naman, isa sa maagang dumating si Hailey. Habang nagpa-park siya sa parking na katabi ng admin office ay nakapansin siya ng kakaiba.

Bago siya bumaba ng sasakyan ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid. Tahimik, wala masyadong estudyante at tanging sasakyan niya lamang ang naka-park sa lugar na iyon. Tinignan niya agad ang kanyang relo. Napabuntong hininga siya nang makita na alas-siyete pa lang ng umaga kaya marahil ganoon ang nadatnan niya.

Bumaba na agad siya ng sasakyan. Inayos niya ang kanyang suot na printed yellow dress at sinukbit sa kanyang balikat ang shoulder bag na hawak niya. Naglakad na siya palabas ng parking dala ang isang magandang ngiti.

Magaan ang kanyang pakiramdam pagpasok sa paaralan. Bukod sa natapos na ang kanilang problema ay masaya siya dahil ito ang unang pagkakataon na pumasok siyang walang kasamang bodyguards. Napagkasunduan kasi nila ng kanyang ina na tatanggalan na siya ng mga bantay, ngunit kailangan niya pa ring ipaalam kung saan siya pupunta.

Napahinto si Hailey nang harangan siya ng apat na kalalakihan bago makalabas ng parking. Pinagmasdan niya muna ang mga ito. Ang apat na lalaki ay nakasuot ng jeans, putting t-shirt at may suot na cap. Parehas ang kanilang mga suot kaya biglang napakunot-noo si Hailey. Seryoso ang mga ito na nakatayo sa kanyang harapan.

"Excuse me! Padaan ako," sabi ni Hailey. Pinatabi niya sa gilid ang dalawang nasa harapan niya, ngunit bago pa man niya malagpasan ang mga ito ay umikot na sila at pinalibutan siya.

Napataas ang kilay ni Hailey at muling tinignan ang apat na lalaki. "Ang aga pa para manggulo kayo. Anong kailangan ninyo?" tanong niya.

Hindi umimik ang mga ito, sa halip ay sabay-sabay silang yumuko. Bahagyang napaatras si Hailey at mariing kinapitan ang kanyang shoulder bag.

"Hindi ba kayo magsasalita?" muling tanong niya. Isa-isang tinanggal ng mga lalaki ang kanilang suot na sumbrero at hinagis sa ere. Kasabay no'n ay ang pagtugtog ng musika na umalingawngaw sa buong parking lot.

It's too hard to sleep
I got the sheets on the floor
Nothing on me
And I can't take it no more
It's a hundred degrees
I got one foot out the door
Where are my keys?
'Cause I gotta leave, yeah

Biglang sumayaw sa harapan niya ang apat na lalaki. Una ay gusto na niyang umalis agad pero napukaw ang atensyon niya nang laruin ng mga ito ang sumbrerong hawak nila sa bawat dance move na kanilang pinapakita. Napangiti si Hailey nang maalala ang nakaraan. Ang mga paligsahang sinalihan nila noon na umani ng parangal.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 (Complete)Where stories live. Discover now